· 

Paano Tayo at ang Ating Pamilya ay Makakaligtas sa Mga Sakuna at Makatamo ng Tunay na Kapayapaan?

pagpalain ng Diyos

Maraming tao ngayon ang nanganganib na mahawaan sa pagkita ng pera upang maitaguyod ang kanilang mga pamilya, umaasang makapagdala sa kanila ng sapat na pagkain at mga kinakailangan sa buhay upang sila'y mamuhay ng mas maayos. Ngunit gaano man karami ang pera at pagkain, hindi nila tayo matutulungang makatakas mula sa mga sakuna. Ang mga materyal na bagay ay maaaring mapanatili ang isang pansamantalang buhay, ngunit hindi ito maaaring magbigay sa atin at sa ating pamilya ng tunay na kapayapaan. Kaya paano tayo makakaligtas sa mga sakuna at makatamo ng tunay na kapayapaan?

 

Tingnan natin ang kwento ni Noe. Bago ang baha, tinawag ng Diyos si Noe upang magtayo ng isang arko. Pinakinggan ni Noe ang mga salita ng Diyos, sinunod ang Diyos, at pinangunahan ang mga miyembro ng kanyang pamilya na itayo ang arko alinsunod sa kalooban ng Diyos. Sa wakas, nang dumating ang mga pagbaha, ang walong pamilya ni Noe ay pumasok sa arko, prinotektahan ng Diyos at nakaligtas sa sakuna.

 

Tulad din ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Magbalik-tanaw sa panahon ng arko ni Noe: Ang sangkatauhan ay lubhang tiwali, ang mga tao ay lumayo sa pagpapala ng Diyos, hindi na pinangangalagaan ng Diyos, at nawalan ng mga ipinangako ng Diyos. Sila ay nanirahan sa kadiliman, nang wala ang liwanag ng Diyos. Kaya sila ay naging likas na mahalay at hinayaan ang kanilang sarili na mauwi sa kakila-kilabot na kasamaan. Ang ganitong mga tao ay hindi na maaaring makatanggap ng pangako ng Diyos; hindi na nila karapat-dapat na masaksihan ang mukha ng Diyos, o kaya ay marinig ang tinig ng Diyos, sapagkat tinalikuran nila ang Diyos, isinantabi ang lahat ng Kanyang ipinagkaloob sa kanila, at kinalimutan ang mga turo ng Diyos. Ang kanilang puso ay lumihis papalayo nang papalayo mula sa Diyos, at dahil dito, sila ay naging ubod ng sama nang higit pa sa lahat ng katwiran at pagkatao, at lalo pang nagiging masama. Kaya sila ay naging mas malapit sa kamatayan at sumailalim sa poot at kaparusahan ng Diyos. Si Noe lamang ang sumamba sa Diyos at umiwas sa kasamaan, kung kaya’t narinig niya ang tinig ng Diyos at ang Kanyang mga tagubilin. Kanyang itinayo ang arko ayon sa mga tagubilin ng salita ng Diyos, at tinipon ang lahat ng uri ng buhay na nilalang. At sa ganitong paraan, nang maihanda na ang lahat ng bagay, pinakawalan ng Diyos ang Kanyang pagwasak sa mundo. Si Noe lamang at ang pitong miyembro ng kanyang pamilya ang nakaligtas sa pagkawasak, dahil sumamba si Noe kay Jehova at umiwas sa kasamaan."

 

Ang sangkatauhan ngayon ay mas masama at mas tiwali kaysa sa mga tao sa panahon ni Noe. Ngunit ang Diyos ay may awa sa atin. Siya ay muling nagkatawang-tao at dumating sa gitna ng mga tao, nagpapahayag ng lahat ng mga katotohanan upang mailigtas ang sangkatauhan. Natutupad nito ang propesiya ng Panginoong Jesus: "Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan" (Juan 16:12–13). Kaya, kapag sinalubong lamang natin ang Panginoon, nakikinig sa mga salita ng Diyos, at sinunod ang Kanyang bagong gawain, maaari tayong magkaroon ng pagkakataong maprotektahan ng Diyos mula sa mga sakuna at makakuha ng totoong kapayapaan.

 

Ngayon, nais mo bang salubungin ang Panginoon at mahanap ang mga salita ng Diyos sa mga huling araw? 

 

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

 

________________________________

 

Magrekomenda nang higit pa:

Malugod kang makipag-ugnayan sa amin sa Messenger upang talakayin kung paano salubungin ang pagbabalik ng Panginoon.

Write a comment

Comments: 0