· 

Christian Music Video | Walang Taong Makakagawa ng Gawain ng Diyos para sa Kanya (Tagalog Subtitles)

 

Ang gawain ng buong plano ng pamamahala ng Diyos

ay personal na ginagawa ng Diyos Mismo,

ay personal na ginagawa ng Diyos Mismo.

Ang unang yugto—ang paglikha ng mundo—

ay personal na ginawa ng Diyos Mismo,

at kung hindi nangyari ito,

walang sinumang may kakayahang likhain ang sangkatauhan;

ang ikalawang yugto ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan,

at ito ay personal ding ginawa ng Diyos Mismo;

ang ikatlong yugto ay malinaw: Mas malaki ang pangangailangan

na ang Diyos Mismo ang tumapos sa Kanyang buong gawain.

Ang gawain ng pagtubos, panlulupig, pagtamo,

at pagpapasakdal sa buong sangkatauhan

ay personal na isinasakatuparang lahat ng Diyos Mismo.

Upang talunin si Satanas, upang makamit ang sangkatauhan,

at upang bigyan ang tao ng isang normal na buhay sa lupa,

personal Niyang pinangungunahan ang tao

at personal na gumagawa sa gitna ng tao;

para sa kapakanan ng Kanyang buong plano ng pamamahala,

at para sa lahat ng Kanyang gawain,

kailangang personal Niyang gawin ang gawaing ito.

Si Jehova Mismo ang lumikha sa sangkatauhan

at inuri ang bawat isa ayon sa uri,

at kapag dumating ang katapusang panahon

gagawin pa rin Niya Mismo ang Kanyang sariling gawain,

inuuri ang lahat ng bagay ayon sa uri—

at hindi ito magagawa ng kahit na sino kundi ng Diyos lamang.

Ang katunayan ng tatlong yugto ng gawain

ay ang katunayan ng pangunguna ng Diyos sa buong sangkatauhan,

isang katunayan na hindi maipagkakaila ng kahit sino.

Sa katapusan ng tatlong yugto ng gawain,

ang lahat ng bagay ay uuriin ayon sa uri

at babalik sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos.

Ang tatlong yugto ay maaari lamang magawa ng Diyos Mismo,

at walang tao ang kayang gumawa ng gawaing iyon sa ngalan Niya—

na ibig sabihin ang Diyos Mismo lamang

ang makagagawa ng Kanyang sariling gawain

mula sa umpisa hanggang sa ngayon.

Kahit ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos

ay naisakatuparan na sa magkakaibang mga kapanahunan at mga lugar,

at kahit na ang gawain ng bawat isa ay magkakaiba,

lahat nang ito ay ginawa ng isang Diyos.

Sa lahat ng pangitain,

ito ang pinakadakilang pangitain na dapat malaman ng tao.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

 

________________________________

 

Ngayon maraming mga tapat na mananampalataya ang lahat ay naghihintay para sa pagbabalik ng Panginoon at uhaw na makita ang pagpapakita ng Diyos. Kung gayon paano natin hahanapin ang pagpapakita ng Diyos? Makinig sa mga Tagalog gospel songs at tutulungan ka ng mga ito upang makahanap ng paraan ng pagsalubong sa Panginoon.

 

 

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

 

 

Write a comment

Comments: 0