Ang mga propesiya sa Bibliya hinggil sa pagbabalik ng Panginoon ay halos naisakatuparan na. Ang Makapangyarihang Diyos ay si Jesus na nagbalik; Siya ang Korderong nagbukas ng pergamino gaya ng nasa propesiya ng Pahayag, at Siya ang tunay na Kaisa-isang inaasam natin nang napakatagal. Matagal na Niyang binuksan ang pitong selyo, at isiniwalat Niya sa tao ang lahat ng misteryong walang sinuman sa lahat ng panahon ang nakaunawa. Malapit nang matapos ang gawain ng lihim na pagdating ng Makapangyarihang Diyos, at hayag na Siyang magpapakita sa lalong madaling panahon—malapit nang marating ng gawain ng Diyos ang maluwalhati nitong konklusyon. Kung magagawa nating hanapin, aralin, at tanggapin ang gawain ng mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos sa paraang positibo at aktibo, at makasabay sa mga hakbang ng Kordero, mayroon pang pagkakataong tayo ay maligtas at magawang perpekto ng Diyos. Kung hindi natin magagawang tanggapin ang gawain ng pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos, kapag nakita natin ang Panginoon na bumababang nasa puting alapaap, magiging huli na ang lahat para sa pagsisisi. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Sa panahong iyon magwawakas ang plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari iyon kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayon ay napadalisay na, ay makakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at makakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya maaari lamang silang pakitunguhan ni Jesus kapag hayagan Siyang bumabalik sa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano magagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga kayang tumanggap ng katotohanan, nguni’t para sa mga hindi kayang tumanggap ng katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mapagmataas na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang" (“Sa Sandaling Mamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
________________________________
Itinala ng Bibliya ang mga propesiya sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Bukod sa mga propesiya ng pagbaba ng Panginoon nang hayagan sa mga ulap, mayroon ding mga propesiya na ang Diyos ay magiging Anak ng tao at bababa sa lihim. Kung gayon, paano matutupad ang dalawang uri ng mga propesiyang ito?
Inirerekomenda: Ikalawang Pagparito ni Jesucristo
Kung naririnig mo ang isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik na at nagpapahayag ng maraming mga katotohanan, nais mo bang gumawa ng inisyatibo upang maghanap at magsaliksik sa Kanyang gawain upang masalubong mo Siya? Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa katotohanan ng pagbabalik ng Panginoon, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-usap sa amin sa pamamagitan ng Messenger.
Write a comment