· 

Talikuran ang Iyong mga Pagkaunawa at Mapagkumbabang Hangaring Matagpuan ang mga Yapak ng Diyos

 

Ngayon ating siyasatin kung paano matutupad ang mga propesiya ng pagbaba ng Panginoon sa isang ulap. Una muna nating unawain na ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay mayroong plano at mayroong mga hakbang. Ang Diyos ay unang bababa ng lihim upang gumawa ng gawain nang mailigtas ang tao, at pagkatapos ay lantad na magpapakita sa tao kasama ng mga ulap, pagpapalain ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Mas higit nating mauunawaan kung paano matutupad ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon matapos basahin ang mga talatang ito. Ang Panginoong Jesus ay nagsabi, "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan16:12-13). "Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan12:48). "Sapagka't ang Ama'y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol" (Juan5:22).

 

Mula sa mga talatang ito makikita natin na ang Diyos ay magiging katawang-tao sa mga huling araw at palihim na gagawa sa gitna ng sangkatauhan, nagpapahayag ng mga katotohanan at gumagawa ng isang yugto ng gawain ng paghatol. Ang gawaing ito ay itinatag mula sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus at ginawa ayon sa makatotohanang mga pangangailangan ng tao.

 

Bagaman tayo ay natubos na ng Panginoong Jesus at ang ating mga kasalanan ay napatawad, ang ating satanikong mga kalikasan tulad ng pagka-arogante, pandaraya, pagka-makasarili at pagka-malisyoso ay hindi pa lubusang nareresolba, at nananatili pa rin tayo sa estado ng pagkakasala at paghingi ng tawad. Kaya ang Panginoon ay nagpropesiya na Siya ay babalik sa mga huling araw upang gumawa ng isang yugto ng gawain ng paghatol at pagdadalisay. Ang mga tumatanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at ang mga nalinis, ay ang mga mananagumpay na ginawa ng Diyos bago ang sakuna. Pagkatapos ang Diyos ay bababa sa isang ulap upang magpakita sa lahat ng mga tao. Kapag yaong, ang mga hindi tumanggap sa gawain ng Diyos ngunit hinahatulan at kinakalaban ang Diyos habang ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay gumagawa sa lihim, ay makikita na ang Isa na kanilang kinondena at kinalaban ay tunay nga na ang nagbalik na Panginoong Jesus, kaya sila’y tatangis at magngangalit ang kanilang ngipin at doon ipapakita sa lupa ang pangitain ng pagtangis ng lahat ng mga lahi. Sa gayon, ang mga propesiya ng pagbaba ng Panginoon sa isang ulap ay ganap na natutupad. Iyon ay masasabing, ang oras na makikita natin ang Panginoon na lilitaw ng lantad sa isang ulap ay ang oras kung kailan gagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at parurusahan ang masasama, at tutukuyin ang kahahantungan ng tao. Tanging kapag una nating tinanggap ang lihim na gawain ng Diyos sa Kanyang nagkatawang-taong laman at sumusunod sa Kanyang mga yapak, na maaari tayong madala sa harap ng trono ng Diyos at mailigtas ng Diyos.

 

________________________________

 

Rekomendasyon: Repleksyon sa ebanghelyo ngayon

Write a comment

Comments: 0