· 

Ang Paghahanap sa mga Yapak ng Diyos ay Hindi Dapat Inaantala Sa Panahong Ito ng Madalas na mga Sakuna

 

Ngayon ang mga sakuna sa palibot ng mundo ay mas higit na nagiging malala. Lalo na, ang Wuhan coronavirus sa Tsina ay mabilis na kumalat sa higit 60 mga bansa, at ngayon ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ay bumubulusok araw araw sa Timog Korea at Italya--ang salot na ito ay nagbabanta sa buhay at kalusugan ng bawat isang tao; samantala ang lahat ng uri ng mga sakuna tulad ng mga pagputok ng bulkan, mga lindol, mga tagtuyot, mga taggutom, at iba pa, ay madalas na nagaganap. ...

 

Tulad ng alam nating lahat, 2000 taon ang nakalipas, nang ang mga alagad ng Panginoong Jesus ay nagtanong sa Kanya kung ano ang mga palatandaan na mangyayari kapag Siya ay bumaba sa mga huling araw, sumagot ang Panginoong Jesus, "At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan" (Mateo 24:6-8).

 

Ngayon ang mga propesiya ng pagdating ng Panginoon ay natutupad na, at ang bawat sakuna ay parang binabalaan tayo: Ang Panginooon ay dumating na! Kaya, dapat natin hanapin ang mga yapak ng Diyos upang salubunging ang pagbabalik ng Panginoon sa lalong madaling panahon, at tanging sa gayon na magkakaroon tayo ng pagkakataon na makamit ang proteksyon ng Diyos sa mga sakuna.

 

Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, "Dahil hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagkat kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pagpapahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay."

 

Sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos na ang daan upang mahanap ang mga yapak ng Diyos ay ang hanapin ang pagbigkas at mga salita ng Diyos. Tanging sa pagkilala sa tinig ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita na maaari nating matanggap ang pagbabalik ng Panginoon.

 

 

_________________________________________________

 

Rekomendasyon: Ang Pagtubos ng Panginoon at Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw

Write a comment

Comments: 0