· 

Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Kapinuhan Maaaring Ibigin Nang Tunay ng Tao ang Diyos

Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Kapinuhan Maaaring Ibigin Nang Tunay ng Tao ang Diyos

 

Paano dapat ibigin ng tao ang Diyos sa panahon ng kapinuhan? Sa pagdanas ng kapinuhan, sa panahon ng kapinuhan nagagawa ng tao na tunay na purihin ang Diyos at nagagawang makita kung gaano karami ang kulang sa kanila. Habang lalong tumitindi ang iyong kapinuhan, lalo mas nagagawa mong talikuran ang laman; habang lalong tumitindi ang kanilang kapinuhan, lalong mas nadaragdagan ang pag-ibig ng mga tao para sa Diyos. Ito ang dapat ninyong maunawaan. Bakit dapat pinuhin ang mga tao? Anong epekto ang nilalayon nitong matamo? Ano ang kabuluhan ng gawain ng kapinuhan ng Diyos sa tao? Kung tunay mong hinahangad ang Diyos, kung gayon ang pagdanas sa Kanyang kapinuhan hanggang sa isang partikular na punto madadama mo na ito ay napakainam, at na ito ang sukdulang kailangan. Paano dapat ibigin ng tao ang Diyos sa panahon ng kapinuhan? Sa paggamit ng paninindigan upang ibigin ang Diyos upang tanggapin ang Kanyang kapinuhan: Sa panahon ng kapinuhan ikaw ay nagdurusa sa loob, na para bang isang kutsilyo ang pinipihit sa iyong puso, ngunit nakahanda kang mapalugod ang Diyos gamit ang iyong puso, na umiibig sa Kanya, at hindi ka nakahandang mag-alala para sa laman. Ito ang kahulugan ng pagsasagawa sa pag-ibig sa Diyos. Ikaw ay nasaktan sa loob, at ang iyong pagdurusa ay nakarating sa isang partikular na punto, ngunit nakahanda ka pa ring lumapit sa harap ng Diyos at manalangin, na sinasabi: “O Diyos! Ikaw ay hindi ko maaaring iwan. Bagamat mayroong kadiliman sa loob ko, nais kong mapalugod Ka; kilala Mo ang aking puso, at hinihiling ko na maglaan ka ng mas marami sa Iyong pag-ibig sa loob ko.” Ito ay pagsasagawa sa panahon ng kapinuhan. Kung gagamitin mo ang pag-ibig sa Diyos bilang saligan, madadala ka ng kapinuhan nang mas malapit sa Diyos at gagawin kang mas kapalagayang-loob ng Diyos. Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat mong isuko ang iyong puso sa harap ng Diyos. Kung iaalok mo at iaalay ang iyong puso sa harap ng Diyos, kung gayon sa panahon ng kapinuhan magiging imposible para sa iyo na itatwa ang Diyos, o iwan ang Diyos. Sa ganitong paraan ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging mas malapit na, at mas normal na, at ang iyong pakikipag-isa sa Diyos ay magiging mas madalas na. Kung palagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, kung gayon gugugol ka ng mas maraming panahon sa liwanag ng Diyos, at ng mas maraming panahon sa ilalim ng paggabay ng Kanyang mga salita, magkakaroon din ng higit pang mas maraming mga pagbabago sa iyong disposisyon, at ang iyong kaalaman ay madadagdagan araw-araw. Kapag dumating ang araw at ang mga pagsubok ng Diyos ay biglang sumapit sa iyo, hindi ka lamang makapaninindigan sa panig ng Diyos, ngunit magagawa mo ring magpatotoo sa Diyos. Sa panahong iyon, ikaw ay magiging kagaya ni Job, at ni Pedro. Sa pagpapatotoo sa Diyos iibigin mo Siya nang tunay, at isusuko nang may kagalakan ang iyong buhay para sa Kanya; ikaw ay magiging saksi ng Diyos, at yaong pinakaiibig ng Diyos. Ang pag-ibig na nagdanas ng kapinuhan ay matatag, at hindi mahina. Hindi alintana kung kailan o kung paano ka isasailalim ng Diyos sa Kanyang mga pagsubok, nagagawa mong huwag mag-alala kung mamamatay ka man o mabubuhay, isasantabi ang lahat nang may kagalakan para sa Diyos, at masayang titiisin ang anuman para sa Diyos—at kaya ang iyong pag-ibig ay magiging dalisay, at magiging totoo ang pananampalataya. Sa gayon ka lamang magiging yaong tunay na inibig Diyos, at yaong tunay na ginawang perpekto ng Diyos.

 

Kung ang mga tao ay mahuhulog sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas, kung gayon wala silang pag-ibig para sa Diyos sa loob nila, at ang kanilang dating mga pananaw, pag-ibig, at paninindigan ay naglaho. Dating nadadama ng mga tao na dapat silang magdusa para sa Diyos, ngunit sa kasalukuyan iniisip nila na kahiya-hiya ito at hindi nauubusan ng mga reklamo. Ito ang gawain ni Satanas; ipinakikita nito na ang tao ay nahulog sa ilalim ng sakop ni Satanas. Kung masasagupa mo ang kalagayang ito dapat kang manalangin, at bumaling sa ibang paraan habang mas maaga—poprotektahan ka nito laban sa mga pag-atake ni Satanas. Sa panahon ng mapait na kapinuhan madaling nahuhulog ang tao sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas—kaya paano mo dapat ibigin ang Diyos sa panahon ng gayong kapinuhan? Dapat mong patatagin ang iyong kalooban, ialay ang iyong puso sa harap ng Diyos at italaga ang iyong huling sandali sa Kanya. Hindi alintana kung paano ka man pinipino ng Diyos, dapat mong isagawa ang katotohanan upang tuparin ang kalooban ng Diyos, at dapat kang magkusa sa sarili mo na hangarin ang Diyos at hangarin ang pakikipag-isa sa Diyos. Sa mga panahong kagaya nito, habang lalo kang walang kibo, lalo kang magiging mas negatibo at magiging mas madali para sa iyo na umurong. Kapag kinakailangan para sa iyo na ipaglingkod ang iyong tungkulin, bagamat hindi mo ito naipaglilingkod nang mabuti, gawin mo ang lahat ng iyong makakaya, at gawin ito gamit lamang ang iyong pag-ibig sa Diyos; maging anuman ang sasabihin ng iba—sabihin man nilang mahusay ang ginawa mo, o na pangit ang ginawa mo—ang iyong mga pagganyak ay tama, at hindi ka mapagmapuri, sapagkat ikaw ay kumikilos sa pangalan ng Diyos. Kapag naipagkakamali ka ng iba, nagagawa mong manalangin Sa Diyos at sinasabi: “O Diyos! Hindi ko hinihingi na pahintulutan ako ng iba, ni ako ay patawarin nila. Hinihiling ko lamang na magawa kong ibigin Ka sa aking puso, na ako ay makatitiyak sa aking puso, at na ang aking konsensiya ay malinis. Hindi ko hinihingi na purihin ako ng iba, o tingalain ako; hinahangad ko lamang na mapalugod Ka mula sa aking puso, ipinaglilingkod ko ang aking tungkulin sa pamamagitan ng paggawa sa lahat ng aking makakaya, at bagamat ako ay hangal at mangmang, at may mahinang kakayahan, at bulag, nalalaman ko na Ikaw ay kaibig-ibig, at nakahanda akong italaga ang lahat ng mayroon ako sa Iyo.” Sa sandaling mananalangin ka sa ganitong paraan, ang iyong pag-ibig para sa Diyos ay lumilitaw, at nakadadama ka ng higit pang katiyakan sa iyong puso. Ito ang kahulugan ng pagsasagawa sa pag-ibig ng Diyos. Habang iyong nararanasan, dalawang beses kang mabibigo at magtatagumpay nang minsan, o kung hindi mabibigo nang limang beses at dalawang beses na magtatagumpay, at habang nakararanas ka sa ganitong paraan, tanging sa gitna ng kabiguan magagawa mong makita ang kagandahan ng Diyos at matutuklasan kung ano ang kulang sa loob mo. Sa susunod na masagupa mo ang gayong mga sitwasyon, dapat mong ingatan ang sarili mo, gawing mahinahon ang iyong mga hakbang, at manalangin nang mas madalas. Unti-unti mong mapapaunlad ang iyong kakayahan na magtagumpay sa gayong mga sitwasyon. Kapag nangyari iyon, naging mabisa ang iyong mga panalangin. Kapag nakita mong naging matagumpay ka sa panahong iyon, malulugod ka sa loob, at kapag mananalangin ka nagagawa mong madama ang Diyos, at ang presensiya ng Banal na Espiritu ay hindi ka iiwan—at sa gayon mo lamang malalaman na ang Diyos ay gumagawa sa loob mo. Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay magbibigay sa iyo ng isang landas na mararanasan. Kung hindi mo isasagawa ang katotohanan, kung gayon hindi ka magkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu sa loob mo. Ngunit kung ikaw ay magsasagawa, kung gayon kahit nasasaktan ka sa loob, ang Banal na Espiritu pagkatapos ay sasamahan ka, magagawa mong madama ang presensiya ng Diyos kapag ikaw ay mananalangin, magkakaroon ka ng lakas upang isagawa ang mga salita ng Diyos, at sa panahon ng pakikipag-isa sa iyong mga kapatid wala nang magiging mabigat sa iyong konsensiya, at ikaw ay magiging panatag, at sa ganitong paraan, mapagagaan mo kung anuman ang iyong ginawa. Maging anuman ang sabihin ng iba, magagawa mong magkaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, hindi ka mapipigilan ng iba, ikaw ay babangon sa ibabaw ng lahat—at sa ganito, maipakikita mo na ang iyong pagsasagawa sa mga salita ng Diyos ay naging mabisa.

 

Habang lalong tumitindi ang kapinuhan ng Diyos, lalong mas nagagawa ng mga puso ng mga tao na ibigin ang Diyos. Ang pagdurusa sa kanilang mga puso ay mayroong pakinabang sa kanilang mga buhay, lalo nilang nagagawang maging panatag sa harap ng Diyos, ang kanilang kaugnayan sa Diyos ay mas malapit, at mas mahusay nilang nagagawang makita ang kataas-taasang pag-ibig ng Diyos at ang Kanyang kataas-taasang pagliligtas. Si Pedro ay nagdanas ng kapinuhan ng daan-daang beses, at si Job ay sumailalim sa ilang mga pagsubok. Kung nais ninyong gawing perpekto ng Diyos, dapat kayong sumailalim sa kapinuhan nang daan-daang beses; kailangan ninyong pagdaanan ang prosesong ito, at kailangang umasa sa hakbang na ito, saka lamang ninyo magagawang mapalugod ang kalooban ng Diyos, at gagawing perpekto ng Diyos. Ang kapinuhan ay ang pinakamahusay na kaparaanan kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao; sa kapinuhan at mapapait na pagsubok lamang mailalabas ang tunay na pag-ibig para sa Diyos sa mga puso ng mga tao. Kung walang kahirapan, kulang ang tao sa tunay na pag-ibig sa Diyos; kung hindi sila susubukin sa loob, at hindi tunay na isasailalim sa kapinuhan, kung gayon ang kanilang mga puso ay palaging lumulutang sa nangyayari sa labas. Sa pagkapino hanggang sa isang partikular na punto, makikita mo ang iyong sariling mga kahinaan at mga paghihirap, makikita mo kung gaano karami ang kulang sa iyo at na hindi mo nagagawang mapagtagumpayan ang maraming mga suliranin na iyong nasasagupa, at makikita mo kung gaano katindi ang iyong pagkamasuwayin. Sa panahon lamang ng mga pagsubok nagagawang tunay na makilala ng mga tao ang kanilang totoong mga kalagayan, at ang mga pagsubok ay ginagawa ang mga tao na higit pang may kakayahang gawing perpekto.

 

Sa buong panahon ng kanyang buhay, si Pedro ay nagdanas ng kapinuhan nang daan-daang beses at sumailalim sa masasakit na pagsubok. Ang kapinuhang ito ay naging saligan ng kanyang katas-taasang pag-ibig sa Diyos, at ang naging pinakamakabuluhang karanasan ng kanyang buong buhay. Na nagawa niyang taglayin ang isang kataas-taasang pag-ibig sa Diyos ay, sa isang paraan, dahil sa kanyang paninindigan na ibigin ang Diyos; higit na mas mahalaga, gayunpaman, ito ay dahil sa kapinuhan at pagdurusa na kanyang pinagdaanan. Ang pagdurusang ito ay ang kanyang naging gabay sa landas ng pag-ibig sa Diyos, at naging bagay na pinaka-di-malilimutan sa kanya. Kung hindi pagdadaanan ng tao ang hapdi ng kapinuhan sa pag-ibig sa Diyos, kung gayon ang kanilang pag-ibig ay puno ng pagiging likas at kanilang mga kagustuhan; ang pag-ibig na kagaya nito ay puno ng mga ideya ni Satanas, at talagang walang kakayahan sa pagpapalugod sa kalooban ng Diyos. Ang pagkakaroon ng paninindigan upang ibigin ang Diyos ay hindi kagaya ng tunay na pag-ibig sa Diyos. Bagamat lahat ng kanilang iniisip sa kanilang mga puso ay para sa kapakanan ng pagmamahal sa Diyos, at pagpapalugod sa Diyos, na para bang ang kanilang mga saloobin ay walang anumang mga ideya ng tao, na para bang ang lahat ay para sa kapakanan ng Diyos, kapag ang kanilang mga saloobin ay dinala sa harap ng Diyos, ang gayong mga saloobin ay hindi pinupuri o binabasbasan ng Diyos. Maging kapag ganap na naunawaan ng mga tao ang lahat ng mga katotohanan—kapag nakarating sila sa pagkakilala sa lahat ng mga ito—hindi maaaring sabihin na ito ay isang tanda ng pag-ibig sa Diyos, hindi maaaring sabihin na tunay na iniibig ng mga taong ito ang Diyos. Sa kabila ng pagkaunawa sa maraming katotohanan nang hindi sumasailalim sa kapinuhan, walang kakayahan ang mga tao na isagawa ang mga katotohanang ito; tanging sa panahon ng kapinuhan mauunawaan ng mga tao ang totoong kahulugan ng mga katotohanang ito, at sa gayon lamang tunay na pahahalagahan ang kanilang panloob na kahulugan. Sa panahong iyon, kapag muli nilang susubukan, magagawa nilang maayos na isagawa ang mga katotohanan, at alinsunod sa kalooban ng Diyos; sa panahong iyon, ang kanilang mga ideya bilang tao ay nababawasan, ang kanilang kalikasan bilang tao ay nababawasan, at ang kanilang mga damdamin bilang tao ay bumababa; sa panahon lamang na iyon magiging isang tunay na pagpapahayag ng pag-ibig ukol sa Diyos ang kanilang pagsasagawa. Ang epekto ng katotohanan ng pag-big sa Diyos ay hindi natatamo sa pamamagitan ng binigkas na kaalaman o kaisipang nagkukusa, ni ito ay maaaring matamo sa pamamagitan lamang ng pagiging naunawaan. Kinakailangan nito na pagbayaran ng mga tao, at na sila ay sasailalim sa maraming kapaitan sa panahon ng kapinuhan, at sa gayon lamang magiging dalisay ang kanilang pag-ibig, at hinahangad ang sariling puso ng Diyos. Sa Kanyang kinakailangan na ibigin Siya ng tao, hindi hinihiling ng Diyos na ibigin Siya ng tao gamit ang simbuyo ng damdamin, o ang pagiging likas; sa pamamagitan lamang ng katapatan at ang paggamit ng katotohahan upang paglingkuran Siya maaaring tunay na ibigin Siya ng tao. Ngunit ang tao ay nabubuhay sa gitna ng pagiging likas, at kung kaya walang kakayahan sa paggamit ng katotohanan at katapatan upang paglingkuran ang Diyos. Alinman sa siya ay masyadong madamdamin tungkol sa Diyos o masyadong malamig at manhid, alinman sa iniibig niya ang Diyos nang labis o kinamumuhian Siya nang labis. Yaong mga nabubuhay sa gitna ng pagiging likas ay palaging nabubuhay sa pagitan ng dalawang dulo na ito, at palagi silang nabubuhay sa isang kalagayan na walang katotohanan, at naniniwala na sila ay tama. Bagamat ito ay paulit-ulit Kong sinasabi, ang mga tao ay walang kakayahan na seryosohin ito, wala silang kakayahan na malaman ang kahalagahan nito, at kaya sila nabubuhay sa gitna ng pananampalataya ng panlilinlang sa sarili, at sa pagkahibang ukol sa pag-ibig para sa Diyos na walang katotohanan. Sa kabuuan ng kasaysayan, habang ang tao ay umuunlad at lumipas ang mga kapanahunan, ang mga hinihiling ng Diyos sa tao ay naging mas mataas na, at lalo pa Niyang hiniling na ang tao ay maging ganap tungo sa Kanya. Ngunit ang kaalaman ng tao ukol sa Diyos ay lalong naging malabo at mahirap maunawaan, at ang Kanyang pag-ibig sa Diyos sa kabuuan ay lalong higit na naging hindi dalisay. Ang kalagayan ng tao at lahat ng kanyang ginagawa ay lalo pang naging kaiba sa kalooban ng Diyos, sapagkat ang tao ay naging lalo pang mas ginawang napakatiwali ni Satanas. Kinakailangan nito na gumawa ang Diyos nang mas marami pa, at mas malaking, gawain ng pagliligtas. Ang tao ay lalong naging mapaghanap sa kanyang kinakailangan ukol sa Diyos, at ang kanyang pag-ibig sa Diyos ay pabawas nang pabawas. Ang mga tao ay nabubuhay sa pagkamasuwayin, nang walang katotohanan, at isinasabuhay nila ang mga buhay na walang pagkatao; hindi lamang sa sila ay wala ni katiting na pag-ibig sa Diyos, ngunit sila ay punung-puno ng pagkamasuwayin at paglaban. Bagamat iniisip nila na mayroon na silang sukdulang pag-ibig para sa Diyos, at hindi na maaaring maging mapagbigay pa sa Diyos, ang Diyos ay hindi naniniwala sa gayon. Malinaw na malinaw sa Kanya kung gaano kadungis ang pag-ibig ng tao sa Kanya, at hindi Niya kailanman binago ang Kanyang opinyon sa tao dahil sa panunulsol ng tao, ni hindi kailanman tinumbasan ang katapatan ng loob ng tao bilang resulta ng kanyang pagtatalaga. Hindi kagaya ng tao, nagagawa ng Diyos na makita ang pagkakaiba: nalalaman Niya kung sino ang tunay na umiibig sa Kanya at sino ang hindi, at sa halip na mapagtagumpayan ng lakas ng loob at mawala ang Sarili Niya dahil sa panandaliang kapusukan ng tao, tinatrato Niya ang tao alinsunod sa diwa ng tao at pag-uugali. Ang Diyos, pagkatapos ng lahat, ay Diyos, at taglay Niya ang Kanyang dangal, at ang Kanyang mga pananaw; ang tao, pagkatapos ng lahat, ay tao, at ang ulo ng Diyos ay hindi kikiling sa pamamagitan ng isang pag-ibig ng tao na kaiba sa katotohanan. Sa kabaligtaran, tinatrato ng Diyos nang angkop ang lahat ng ginagawa ng tao.

 

Sa harap ng kalagayan ng tao at sa kanyang saloobin tungo sa Diyos, ang Diyos ay gumawa ng bagong gawain, pinahihitulutan ang tao na taglayin pareho ang kaalaman ukol sa at pagkamasunurin tungo sa Kanya, at kapwa pag-ibig at patotoo. Kaya, kailangang maranasan ng tao ang kapinuhan ng Diyos sa kanya, gayundin ang Kanyang paghatol, pakikitungo at pagpungos sa kanya, kung wala ito hindi kailanman makikilala ng tao ang Diyos, at hindi kailanman makakaya na tunay na umibig at sumaksi sa Kanya. Ang kapinuhan ng Diyos sa tao ay hindi lamang para sa kapakanan ng isang may kinikilingang epekto, ngunit para sa kapakanan ng isang epekto na maraming bahagi. Sa ganitong paraan lamang ginagawa ng Diyos ang gawain ng kapinuhan sa kanila na nakahandang hangarin ang katotohanan, upang ang paninindigan at pag-ibig ng tao ay gawing perpekto ng Diyos. Sa kanilang mga nakahandang hanapin ang katotohanan, at nananabik para sa Diyos, walang anuman ang mas makahulugan, o ang mayroong mas malaking maitutulong, kaysa sa kapinuhan na kagaya nito. Ang disposisyon ng Diyos ay hindi kaagad nakikilala o nauunawaan ng tao, sapagkat ang Diyos, sa bandang huli, ay Diyos. Sa pagtatapos ng araw, imposible para sa Diyos na magkaroon ng kaparehong disposisyon kagaya ng sa tao, at kaya hindi madali para sa tao na malaman ang Kanyang disposisyon. Ang katotohanan ay hindi likas na taglay ng tao, at hindi madaling maunawaan niyaong ginawang tiwali ni Satanas; ang tao ay walang katotohanan, at walang paninindigan na isagawa ang katotohanan, at kung hindi siya magdurusa, at hindi pinino o hinatulan, kung gayon ang kanyang paninindigan ay hindi magiging perpekto. Para sa lahat ng mga tao, ang kapinuhan ay napakahapdi, at napakahirap tanggapin—ngunit sa panahon ng kapinuhan ginagawang malinaw ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa tao, at isinasapubliko ang Kanyang mga kinakailangan para sa tao, at naglalaan ng mas maraming pagliliwanag, at ng mas maraming pagpungos at pakikitungo; sa pamamagitan ng paghahambing sa mga katunayan at katotohanan, ibinibigay Niya sa tao ang higit na malaking kaalaman sa sarili niya at sa katotohanan, at ibinibigay sa tao ang lalong malaking pagkaunawa ng kalooban ng Diyos, sa gayon ay pinahihintulutan ang tao na magkaroon ng isang mas tunay at mas dalisay na pag-ibig sa Diyos. Ang gayon ay ang mga layunin ng Diyos sa pagpapatupad ng kapinuhan. Taglay ng lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos sa tao ang sarili nitong mga layunin at kabuluhan; ang Diyos ay hindi gumagawa ng walang kabuluhang gawain, ni gumagawa Siya ng gawain na walang pakinabang sa tao. Ang kapinuhan ay hindi nangangahulugan ng pag-aalis sa mga tao mula sa harap ng Diyos, ni nangangahulugan itong pagwasak sa kanila sa impiyerno. Nangangahulugan ito ng pagbabago sa disposisyon ng tao sa panahon ng kapinuhan, pagbabago sa kanyang mga pagganyak, sa kanyang dating mga pananaw, pagbabago sa kanyang pag-ibig sa Diyos, at pagbabago sa kanyang buong buhay. Ang kapinuhan ay isang totoong pagsubok sa tao, ang isang anyo ng totoong pagsasanay, at sa panahon lamang ng kapinuhan maaaring gampanan ng kanyang pag-ibig ang katutubo nitong tungkulin.