· 

Paano Darating ang Panginoon na gaya ng Magnanakaw?

Panginoong Jesus

Maraming tao na nananabik na masalubong ang Panginoon ay natuklasan na ang mga propesiya sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, ay mayroong mga propesiya tungkol sa pagparito ng Panginoon na gaya ng magnanakaw, tulad ng "Narito, Ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). Kaya, paano darating ang Panginoon na gaya ng magnanakaw? Ang katanungang ito ay nauugnay sa kung magagawa ba nating masalubong o hindi ang Panginoon.

 

Mauunawaan natin ang katanungang ito sa pamamagitan ng pagtingin sa mga ilang talata at katotohanan ng gawain ng Diyos. Hinulaan ng Panginoong Jesus, “Datapuwa't ito'y talastasin ninyo, na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating ang magnanakaw, ay siya'y magpupuyat, at hindi niya pababayaang tibagin ang kaniyang bahay. Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip" (Mateo 24:43-44). “Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin Siya"(Mateo 25:6). Dito, sa mga talatang ito nabanggit "gaya ng magnanakaw," "sa oras na hindi ninyo iniisip," at “pagkahating gabi ay may sumigaw," na ang ibig sabihin ay ang Panginoon ay paparito ng tahimik at palihim, at na sa pagbabalik Niya, hindi lahat ng mga tao ay makakaalam. Ang "Anak ng tao" ay tumutukoy sa nagkatawang-taong Diyos, tulad na lamang ng Panginoong Jesus. Makikita rito na ang Panginoon na paparito na gaya ng magnanakaw ay nangangahulugang na sa pagdating ng Panginoon sa mga huling araw, Siya ay magkakatawang-tao at palihim na bababa sa atin.

 

Tulad na lamang ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng China, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay 'panloob-na-lupain.' Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagkat ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos nang patago. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwat walang sinuman ang nakaaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito. Marahil ito ay mananatiling isang walang-hanggang palaisipan. Ang pagdating ng Diyos sa katawang-tao sa panahong ito ay isang bagay na hindi posibleng mabatid ng kahit sino. Gaano man kalaki at kamakapangyarihan ang gawain ng Espiritu, nananatiling palaging kalmado ang Diyos at hindi kailanman nagbibigay ng kahit ano. Maaaring may magsabi na ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay parang nagaganap sa langit. Kahit na ito ay ganap na halata sa lahat na may mga matang nakakakita, walang sinuman ang nakakakilala rito. Kapag tinapos ng Diyos ang yugtong ito ng Kanyang gawain, aalisin ng buong sangkatauhan ang kanilang karaniwang saloobin, at magigising mula sa kanilang mahabang panaginip. … Sa pagsapit ng bukang-liwayway, lingid sa napakaraming tao, naparito ang Diyos sa lupa at sinimulan ang Kanyang buhay sa katawang-tao. Hindi alam ng mga tao ang pagdating ng sandaling ito. Siguro lahat sila ay mahimbing na natutulog, marahil maraming nagbabantay ang naghihintay nang gising, at marahil marami ang nagdarasal nang tahimik sa Diyos sa langit. Gayunman sa gitna ng lahat ng maraming taong ito, wala ni isang nakaalam na ang Diyos ay dumating na sa lupa."

 

Ngayon, ang Panginoon ay pumarito ng palihim, at Siya ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang gawain ng pagdadalisay at pagliligtas sa mga tao. Ang Diyos ay pumaparito ng palihim gaya ng magnanakaw upang gawin ang Kanyang gawain na "magnakaw ng mga yaman," iyan ay, dalhin yaong mga may mabuting pagkatao, taos-pusong nananampalataya sa Diyos, at minimithi ang pagbabalik ng Panginoon sa harapan Niya. Matapos nilang marinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakilala nila na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at tinanggap at sinunod ang Makapangyarihang Diyos, at sila ay na-rapture sa harapan ng trono ng Diyos at muling nakasama ang Panginoon.

 

Mga kaibigan, nais nyo bang maging ang "yaman" na nais "nakawin" ng Panginoon? Nais nyo bang mas marami pang malaman tungkol sa lihim na gawain ng Panginoon sa mga huling araw upang masalubong ang Panginoon sa lalong madaling panahon? 

 

2 Paraan ng Pagbalik ng Panginoon sa Mga Propesiya sa Biblia

 

________________________________

 

Itinala ng Bibliya ang mga propesiya sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Bukod sa mga propesiya ng pagbaba ng Panginoon nang hayagan sa mga ulap, mayroon ding mga propesiya na ang Diyos ay magiging Anak ng tao at bababa sa lihim. Kung gayon, paano matutupad ang dalawang uri ng mga propesiyang  ito? 

Inirerekomenda: Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

 

Ang mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo ay Naglilitawan: Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Write a comment

Comments: 1
  • #1

    Carlo (Tuesday, 08 October 2024 12:14)

    malinaw na sinabi sa 2 Pedro 3:10 ang pagdating tulad ng magnanakaw ay ang araw wakas, sapagkat sa araw na iyon, biglang mawawala ang kalangitan na may nakakapangilabot na ugong. masusunog ang lupa, at mawawa ang lahat ng nasa lupa....

    ang pagdating tulad ng magnanakaw ay syaring hayagan na pag dating hindi ito magkaibang araw hindi ito lihim na pag dating ang sinasabi ng CAG ay salita ng bulaang Cristo na nag Claim lang �

    Pahayag 3:3 ASND
    [3] Kaya alalahanin ninyo ang mga aral na tinanggap ninyo. Sundin ninyo ang mga iyon at pagsisihan ang inyong mga kasalanan. Kung hindi kayo gigising, darating ako sa oras na hindi ninyo inaasahan, tulad ng isang magnanakaw na hindi ninyo alam kung kailan darating.

    ���
    malinaw ang sinasabi dito kaya alalahanin ninyo ang mga aral na tinanggap ninyo. Sundin ninyo ang mga iyon at pasisihan.

    GANITO rin ang sinabi nya sa
    Lukas 9:26

    ito ang babala ng Panginoon Hesus sa mga nagsasabing walang bisa ang bagong tipan

    Lucas 9:26 ASND
    [26] Kung ako at ang mga aral ko ay ikakahiya ninuman, ikakahiya ko rin siya kapag ako na Anak ng Tao ay pumarito na taglay ang aking kapangyarihan at ang kapangyarihan ng Ama at ng mga banal na anghel.

    ang pagkasabi ni Jesus na, kung hindi kayo gigising ang ibig-sabihin ay imulat mo ang mga mata mo sa aral nya�

    dahil kung hindi ka mumulat sa mga salita at aral nya mabibigla ka sa pagdating nya.. dahil hindi ka magiging handa kung hindi ka mulat sa mga aral nya,,

    ito ang ibig-sabihin nya ng sabihin nya darating sya na inimoy magnanakaw dahil ikaw ay taong hindi handa.

    ang pagdating ng gaya ng magnanakaw ay sya ring pag dating nya ng hayagan,,,�

    ang pagdating ng hayagan sa alapaap para sa mga taong mulat at alam ang mga salita ni Jesus ay tuwa at kagalakan ang makikita sa mga mukha.

    ngunit para sa mga taong ayaw sundin ang mga salita at aral ni Jesus. Ang mga ito ay mga taong tulog para sa Diyos,, kaya ang hayagan na pag dating ni Jesus para sa mga taong ito ay kagulat gulat at kabigla bigla,, kaya ito ay tulad ng magnanakaw sa mga taong ito.