· 

Gospel Reading for Today Tagalog | Ang Diyos Lamang ang Ating Sandigan sa Mga Sakuna

mga Sakuna, Panalangin ng Pagsisisi

 

Gospel Reading for Today Tagalog | Ang Diyos Lamang ang Ating Sandigan sa Mga Sakuna

 

Sa mga sakuna na nagngangalit sa buong mundo, maraming tao ang napapahiwalay magpakailanman sa kanilang mga minamahal, nagdurusa ng hirap sa karamdaman, o nakatagpo ng iba't ibang mga paghihirap sa buhay. Nilalabanan nila ang pasakit, pagkalito, kahinaan, at kawalan ng kakayahan.

 

Sa kasalukuyan, napagtanto mo ba na ang Diyos lamang ang ating sandigan? At sabik mo bang hinahangad na bumalik ang Diyos sa mga huling araw upang iligtas tayo mula sa pagdurusa?

 

Kung ikaw ay sabik na naghahangad para sa kaligtasan ng Diyos, dapat mong basahin ang sumusunod na salita ng Diyos upang madama ang taos-pusong damdamin ng Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan at hanapin ang panghuling kapanahunang kaligtasan ng Diyos.

 

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang sangkatauhan, na lumayo mula sa panustos ng buhay ng Makapangyarihan sa lahat, ay hindi nakakaalam kung bakit sila nilikha, subali’t takot pa rin sa kamatayan. Wala silang tulong o suporta, nguni’t atubili pa ring ipikit ang kanilang mga mata, at determinadong mamuhay nang walang dangal sa mundong ito, mga sako ng laman na hindi nararamdaman ang kanilang sariling kaluluwa. Sa ganitong paraan ka namumuhay, walang pag-asa, walang layunin na tulad ng iba. Tanging ang Banal na Isa ng alamat ang magliligtas sa mga tao, na habang nananaghoy sa kanilang pagdurusa, ay lubhang umaasam sa Kanyang pagdating. Sa ngayon, ang gayong paniniwala ay hindi pa rin nagaganap sa mga yaong walang kamalayan. Gayunpaman, patuloy pa ring inaasam ito ng mga tao. Ang Makapangyarihan ay may habag sa mga taong ito na nagdurusa nang labis; kasabay nito, nanghihinawa na Siya sa mga taong ito na walang kamalayan, dahil kinailangan niyang maghintay ng sagot sa napakatagal na panahon mula sa mga tao. Hangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu, bigyan ka ng tubig at pagkain upang gisingin ka, upang hindi ka na mauhaw at magutom. Kapag pagod ka na at nararamdaman ang labis na kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras. Siya ay lagi sa iyong tabi upang bantayan ka, naghihintay sa iyong pagbabalik. Hinihintay niya ang araw na biglang babalik ang iyong alaala: na matatanto mo na ikaw ay nagmula sa Diyos, at minsa’y nawalan ka ng direksyon, at minsa’y nawalan ka ng malay sa daan at minsa’y nagkaroon ng “ama,” at na iyong matatanto, bukod pa riyan, na ang Makapangyarihan sa lahat ay laging nagbabantay, naghihintay nang napakatagal na panahon sa iyong pagbabalik. Noon pa man ay binabantayan ka at lubhang umaasam, naghihintay ng tugon na walang kasagutan. Ang Kanyang pagbabantay ay hindi matutumbasan, at ito ay para sa kapakanan ng puso at espiritu ng tao. Marahil ang pagbabantay na ito ay walang tiyak na katapusan, at marahil ito ay malapit nang magwakas. Nguni’t dapat mong malaman kung saan talaga naroroon ang iyong puso at espiritu sa mismong sandaling ito.”

 

Ang Tanging Paraan Para Maiwasan ang Sakuna

________________________________

 

Rekomendasyon: Tagalog Christian Video | "Pagpalain ng Diyos" | Miracles in Disaster

Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naramdaman mo na ba ang pagmamalasakit at pagmamahal ng Diyos sa iyo? Upang makapakinig pa sa higit pang mga salita ng Diyos, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa Messenger.

Write a comment

Comments: 0