Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano maitatatag ng isang tao ang wastong kaugnayan sa Diyos?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag taos-puso silang nakikiugnay sa mga salita ng Diyos, naaantig sila ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo na ang iyong buong puso sa Diyos saka mo lamang mapapaunlad nang unti-unti ang isang angkop na espirituwal na buhay. Kung hindi ibinibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sarili nila, kung gayon ang lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, at ito ay pawang pag-uugali ng mga taong relihiyoso—hindi nito matatamo ang papuri ng Diyos.
—mula sa “Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang mga salita ng Banal na Espiritu ngayon ay ang mga dinamika ng gawain ng Banal na Espiritu, at ang patuloy na kaliwanagan ng Banal na Espiritu sa tao sa panahong ito ay ang kalakaran ng gawain ng Banal na Espiritu. At ano ang kalakaran sa gawain ng Banal na Espiritu sa kasalukuyan? Ito ang pangunguna ng mga tao sa gawain ng Diyos ngayon, at sa isang normal na espirituwal na buhay. …
Una, dapat mong ibuhos ang iyong puso sa mga salita ng Diyos. Hindi mo dapat hangarin ang mga salita ng Diyos sa nakaraan, at hindi dapat pag-aralan ang mga ito ni ihambing ang mga ito sa mga salita sa kasalukuyan. Sa halip, dapat mong ganap na ibuhos ang iyong puso sa kasalukuyang mga salita ng Diyos. Kung mayroong mga tao na nagnanais pa ring basahin ang mga salita ng Diyos, mga aklat na espirituwal, o ibang mga tala ukol sa pangangaral mula sa nakaraan, na hindi sinusunod ang mga salita ng Banal na Espiritu ngayon, kung gayon sila ang pinakahangal na mga tao; kinamumuhian ng Diyos ang gayong mga tao. Kung nakahanda kang tanggapin ang liwanag ng Banal na Espiritu sa kasalukuyan, kung gayon ay ganap na ibuhos ang iyong puso sa mga pagbigkas ng Diyos ngayon. Ito ang unang bagay na dapat mong matamo.
—mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa mga Yapak ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa paniniwala sa Diyos, kahit paano dapat mong lutasin ang usapin tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kung wala ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung gayon ang kabuluhan sa paniniwala sa Diyos ay nawawala. Ang pagtatatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay lubos na natatamo sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa iyong puso sa presensiya ng Diyos. Ang isang normal na kaugnayan sa Diyos ay nangangahulugan na nagagawang hindi pagdudahan o itanggi ang anuman sa gawain ng Diyos at magpasakop dito, at saka ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng tamang mga layunin sa presensiya ng Diyos, hindi pag-iisip sa sarili mo, palaging pagkakaroon ng mga interes ukol sa pamilya ng Diyos bilang ang pinakamahalagang bagay maging anuman ang iyong ginagawa, pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos, at pagpapasakop sa pagsasaayos ng Diyos. Nagagawa mong mapatahimik ang iyong puso sa presensiya ng Diyos sa bawat sandaling gumagawa ka ng anumang bagay; kahit na hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos, dapat mo pa ring tuparin ang iyong mga tungkulin at mga pananagutan sa abot ng iyong makakaya. Hindi pa masyadong huli upang hintayin na mabunyag sa iyo ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito. Kapag naging normal na ang iyong kaugnayan sa Diyos, kung gayon magkakaroon ka rin ng isang normal na kaugnayan sa mga tao. Ang lahat ay itinatatag sa saligan ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, magsagawa ka alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, itama ang iyong mga pananaw, at huwag gumawa ng mga bagay na kumakalaban sa Diyos o gumagambala sa iglesia. Huwag gumawa ng mga bagay na walang pakinabang sa mga buhay ng mga kapatid, huwag magsalita ng mga bagay na hindi nakatutulong sa ibang mga tao, huwag gumawa ng mga kahiya-hiyang bagay. Maging makatarungan at kagalang-galang kapag ginagawa ang lahat ng bagay at gawing kaaya-aya ang mga ito sa harap ng Diyos. Bagama’t ang laman ay mahina paminsan-minsan, nagagawa mong ilakip ang pinakamataas na kahalagahan sa kapakinabangan ng pamilya ng Diyos, huwag pag-imbutan ang iyong sariling mga pakinabang, at ipatupad ang pagkamakatuwiran. Kung makakapagsagawa ka sa ganitong paraan, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging normal.
Sa bawat pagkakataong gagawa ka ng anumang bagay, dapat mong siyasatin kung ang iyong mga pagganyak ay tama. Kung nagagawa mong kumilos alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, kung gayon ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal. Ito ang pinakamababang pamantayan. Kung, sa pagsisiyasat mo sa iyong mga pagganyak, lumabas yaong mga hindi tama, at kung magagawa mong talikuran ang mga ito at kumilos alinsunod sa mga salita ng Diyos, kung gayon ikaw ay magiging yaong nararapat sa harap ng Diyos, na magpapakita na ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal, at na ang lahat ng iyong ginagawa ay para sa kapakanan ng Diyos, at hindi para sa sarili mo. Sa bawat pagkakataon na ikaw ay gumagawa o nagsasabi ng anumang bagay, dapat mong ilagay sa tama ang iyong puso, maging matuwid, at huwag pangunahan ng iyong mga damdamin, o kumilos alinsunod sa iyong sariling kalooban. Ito ang mga prinsipyo kung saan iginagawi ng mga sumasampalataya sa Diyos ang kanilang mga sarili. Ang mga pagganyak at tayog ng isang tao ay maaaring ibunyag sa isang maliit na bagay, at kaya, para makapasok ang mga tao sa landas ng pagiging ginawang perpekto ng Diyos, dapat muna nilang lutasin ang kanilang sariling mga pagganyak at ang kanilang kaugnayan sa Diyos. Kapag ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal saka ka lamang magagawang perpekto ng Diyos, at sa gayon lamang matatamo ng pakikitungo, pagtatabas, pagdidisiplina, at pagpipino ng Diyos sa iyo ang ninanais na epekto ng mga ito. Na ang ibig sabihin, nagagawa ng mga taong taglayin ang Diyos sa kanilang mga puso, hindi hinahangad ang personal na mga pakinabang, hindi iniisip ang kanilang personal na kinabukasan (tumutukoy sa pag-iisip ng laman), ngunit sa halip binabata nila ang pagpasok sa buhay, ginagawa nila ang buong makakaya sa paghahangad sa katotohanan, at nagpapasakop sa gawain ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang mga layunin na iyong hinahangad ay tama, at ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal.
—mula sa “Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:
Kapag nagtatatag ng angkop na kaugnayan sa Diyos, saan tayo dapat magsimula? Ang pinakamahalaga ay magsalita nang taos-puso kapag nananalangin sa Diyos. Halimbawa, sinasabi ninyo sa panalangin, “Diyos ko, nakikita kong nailalaan ng marami sa aking mga kapatid ang kanilang buong sarili upang gugulin ang lahat para sa Iyo, ngunit napakaliit ng tayog ko. Inaalala ko ang aking kabuhayan at kinabukasan, gayundin kung makakayanan ko bang magtiis ng pisikal na paghihirap. Hindi ko kayang isuko ang mga bagay na iyon. Talagang may utang na loob ako sa Iyo. Paano sila magkaroon ng gayong tayog? Pareho ang uri ng pamilyang pinagmulan namin, ngunit nagagawa nilang gawin ang lahat para sa Iyo sa lahat ng oras—bakit hindi ko iyon magawa? Kulang na kulang ako sa katotohanan. Palagi kong inaalala ang aking laman; napakaliit ng aking pananampalataya. Diyos ko, nawa’y liwanagan at paliwanagin Mo ako, upang magkaroon ako ng tunay na pananampalataya sa Iyo at magugol ko ang lahat para sa Iyo sa lalong madaling panahon.” Ito ang pagsasalita mula sa puso. Kung tapatan kayong makikipag-usap nang ganito sa Diyos araw-araw, malalaman Niya na kayo ay tapat, na hindi lang ninyo ginagawa iyon para matapos na lang, para lokohin o kumbinsihin o linlangin Siya. Sa gayon ay gagawin ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain. Ito ang simula ng pagtatatag ng angkop na kaugnayan sa Diyos. Tayo ay mga nilikha, at Siya ang Lumikha. Ano ang dapat nating taglaying mga nilikha sa harapan ng ating Lumikha? Tunay na pagsunod, pagtanggap, pananampalataya at pagsamba. Kailangan nating ibigay nang lubusan ang ating puso sa Diyos; kailangan natin Siyang tulutang manguna, mamahala at magplano. Sa pagdarasal at paghahangad sa ganitong paraan, magiging angkop ang ating kaugnayan sa Diyos.
—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay
Mayroong ilang prinsipyo para sa pagtatatag ng wastong kaugnayan sa Diyos. Ang una ay ang dapat kang maniwala sa Kanyang pagka-makapangyarihan sa lahat at karunungan, at dapat kang maniwala na ang lahat ng salita ng Diyos ay matutupad. Ito ang saligan. Kung hindi ka naniniwala na ang mga salita ng Diyos ay tiyak na matutupad o naniniwala sa pagka-makapangyarihan sa lahat ng Diyos, kung gayon wala kang tunay na pananampalataya. Ikalawa, dapat mong ibigay ang iyong puso sa Diyos at hayaan ang Diyos na magpasiya sa lahat ng bagay. Ikatlo, dapat mong tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos, at ito ay napakahalaga. Kung hindi mo tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos sa iyong mga panalangin at pakikibahagi, sa iyong mga pagkilos at sa iyong mga salita, paano ka magkakaroon ng tunay na pakikibahagi sa Diyos? Masasabi mo ba sa Kanya kung ano ang nasa puso mo? Kapag ikaw ay nagsasalita, nananalangin ka lamang para sa sarili mo; nagdadala ito ng lisyang mga hangarin at puno ng mga salitang walang-laman, mga kayabangan, at mga kasinungalingan. Kung hindi mo tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos, paano mo makikilala ang mga bagay na iyon? Sa sandaling tinatanggap mo ang pagsisiyasat ng Diyos, kapag nagsasabi ka ng isang maling bagay, nagsasalita ng mga salitang walang-laman, o gumagawa ng wala-sa-loob na mga pangako, kaagad-agad mong matatanto, “Hindi ko ba sinusubukang dayain ang Diyos? Bakit parang pagsisinungaling ito sa Diyos?” Ito ay pagtanggap sa pagsisiyasat ng Diyos, at kung kaya ito ay napakahalaga. Ikaapat, dapat mong matutuhang hanapin ang katotohanan sa lahat ng bagay. Huwag kang aasa sa pilosopiya ni Satanas; huwag mong ibabatay ang paggawa sa mga bagay-bagay sa kung makikinabang ka o hindi. Dapat mong hanapin ang katotohanan at kumilos ayon sa katotohanan. Maging anuman ang pansariling pakinabang o kalugihan, dapat mong isagawa ang katotohanan at sabihin ang katotohanan, gayundin ang maging isang tapat na tao. Ang kalugihan ay isang uri ng biyaya; mas lalo kang pagpapalain ng Diyos kapag ikaw ay nagdanas ng kalugihan. Si Abraham ay nagdanas ng maraming kalugihan, at palagi siyang nakokompromiso sa kanyang mga pakikisalamuha sa iba. Maging ang kanyang mga tagapaglingkod ay nagreklamo, “Bakit napakahina mo? Labanan natin sila!” Ano ang inisip noon ni Abraham? “Hindi tayo nakikipaglaban sa kanila. Ang lahat ay nasa mga kamay ng Diyos, tama lang ang magtiis ng kaunting kabiguan.” Bilang resulta, lalo pang pinagpala ng Diyos si Abraham. Kung ang iyong pansariling mga pakinabang ay nakokompromiso dahil sa pagsasagawa mo ng katotohanan at hindi mo sinisisi ang Diyos, kung gayon ay pagpapalain ka ng Diyos. Ikalima, dapat mong matutuhan kung paano magpasakop sa katotohanan sa lahat ng bagay; napakahalaga rin nito. Maging sinuman itong nagsasabi ng isang bagay nang naaayon sa katotohanan, may mabuti man silang kaugnayan sa atin o wala, at maging anuman ang nararamdaman natin sa kanila, hangga’t ang kanilang sinasabi ay naaayon sa katotohanan, dapat nating sundin at tanggapin ito. Ano ang ipinakikita nito? Ang pagkakaroon ng isang puso ng paggalang sa Diyos. Kung nasusunod ng isang tao maging ang isang tatlong-taong-gulang na bata na ang mga salita ay naaayon sa katotohanan, ang tao bang ito ay nagtataglay pa rin ng kayabangan? Sila ba ay mayabang pa rin? Ang kanilang disposisyon ay nagbabago. … Ikaanim, maging tapat sa Diyos sa pagtupad ng iyong mga tungkulin. Hindi mo kailanman makalilimutang tuparin ang iyong tungkulin bilang isang nilalang—kung hindi mo ginagawa ang gayon, hindi mo kailanman mapalulugod ang Diyos. Sinumang hindi tumutupad sa kanilang mga tungkulin ay basura at kay Satanas. Kung natutupad mo ang iyong mga tungkulin sa harap ng Diyos kung gayon isa ka sa mga tao ng Diyos—ito ang tanda. Kung mahusay mong natutupad ang iyong mga tungkulin, ikaw ay isang nilalang na nakakaabot sa pamantayan; kung nabibigo kang tuparin ang iyong mga tungkulin, kung gayon hindi ka nakakaabot sa pamantayan at hindi mo makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Samakatuwid, kung nagiging tapat ka sa Diyos sa pagtupad ng iyong mga tungkulin at pagkatapos ay nakakaugnay mo ang Diyos, hindi ka ba Niya maaaring pagpalain? Hindi mo ba Siya makakasama? Ikapito, pumanig ka sa Diyos sa lahat ng bagay; maging kapuso at kaisip ng Diyos. Kung ang iyong mga magulang ay nagsasabi ng anumang hindi naaayon sa katotohanan, na sumasalungat at naghihimagsik laban sa Diyos, dapat ka kung gayon na manindigan sa Diyos at makipagtalo sa kanila, itakwil sila, at tumangging tanggapin kung ano ang sinasabi nila. Hindi ba ito pagsaksi? Mahihiya ba nito si Satanas? (Oo, mahihiya nito.) … Kung ang mga tao ay makakapanghawak sa pitong prinsipyong ito, makakamit nila ang pagsang-ayon ng Diyos, at sa gayon ang kanilang kaugnayan sa Diyos ay magiging ganap na wasto. Napakahalaga ng pitong prinsipyong ito!
—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay
Pinagmumulan: https://tl.kingdomsalvation.org/gospel/normal-relationship-with-god.html
_________________________________________________
Sinabi ng Bibliya, “Magsilapit kayo sa Dios, at siya’y lalapit sa inyo” (Santiago 4:8). Kaya paano tayo makakapagtatag ng isang relasyon sa Diyos? Basahin ang artikulong ito nang mahanap ang 4 na paraan upang maging malapit sa Diyos.
Write a comment