Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Tungkol Sa Pagtupad Ng Lahat Ng Kanilang Tungkulin
Sa kasalukuyang daloy, bawa’t tao na tunay na nagmamahal sa Diyos ay may pagkakataon na gawin Niyang perpekto. Maging sila man ay bata o matanda basta’t pinanatili nila sa kanilang puso ang pagsunod sa Diyos at paggalang sa Kanya, sila ay maaari Niyang gawing perpekto. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao ayon sa kanilang iba’t-ibang mga tungkulin. Basta’t ginawa mo ang lahat sa iyong lakas at isinusumite ang iyong sarili sa gawain ng Diyos ikaw ay magagawa Niyang perpekto. Sa kasalukuyan wala sa inyong perpekto. Minsan nagagawa ninyo ang isang uri ng tungkulin at kung minsan nagagawa ninyo ang dalawa; hangga’t ibinibigay ninyo ang lahat ng inyong lakas sa Diyos at ginugugol ang inyong sarili para sa Kanya, sa dakong huli kayo ay gagawing perpekto ng Diyos.
Ang mga kabataan ay may mas kaunting mga pilosopiya sa buhay, at sila ay kulang sa karunungan at kaalaman. Ang Diyos ay naririto upang gawing perpekto ang karunungan at kaunawaan ng tao, at ang salita ng Diyos ay kumakatha para sa mga bagay na kulang sila. Gayunpaman, ang mga disposisyon ng kabataan ay hindi matatag at ito ay nangangailangan ng pagbabagong-anyo ng Diyos. Ang mga kabataan ay may mas kaunting mga paniniwalang panrelihiyon at mas kaunting mga pilosopiya sa buhay. Sila ay nag-iisip sa mga simpleng termino, at ang kanilang mga pagsasaalang-alang ay hindi kumplikado. Ito ang aspeto kung saan ang kanilang katauhan ay hindi pa nahubog. Ito ay isang kanais-nais na aspeto, subali’t ang kabataan ay ignorante at kulang sa karunungan. Ito ang aspeto na kailangang gawing perpekto ng Diyos, upang mapaunlad ninyo ang pagkilala at makayang malinaw na maunawaan ang maraming mga ispiritwal na bagay, at unti-unting maging isang taong nababagay para gamitin ng Diyos. Nakakaya din ng mas matatandang kapatid na lalaki at babae na gumawa ng ilang mga tungkulin at sila ay hindi inaabandona ng Diyos. Sa mas matatandang kapatid na lalaki at babae sila din ay may mga ilang kanais-nais na mga aspeto at mga ilang hindi kanais-nais na aspeto. Ang mas matatandang kapatid na lalaki at babae ay may mas maraming mga pilosopiya sa buhay, sila ay may mas maraming mga paniniwalang panrelihiyon, ang kanilang mga kilos ay nanatili sa isang matigas na balangkas, sinusunod nila ang mga tuntunin na parang mga robot, at ikinakapit ang mga ito nang wala sa loob. Hindi sila nakikibagay nguni’t sila ay napakatigas. Ito ay hindi isang kanais-nais na aspeto. Gayunpaman, ang mga matatandang kapatid na lalaki at babae ay kalmado at hindi naliligalig sa anumang nangyayari; ang kanilang mga disposisyon ay matatag. Sila ay may mga mapupusok na sumpong, nguni’t sila ay laging mapilit. Tinatanggap lamang nila ang mga bagay nang unti-unti, subali’t ito ay hindi isang malaking depekto. Hanggang kaya ninyong isumite ang inyong mga sarili at tanggapin ang mga aktwal na salita ng Diyos, kung kayo ay hindi nag-aatubiling isumite ang inyong mga sarili at makasubaybay, kung sa lahat ng mga paraan kayo ay hindi nanghuhusga o mayroong ibang mga masamang kaisipan, kung inyong tinatanggap ang Kanyang mga salita at isinasagawa ito, at kung kayo ay hindi nagsasaliksik ng mga salita ng Diyos at isinusumite ang inyong mga sarili—kung inyong masunod ang lahat ng mga kondisyong ito—kayo ay magiging perpekto.
Maging kayo man ay mas bata o mas matandang kapatid na lalaki o babae, nalalaman ninyo ang tungkulin na dapat ninyong gampanan. Yaong mga nasa kanilang kabataan ay hindi arogante; yaong mga mas matatanda ay hindi pasibo at hindi paurong. At nakakaya nilang gamitin ang lakas ng bawa’t isa upang mapunan ang kanilang mga kahinaan, at magagawa nilang maglingkod sa isa’t isa nang walang pagtatangi. Ang tulay ng pagkakaibigan ay itinatayo sa pagitan ng mas bata at mas matatandang kapatid na lalaki o babae. Dahil sa pag-ibig ng Diyos nagagawa ninyong mas mabuting maintindihan ang isa’t isa. Hindi hinahamak ng mga nakababatang kapatid na lalaki at babae ang mga mas matandang kapatid na lalaki at babae, at ang mga nakatatandang kapatid na lalaki at babae ay hindi rin matuwid sa sarili. Hindi ba ito isang may armonyang pagsasama? Kung lahat kayo ay mayroong ganitong paninindigan, ang kalooban ng Diyos ay tiyak na matutupad sa inyong henerasyon.
Sa hinaharap, kung ikaw man ay pagpapalain o isusumpa ay pagpapasiyahan batay sa mga kilos na iyong ginagawa ngayon. Kung kayo ay gagawing perpekto ng Diyos iyon ay magiging ngayon sa panahong ito; hindi na magkakaroon ng iba pang pagkakataon sa hinaharap. Ngayon din, nais kayong gawing perpekto ng Diyos, at ito ay hindi lamang isang paraan ng pagsasalita. Sa hinaharap, maging anumang mga pagsubok ang matanggap ninyo, anumang mga pangyayari ang maganap, o anumang mga sakuna ang dumating sa inyo, kayo ay nais na gawing perpekto ng Diyos—ito ay isang tiyak at hindi pinagdududahang katotohanan. Mula saan ito maaaring makita? Mula sa katotohanan na ang salita ng Diyos sa lahat ng mga panahon at mga henerasyon ay hindi kailanman narating ang gayong tugatog na gaya ngayon —ito ay pumasok sa pinakamataas na kaharian, at ang gawain ng Espiritu Santo sa sangkatauhan ngayon ay hindi pa kailanman nangyari. Halos walang sinuman mula sa mga henerasyong lumipas ang nakasubok nito. Kahit na sa panahon ni Jesus wala ang mga pagbubunyag ng panahon ngayon; dakilang mga tugatog ang narating sa mga salitang sinabi sa inyo, mga bagay na naiintindihan ninyo, at mga bagay na inyong naranasan. Hindi kayo umaalis sa gitna ng mga pagsubok at mga parusa, at ito ay sapat na upang patunayan na ang gawain ng Diyos ay umabot na sa hindi pa narating na kaluwalhatian. Ito ay hindi isang bagay na kayang gawin ng tao at ito ay hindi isang bagay na pinananatili ng tao, nguni’t sa halip ay gawain ng Diyos Sarili Niya. Kaya, mula sa maraming mga katotohanan ng gawain ng Diyos makikita na nais gawing perpekto ng Diyos ang tao, at tiyak na kaya Niya kayong gawing ganap. Kung makaya ninyong makita ito, kung makaya ninyong magkaroon ng bagong pagtuklas na ito, hindi ninyo na kailangang maghintay para sa ikalawang pagdating ni Jesus nguni’t sa halip, ay hahayaan ninyong gawing ganap kayo ng Diyos sa kasalukuyang panahon. Kaya, nararapat na ang bawa’t isa sa inyo ay gawin ang lubos na makakaya at huwag maglimita ng pagpupunyagi upang kayo ay maaaring gawing perpekto ng Diyos.
Sa mga panahong ito hindi mo dapat na pansinin ang mga negatibong bagay. Dapat mo munang isantabi at hindi pansinin ang bawa’t bagay na makapagpaparamdam sa iyo ng negatibo. Kapag nangangasiwa ka ng mga bagay kailangan mong panatilihin ang isang puso na naghahanap at nag-aapuhap, at dapat mong panatilihin ang isang pusong masunurin sa Diyos. Sa tuwing nakakatuklas kayo ng kahinaan sa loob ng inyong mga sarili, nguni’t kayo ay hindi sumasailalim sa kontrol nito at inyong ginampanan ang tungkulin na dapat ninyong gawin, ito ay isang positibong kilos na pasulong. Halimbawa: Ang mga mas matandang kapatid na lalaki at babae ay may mga paniniwalang pangrelihiyon, nguni’t nakaya mong magdasal, at nakaya mong isumite ang iyong sarili, kumain at inumin ang salita ng Diyos, at kumanta ng mga himno…. Sa isang salita, anuman ang kaya mong gawin, anumang tungkulin ang kaya mong gampanan, gamitin ito nang lubos nang may buong lakas na maaari mong tipunin. Huwag pasibong maghintay. Ang paggawa ng iyong tungkulin sa kasiyahan ng Diyos ang unang hakbang. Pagkatapos kapag kaya mo nang maintindihan ang katotohanan at pumasok sa katotohanan ng salita ng Diyos, ikaw ay nagawa ng perpekto ng Diyos.
Write a comment