Sabi ng Diyos, “Ang mga taong nakakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay lahat nakawala na sa impluwensya ni Satanas at natamo na ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito na lubusang natamo na ng Diyos ay papasok sa huling kapahingahan. Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o makapapasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang di-pagkamakatuwiran, at tanging ang Kanyang gawain ng pagkastigo at paghatol ang magbibigay-liwanag sa mga masuwaying bagay sa sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi. Kapag natapos ang gawaing ito, yaong mga tao na pinapayagang manatili ay lilinising lahat at papasok sa mas mataas na kalagayan ng katauhan kung saan magtatamasa sila ng isang mas kahanga-hangang ikalawang buhay ng tao sa lupa; sa ibang salita, sila ay papasok sa araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at mamumuhay kasama ng Diyos. Pagkatapos na sumailalim sa pagkastigo at paghatol yaong mga hindi maaaring manatili, ang kanilang orihinal na mga anyo ay ganap na mabubunyag; pagkatapos nito silang lahat ay wawasakin at, gaya ni Satanas, hindi na papayagang manatiling buhay sa ibabaw ng lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na kabibilangan ng alinman sa ganitong uri ng mga tao; ang mga taong ito ay hindi angkop na pumasok sa lupain ng sukdulang kapahingahan, ni naaangkop man sila na pumasok sa araw ng kapahingahan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao, sapagka’t sila ang puntirya ng kaparusahan at ang masasama, at sila ay hindi matutuwid na tao. Sila ay minsan nang tinubos, at sila rin ay hinatulan at kinastigo; sila ay minsan ding naglingkod sa Diyos, ngunit pagdating ng huling araw, sila pa rin ay aalisin at wawasakin dahil sa kanilang sariling kasamaan at dahil sa kanilang sariling pagsuway at pagka-di-matutubos. Sila ay hindi na iiral sa mundo ng hinaharap, at sila ay hindi na iiral sa gitna ng mga lahi ng tao sa hinaharap” (“Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan”).
________________________________
Ang totoong kahulugan ng kaligtasan ay: Naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, na tanging nangangahulugang naligtas tayo ng biyaya at napatawad na tayo sa ating kasalanan, ngunit hindi ito ang tunay na kaligtasan. Kung mararanasan lamang natin ang huling paghuhukom na gawain ng Diyos sa mga huling araw ay maaari tayong ganap na maligtas at makapasok sa kaharian ng Diyos!
Rekomendasyon: Ebanghelyo ngayong araw
Write a comment