Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang pag-aralan ang ganoong bagay ay hindi mahirap, ngunit kinakailangan ng bawat isa sa atin na malaman ang katotohanang ito: Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ay magkakaroon ng diwa ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magkakaroon ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ilalahad Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at nagagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang katawan na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Para masiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan itong matukoy ng tao mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy mula sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay bigyang-pansin ang Kanyang diwa (Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba), sa halip na ang panlabas na anyo."
mula sa "Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao"
Mula sa talatang ito ng mga salita ng Diyos, mauunawaan natin na kung nais natin kumpirmahin kung ito o hindi ang nagkatawang-tao na laman ng Diyos, hindi ito dapat ibatay sa kung ang katawan ng nagkatawang taong Diyos ay mataas ang estado o gaya ng karaniwang tao, at hindi rin dapat ibatay sa lugar ng kapanganakan ng katawang-tao ng Diyos, ngunit dapat itong ibatay sa diwa ng katawang-tao ng Diyos. Sapagkat, tanging ang nagkatawang-taong Diyos ang may diwa ng Diyos at tanging Siya lamang ang maaaring magpahayag ng katotohanan, gawin ang gawain ng Diyos Mismo, magpakita sa atin ng paraan ng pagsasagawa, at magbigay sa atin ng buhay.
Ngayon, ang Panginoon ay nagbalik na sa katawang-tao, at Siya ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw. Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng milyun-milyong salita at isinasagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos. Parami nang parami na mga tao na sabik na naghahangad sa pagpapakita ng Diyos ang nakabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakita na ang Kanyang mga salita ay may awtoridad at kapangyarihan, at maaaring ihayag ng mga ito ang mga hiwaga ng gawain ng Diyos at lutasin ang pagkalito at paghihirap ng tao sa pananampalataya. Kinikilala nila na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at tinig ng Diyos, at tinukoy na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at sa gayon ay bumalik sila sa Makapangyarihang Diyos. Ikaw na nagnanais ng pagbabalik ng Panginoon, natagpuan mo na ba ang daan upang masalubong ang Panginoon?
________________________________
Inaasam nating lahat na masalubong ang Panginoon at dumalo sa piging ng Kordero. Gayunpaman, paano natin sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo? Mangyaring i-click ang link upang mahanap ang sagot.
Inirerekomenda: Ikalawang Pagparito ni Jesucristo
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.
Write a comment