· 

Hindi ba natin isinasagawa ang mga salita ng Panginoon at sinusunod ang Kanyang paraan?

Tanong 3: Naniwala tayo sa Panginoon sa loob ng maraming taon, at pinanatili natin ang Kanyang pangalan. Lagi tayong nagbabasa ng Biblia, nananalangin at kinukumpisal ang ating mga kasalanan sa Panginoon; tayo’y mapagpakumbaba, matiyaga, mapagmahal sa iba. Lagi tayong nagkakawang-gawa, nagbibigay, at nagsasakripisyo ng lahat ng iba pang bagay para magsilbi sa Panginoon at ikinakalat ang ebanghelyo para sumaksi sa Kanya. Hindi ba natin isinasagawa ang mga salita ng Panginoon at sinusunod ang Kanyang paraan? Paano mo nasabi na hindi tayo kailanman nagkaroon ng katotohanan sa pananalig sa Panginoon o isang hindi naniniwala? Sa Biblia, sinabi ni Pablo na, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, Natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran …” (2Timoteo 4:7-8). Samakatuwid, sa tingin ko makakamit ng ating pananalig sa Panginoon ang Kanyang papuri. Kapag dumating ang Panginoon, tiyak na dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit.

 

Sagot: Maraming mananampalataya ang nag-aakalang na hangga’t pinapanatili nila ang pangalan ng Panginoon, binabasa ang Biblia, nagdadasal at laging nagsasama-sama, nakakapagsakripisyo ng lahat ng bagay para sa Panginoon at nagsusumikap para sa Panginoon, sila ay mga tunay nang naniniwala. Akala nila na hangga’t sila’y naniniwala sa Panginoon sa ganitong paraan, maiaangat sila sa kaharian ng langit kapag Siya’y bumalik ulit. Ang paniniwala ba sa Diyos ay ganoon kadali tulad ng iniisip ng mga tao? Kung ganito maniwala ang mga tao sa Diyos, makakamit ba talaga nila ang pagtanggap ng Diyos? Iyong mga Fariseo na tinuligsa at kinondena ng Panginoong Jesus, hindi ba’t sa ganoong paraan din sila naniwala sa Diyos? Lagi silang nananalangin at nagsusumikap at naglakbay pa hanggang sa dulo ng mundo para ikalat ang ebanghelyo. Kung gayon bakit nabigong makamit ng kanilang pananalig ang pagtanggap ng Panginoon at sa halip ay natamo ang Kanyang pagkondena at mga sumpa? Iyong mga tao na nabasa na ang Biblia dati ay naiintindihan na kahit na ang mga Fariseo ay magagaling magbasa ng Biblia, laging nananalangin, ikinakalat ang gawain ng Diyos, nagdudusa nang matindi, minahal ang iba, at animo’y banal, na tunay na naniniwala sa panlabas, sa totoo, walang lugar ang Diyos sa kanilang mga puso; hindi nila dinakila ang Diyos. Sa kanilang pananalig, hindi nila pinagtuunan ang paghahanap ng katotohanan sa mga salita ng Panginoon o inintindi ang Kanyang kalooban, mas lalong hindi isinasagawa ang Kanyang mga salita at sinusunod ang Kanyang mga kautusan. Nakatuon lang sila sa pagpapakalat ng kaalaman tungkol sa Biblia at teolohikal na teorya; nakatuon lang sila sa pagsasagawa ng mga relihiyosong seremonyas, sinusunod ang mga patakaran para dakilain ang kanilang mga sarili, itinataguyod ang kanilang mga sarili para sambahin ng iba. Ganoon sila naniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon at walang kaalaman sa Diyos. Talagang hindi sila naging masunurin at magalang sa Diyos. Samakatuwid, nang ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, hindi nila hinanap ang katotohanan. Sinukat lang nila ang Panginoong Jesus batay sa kanilang mga sariling palagay at imahinasyon. Kahit gaano kalalim ang pangangaral ng Panginoong Jesus o gaano katindi ang awtoridad at kapangyarihan mayroon ang Kanyang gawain, hindi nila hinanap o pinag-aralan ang mga ito. Panatiko pa rin nilang kinalaban at kinondena ang Panginoong Jesus, pagkatapos ay ipinako Siya sa krus. Isinumpa sila at pinarusahan. Maaari bang tawaging tunay na pananalig sa Diyos ang pananalig ng mga Fariseo? Tinanggap ba ng Diyos ang pananalig ng mga Fariseo? Hindi lang hindi sila tinanggap ng Panginoong Jesus, ngunit kinondena at isinumpa pa sila, na sinasabing, “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw!” (Mateo 23:13-36). Hindi ba’t totoo ito? Nagtiwala lang ang mga Fariseo sa kanilang mga sariling palagay at imahinasyon; naniwala lang sila sa walang katiyakang Diyos sa langit. Hindi sila naniwala sa Panginoong Jesus na nagkatawang-tao na ipinahayag ang katotohanan. Bagot silang lahat sa katotohanan at napopoot sa katotohanan. Naniniwala sila sa Diyos, ngunit kinalaban din ang Diyos.

 

Tignan natin ang mga relihiyosong komunidad ngayon. Maraming mga pastor at elder ang nagpapanatili sa pangalan ng Panginoon; nananalangin sila sa pangalan ng Panginoon, nagbabasa ng Biblia, tinatalikdan ang lahat ng bagay para sa Kanya at nagsisikap para sa Kanya, ngunit kapag ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan para isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, binibigyang kahulugan nila ang gawain ng Diyos batay sa kanilang mga sariling palagay at imahinasyon. Akala nila na ang mga salita at gawain ng Diyos ay nasa Biblia at anumang bagay na lumampas sa Biblia ay heresiya. Malinaw na alam nila na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan; alam nilang ang mga salitang iyon ay kayang lupigin ang tao, ngunit hindi nila hinahanap ang mga ito o pinag-aaralan ang mga ito. Patuloy pa rin silang nagkakalat ng lahat ng uri ng tsismis at kasinungalingan, at panatikong naninira, nambabatikos at nanlalapastangan laban sa Makapangyarihang Diyos. Hindi sila humihinto para higpitan ang mga mananampalataya mula sa paghahanap ng tunay na daan. Inuulat pa nila sa pulis ang mga taong sumasaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw para maaresto sila. Sabihin n’yo sa akin, paano naging iba ang mga pastor at elder na ito sa mga Fariseo na kumalaban sa Panginoong Jesus? Hindi ba’t pareho silang taong alam ang tunay na daan ngunit kinakalaban pa rin ito? Hindi ba’t pareho silang kaaway ng Diyos na kinapopootan ang katotohanan? Samakatuwid, maaari nating makita na kung maniniwala ang mga tao sa Panginoon ngunit papanatilihin lamang ang Kanyang pangalan, magsisikap para sa Kanya at magmumukhang banal, hindi ibig sabihin noon na isinasagawa nila ang mga salita ng Panginoon o sinusunod ang paraan ng Panginoon. Hindi rin ibig sabihin nito na sila’y mga totoong mananampalataya na naglilingkod sa Panginoon. Ang katunayan na nagmumukha silang banal ay hindi nangangahulugan na maaari nilang dakilain ang Panginoon sa kanilang puso, igalang Siya o sundin Siya; talagang hindi nangangahulugan ito na naiintindihan nila ang katotohanan o Siya’y kilala. Kung naniniwala ang mga tao sa Panginoon ngunit hindi hinahanap ang katotohanan, tunay na isinasagawa ang katotohanan o nararanasan ang mga salita ng Panginoon, buweno, kahit ilang taon pa maniwala ang mga tao sa Panginoon o gaano pa sila magsumikap para sa Kanya, hindi nila makakamit ang Kanyang papuri. Ito’y totoo lalong-lalo na sa mga pastor at elder sa mga relihiyosong komunidad. Kahit na nagsusumikap sila para sa gawain ng Panginoon, panatiko pa rin nilang kinakalaban at kinokondena ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Sapat na ito para patunayan na sila’y mga gumagawa ng masama na kumakalaban sa Diyos. Inilalantad sila bilang mga anticristo sa pamamagitan ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Talagang matatamo nila ang mga sumpa at kaparusahan ng Diyos. Tulad lang ito ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:22-23). Lubos na malinaw din ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Wala Akong pakialam gaano man kapuri-puri ang iyong pagsisikap, kung gaano man kahanga-hanga ang iyong mga pagkamarapat, kung gaano mo man kahigpit Akong sinusunod, kung gaano ka man kabantog, o kung gaano man ang iniunlad ng iyong pag-uugali; hangga’t hindi mo ginagawa ang Aking hinihiling, hindi mo kailanman makakamit ang aking papuri. Huwag balewalain ang lahat ng mga ideyang iyon at mga pagkalkula hangga’t maaga, at simulang pakitunguhan nang may kaseryosohan ang Aking mga kinakailangan. Kung hindi, gagawin Kong abo ang mga tao nang upang wakasan na ang Aking gawain, at pansamantalang gawin ang Aking mga taon ng gawain at pagdurusa sa wala, sapagkat hindi Ko madadala ang Aking mga kaaway at mga tao na nangangalisaw sa kasamaan na huwaran ni Satanas sa Aking kaharian, sa susunod na kapanahunan” (“Ang Mga Pagsalangsang ay Maghahatid sa Tao sa Impiyerno” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Hindi nababagong katotohanan ang mga salita ng Diyos. Kung makakamtan ba ng mga mananampalataya ang Kanyang papuri ay hindi nakadepende kung gaano katindi ang pagsusumikap nila o pagdurusa; pangunahing nakadepende ito sa kung isinasagawa nila ang mga salita ng Diyos o sinusunod Siya. Gayun pa man, sinabi ni Pablo, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran…” (2Timoteo 4:7-8). Mga sariling palagay at imahinasyon ni Pablo ang mga salitang ito. Hindi talaga alinsunod ang mga ito sa mga salita ng Diyos o sa katotohanan. Eksaktong kabaliktaran ang mga ito ng mga salita ng Diyos!

 

Ano ba ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng tunay na pananalig sa Diyos, at paano makakamit ng ating pananalig ang Kanyang pagtanggap? Isang mahalagang katanungan ito. Direktang kaugnay ito ng kung ang ating paniniwala sa Diyos ay maaaring makakuha ng kaligtasan natin at makapagpapapasok sa atin sa Kanyang kaharian! Dati, sa ating pananalig, nakatuon lang tayo sa pagsusumikap para sa Panginoon para makapasok tayo sa Kanyang kaharian kapag Siya’y bumalik. Ngayon, naiintindihan ng lahat na maling landas ito ng paniniwala. Walang sinuman sa relihiyosong komunidad ang nakakaalam kung ano ang tunay na pananalig sa Diyos o kung paano tayo dapat manampalataya sa Diyos para matanggap ang Kanyang pagsang-ayon. Walang sinuman ang nakakaintindi sa mga katanungang ito. Ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, ang lahat ng mga katotohanan at misteryo patungkol sa pananalig sa Diyos. Malinaw na sinasabi ng Makapangyarihang Diyos ang tungkol sa katanungan: Ano ang tunay na pananalig sa Diyos? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang ‘Diyos’ at mga parirala tulad ng ‘ang gawain ng Diyos,’ hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, sa gayon, na lahat ng mga taong hindi nakakaalam sa Diyos ay nagtataglay ng isang nakakalitong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagkat ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, sa gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang hangarin ng Diyos. Ang ‘paniniwala sa Diyos’ ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon makakatupad sa hangarin ng Diyos at makakikilala sa Diyos. Tanging sa ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwat ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagkat sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa guwang na mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang sustansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugang wala nang higit pa sa pagtanggap sa maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos ngunit hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Kanya nguni’t tinututulan Siya, tunay na makakatupad sa hangarin ng Diyos?” (“Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

 

Maaari mong isipin na ang paniniwala sa Diyos ay tungkol sa pagtitiis, o ang paggawa ng maraming mga bagay para sa Kanya, o para sa kapayapaan ng iyong laman, o ito ay para maging maayos ang lahat sa iyo, para maging maginhawa ang lahat-- ngunit wala sa mga ito ang layunin na dapat taglayin ng mga tao para sa paniniwala sa Diyos. Kung iyon ang iyong pinaniniwalaan, kung gayon ang iyong pananaw ay mali at talagang hindi ka maaaring gawing perpekto. Ang mga pagkilos ng Diyos, ang matuwid na disposisyon ng Diyos, ang Kanyang karunungan, ang Kanyang salita, at ang Kanyang kahiwagaan at pagiging hindi maarok ay ang lahat na mga bagay na kailangang subukin na maunawaan ng mga tao. Gamitin ang pagkaunawang ito upang alisin ang pansariling mga kahilingan gayundin ang mga indibiduwal na mga pag-asa at mga pagkaintindi sa iyong puso. Sa pag-aaalis lamang sa mga ito iyong maaabot ang mga kundisyon na hinihiling ng Diyos. Sa pamamagitan lamang nito ka magkakaroon ng buhay at mapalulugod ang Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay para sa pagpapalugod sa Diyos, upang isabuhay ang disposisyon na Kanyang kinakailangan, upang hayaan ang Kanyang mga pagkilos at kaluwalhatian na maihayag sa pamamagitan ng grupong ito ng walang kabuluhang mga tao. Yaon ang tamang pananaw para sa paniniwala sa Diyos, at layunin din na dapat mong hangarin. Dapat ay mayroon kang tamang pananaw sa paniniwala sa Diyos at hangarin na matamo ang salita ng Diyos. Kailangan mong kainin at inumin ang salita ng Diyos, at magawang isabuhay ang katotohanan, at makita lalo na ang praktikal na mga gawa ng Diyos, ang Kanyang kamangha-manghang mga gawa sa buong daigdig, gayundin ang praktikal na gawain na Kanyang ginawa sa laman. Sa pamamagitan ng iyong aktwal na mga karanasan, mapapahalagahan mo kung paano ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa mga tao kung ano ang Kanyang kalooban tungo sa mga tao. Lahat ng ito ay upang alisin ang iyong tiwaling mala-Satanas na disposisyon. Alisin ang marumi at hindi matuwid na nasa loob mo, tanggalin mo ang iyong maling mga layunin, at mapauunlad mo ang tunay na pananampalataya sa Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng tunay na pananampalataya mo tunay na maiibig ang Diyos. Tunay mo lamang maiibig ang Diyos sa mga saligan ng iyong paniniwala sa Kanya. Maaari mo bang matamo ang pag-ibig sa Diyos nang walang paniniwala sa Kanya? Yayamang naniniwala ka sa Diyos, hindi ka maaring maging tanga tungkol dito. Ang ilang mga tao ay napupuno ng lakas sa sandaling makita nila na ang pananampalataya sa Diyos ay magdadala sa kanila ng mga pagpapala, ngunit nawawala ang lahat ng lakas sa sandaling haharapin nila ang mga pagpipino. Yaon ba ay paniniwala sa Diyos? Sa katapusan, ang pananampalataya sa Diyos ay tungkol sa ganap na pagsunod sa harap Niya. Naniniwala ka sa Diyos ngunit mayroon ka pa ring mga kahilingan sa Kanya, mayroong pa ring mga relihiyosong pagkaintindi na hindi mo mabitiwan, pansariling mga kapakanan na hindi mo mapakawalan, o naghahangad pa rin ng mga pagpapala sa laman at nais mong iligtas ng Diyos ang iyong laman, na iligtas ang iyong kaluluwa-- lahat ng ito ay mga pagpapahiwatig ng mga tao na may maling pananaw. Bagamat ang mga taong may mga relihiyososng paniniwala ay may pananampalataya sa Diyos, hindi sila naghahangad ng pagbabago sa disposisyon, hindi naghahangad ng kaalaman sa Diyos, at ang habol lang nila ay ang mga kapakanan ng kanilang laman. Marami sa gitna ninyo ang mayroong mga pananampalataya na kabilang sa kategorya ng relihiyosong mga paniniwala. Yaon ay hindi tunay na pananampalataya sa Diyos. Upang maniwala sa Diyos kailangan mong magtaglay ng isang puso upang magtiis para sa Kanya at ang kahandaan na isuko ang iyong sarili. Hangga’t hindi mo naaabot ang dalawang kalagayang ito hindi ito ibibilang na pananampalataya sa Diyos, at hindi mo matatamo ang pagbabago sa disposisyon. Ang mga tao lamang na tunay na naghahangad sa katotohanan, sinusubukang makilala ang Diyos, at naghahangad sa buhay yaong mga tunay na naniniwala sa Diyos” (“Yaong Mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

 

Ibinunyag talaga ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng misteryo at katotohanan patungkol sa pananalig sa Diyos. Maraming naniniwala sa Diyos ngunit hindi pa rin alam kung ano ang tunay na pananalig sa Diyos, ni hindi nila kilala ang Diyos o ang Kanyang gawain. Naguguluhang pananalig ang uri ng pananalig na ito na hindi kailanman makukuha ang papuri ng Diyos! Malinaw na tinutukoy ng Makapangyarihang Diyos kung ano ang tunay na pananalig. “Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon makakatupad sa hangarin ng Diyos at makakikilala sa Diyos. Tanging sa ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos.” Napakalinaw na sinasabi ng Makapangyarihang Diyos ang tungkol sa tunay na pananalig! Iyong mga taong naniniwala sa Diyos ay talagang naniniwala sa mga salita ng Diyos. Iyon ay, ang pagsasagawa ng Kanyang mga salita at pagdanas sa Kanyang gawain. Ito ang paraan na tunay nilang maiintindihan ang katotohanan at talagang makikilala ang Diyos. Tunay na pananalig ito sa Diyos. Sa relihiyosong komunidad, pinag-uusapan lang ng mga tao kung paano magsusumikap at magdudusa para sa Panginoon; hindi nila pinag-uusapan kung paano isasagawa o mararanasan ang mga salita ng Panginoon. Samakatuwid, kahit gaano pa karaming taon sila maniwala sa Diyos, hindi nila maiintindihan ang katotohanan, ni hindi nila makikilala ang Diyos. Kung maniniwala ang mga tao nang ganito, paano sila kikilalanin ng Diyos! Sinabi ng Panginoong Jesus, “Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?” (Mateo 7:22). Ano ang sumunod na sinabi ng Panginoong Jesus? “At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:23). Ipinapakita nito na ang mga taong naniniwala sa Panginoon ay nagsasakripisyo at nagsusumikap para sa Kanya alinsunod sa kanilang sariling kalooban. Hindi nila isinasagawa o nararanasan ang mga salita ng Panginoon. Hindi lang hindi nakakamit ang pagtanggap ng Diyos ng ganitong uri ng pananalig, kinokondena pa ito ng Diyos. Habang iniisip iyong mga panahon ko bilang mananampalataya sa loob ng relihiyosong komunidad, Hindi ako nagtuon sa pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon o sa pagdanas ng Kanyang gawain; Nagsisi lang ako sa Kanya matapos ako magkasala, nagmamakaawa sa Kanya para sa kapatawaran. Kapag may problema, nagdadasal ako sa Panginoon, humihingi sa Kanya ng tulong. Akala ko na hangga’t nagsasaulo ako ng ilang mga sipi sa Biblia, pinapanatili ang mga salita ng Biblia at sumusunod sa mga patakaran, ako’y nananampalatya sa Panginoon. Akala ko kung ako’y masigasig lang na nagsakripisyo at nagsumikap para sa Panginoon, ako’y naniniwala nang mabuti sa Panginoon. Akala ko minahal ko ang Panginoon at naging tapat sa Kanya. Akala ko kapag bumalik ang Panginoon, tiyak na papasok ako sa Kanyang kaharian. Nagpatuloy ito hanggang sa tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nakita kung ano ang sabi Niya, “Marami sa mga taong sumusunod sa Diyos ay nababahala lamang sa kung paano makakatamo ng mga pagpapala o umiwas sa mga sakuna. … Ang ganoong mga tao ay may isang napaka-payak na layunin sa pagsunod sa Diyos: upang makakuha ng pagpapala, at sila ay lubhang tamad mag-asikaso ng anumang bagay na hindi kinapapalooban ng layuning ito. Para sa kanila, ang paniniwala sa Diyos upang makatamo ng mga pagpapala ay ang pinaka-lehitimo sa mga layunin at ang mismong kabuluhan ng kanilang pananampalataya. Sila ay hindi nababagabag ng anumang bagay na hindi magkakamit ng layuning ito. Ganyan ang kalagayan ng karamihan sa mga naniniwala sa Diyos ngayon. Ang kanilang layunin at pangganyak ay mukhang lehitimo, dahil kasabay ng paniniwala sa Diyos, sila ay gumagastos din para sa Diyos, iniaalay ang kanilang mga sarili sa Diyos, at ginagampanan ang kanilang tungkulin. Isinuko nila ang kanilang kabataan, tinalikuran ang pamilya at karera, at gumugol pa ng ilang taon na nag-aabalang malayo sa tahanan. … Dito, natutuklasan natin ang isang dating hindi-natukoy na problema: Ang relasyon ng tao sa Diyos ay isang hubad na pansariling interes lamang. Ito ay ang relasyon sa pag-itan ng tagatanggap at tagabigay ng mga pagpapala. Upang maging malinaw, ito ay tulad ng relasyon sa pag-itan ng manggagawa at amo. Ang manggagawa ay gumagawa lamang upang tumanggap ng mga gantimpala na ipinagkakaloob ng amo. Sa isang relasyong tulad nito, walang pagmamahal, isang kasunduan lamang; walang pagmamahal at minamahal, kawanggawa at awa lamang; walang pag-unawa, pagwawalang-bahala at panlilinlang lamang; walang pagpapalagayang-loob, isa lamang malaking agwat na hindi maaaring mapagdugtong. Kapag ang mga bagay-bagay ay umabot sa puntong ito, sino ang makakayang baliktarin ang ganoong kalakaran? At gaano karaming mga tao ang may kakayahang tunay na maunawaan kung gaano naging walang-pag- asa ang relasyong ito? Naniniwala Ako na kapag inilubog ng mga tao ang kanilang mga sarili sa kagalakan ng pagiging pinagpala, walang sinuman ang makakaguni-guni kung gaano kahiya-hiya at hindi-magandang- tingnan ang ganoong relasyon sa Diyos” (“Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang Makapangyarihang Diyos at ibinunyag ang tunay na likas na katangian ng mga tao: Naniniwala sila sa Kanya dahil gusto nila ng mga pagpapala. Gusto nilang makipag-areglo sa Kanya. Napagtanto ko lang na ang aking mga motibo para sa aking pananalig ay masyadong marumi. Hinahabol ko ang mga pagpapala, biyaya, gantimpala at ang pagdala sa kaharian ng langit. Hangga’t matatamasa ko ang mga pagpapala ng kaharian ng langit, kakayanin ko ang anumang pagdurusa at magbabayad ng anumang halaga, ngunit hindi ako nagtuon sa pagsagawa at pagdanas ng mga salita ng Panginoon; hindi ko sinubukang kilalanin ang Diyos. Bilang resulta, walang kaugnayan ang aking buhay sa katotohanan na nilalaman ng mga salita ng Diyos. Maraming taon akong naniwala sa Panginoon ngunit wala ako ni katiting na kaalaman sa Panginoon. Akala ko makakamit ng aking pananalig ang papuri ng Panginoon, at kapag nagbalik Siya, iaangat ako sa kaharian ng langit. Talagang napakawalang-hiya ko at ignorante! Dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos para isagawa ang gawain ng pagtubos at pagligtas sa sangkatauhan. Ginawa Niya ito para ibigay ang katotohanan sa sangkatauhan. Pinapahintulot nitong tanggapin nila ang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay, pinapalaya sila mula sa gapos at kontrol ng kasalanan at ginagawa silang masunurin sa Diyos. Hindi ko naintindihan ang kalooban ng Diyos; hindi ko hinanap ang katotohanan, at talagang hindi ko hinanap ang kaalaman tungkol sa Diyos. Hinanap ko lang mag-isa ang biyaya at mga gantimpala. Kahit pa sinakripisyo ko ang isang bagay, magiging kapalit lang iyon ng mga pagpapala ng kaharian ng langit. Paano ba ako naniniwala sa Diyos? Paano ako nagiging mapagmahal at nagiging matapat sa Diyos? Malinaw na, sinusubukan ko lang makipag-areglo sa Diyos; sinusubukan kong gamitin Siya at linlangin Siya. Sa paghatol ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakita ko na sa wakas kung paano ako lubos na ginawang tiwali ni Satanas! Masyado akong makasarili at mapanlinlang! Wala akong pagkakahawig sa sangkatauhan! Kasuklam-suklam na kontra-bida ako, sarili lang ang iniisip. Hindi ako nababagay mabuhay sa harapan ng Diyos! Diyos ang Maylalang ng lahat ng bagay. Mga nilalang Niya ang mga tao. Tama at wasto lang para sa mga tao na maniwala sa Diyos at isakripisyo ang lahat para sa Kanya. Iyan ang tungkulin ng tao. Iyan ang responsibilidad ng lahat ng nilikha. Kulang ako ng anumang katwiran o konsensya. Nang sinakripisyo ko ang anumang bagay o nagdusa sa anumang paraan, bahagi ng aking tangka na makipag-areglo sa Diyos; gusto kong bayaran Niya ako; gusto ko ng mga pagpapala. Itong aking pananalig, kung saan nililinlang ko ang Diyos, paanong hindi ko matatamo ang pagkapoot at pagkamuhi Niya? Paano posibleng hahayaan ng Diyos ang isang tulad ko na mala-satanas na nilalang na makapasok sa Kanyang kaharian? Sa oras na ito, lumuluhod ako sa harapan ng Diyos, nananalangin ng pagsisisi. Kahit paano pa ako pakitunguhan ng Diyos o ano man ang maging huling kahihinatnan ko, Kusang-loob kong susundin ang plano ng Diyos. Kahit na magbigay lang ako ng serbisyo sa Diyos, hahanapin ko ang katotohanan. Gagawin ko ang tungkulin ko bilang Kanyang nilikha. Sa pamamagitan ng pagdanas ng mga paghatol, pagkastigo, pagpipino at pagsubok sa bawat salita ng Makapangyarihang Diyos, nagbago ang aking pananaw tungkol sa aking pananalig sa Kanya. Sinimulan kong hanapin at isagawa ang katotohanan. Unti-unti akong naglakad sa tamang landas ng pananalig kung saan makakakuha ng kaligtasan. Resulta ang lahat ng mga ito ng pagdanas sa paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw! Salamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagligtas sa akin!

 

Matapos maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, Nakita ko sa wakas na masyado na akong ginawang tiwali ni Satanas; masyado na akong arogante at lubos na wala sa katwiran! Sa panlabas, mukhang kaya kong ipalaganap ang ebanghelyo, gawin ang ilang mga gawain, tiisin ang pagdurusa at magpaliwanag ng mga salita sa Biblia, isaulo ang ilang mga talata. Akala ko kilala ko ang Diyos at kumilos ako nang arogante at tipong mas banal pa sa sinuman. Sa totoo, hindi ako nanalangin sa Diyos o hinanap ang katotohanan at mga prinsipyo. Pikit-mata ko lang ginawa ang anumang alinsunod sa aking mga sariling palagay. Totoo ito lalo na pagdating sa aking turing sa pagbabalik ng Panginoon. Nilimitahan ko ang Diyos sa Biblia batay sa mga sarili kong palagay at imahinasyon. Akala ko nasa Biblia ang lahat ng mga salita at gawain ng Diyos, at wala sa Kanyang mga salita o gawain ang umiiral sa labas ng Biblia. Mahigpit kong pinaniwalaan na ang mga taong naniniwala sa Panginoon ay kinakailangang panatilihin ang Biblia, at inisip, na paanong ang sinuman na hindi nagpapanatili sa Biblia ay sumusunod sa Panginoon? Ang resulta ay nang hinipo ako ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hindi ko ito hinanap o siniyasat. Sinunod ko pa ang mga pastor at elder sa pagtanggi at paghatol nito. Arogante ako at nawala ang lahat ng katwiran, sa harap mismo ng Diyos! Ang aking pagkilos, pananalig ba ito sa Diyos? Hindi, kasamaan lang ito! Paano ako naging iba sa mga Fariseo na kumalaban sa Panginoong Jesus?

 

May isang bagay akong nakita na sinabi ng Makapangyarihang Diyos, “Dahil naniniwala ka sa Diyos, kung gayon ay kailangan mong ilagay ang pananampalataya sa lahat ng mga salita at gawain ng Diyos. Iyon ay upang sabihin, dahil naniniwala ka sa Diyos, dapat kang sumunod sa Kanya. Kung hindi mo kayang gawin ito, samakatuwid ay walang halaga kung naniniwala ka sa Diyos o hindi. Kung ikaw ay naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon, ngunit hindi ka kailanman sumunod sa Kanya o tinanggap ang lahat ng Kanyang mga salita, at sa halip ay hiniling sa Diyos na sumailalim Siya sa iyo at sundin ang iyong mga paniwala, kung gayon ikaw ang pinaka-mapaghimagsik sa lahat, at ikaw ay hindi mananampalataya. Paanong ang isang kagaya nito ay magagawang sumunod sa gawain at mga salita ng Diyos na hindi sumusunod sa mga paniwala ng tao? Ang pinaka-suwail na tao ay isa na sadyang sinasalungat at tinatanggihan ang Diyos. Siya ay kaaway ng Diyos at isang anti-kristo” (“Yaong Mga Sumusunod sa Diyos na Mayroong Isang Tunay na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Silang mga hindi maingat kapag kanilang nakakatagpo ang bagong gawain ng Banal na Espiritu, mabibilis ang mga bibig na magsalita, ay mabibilis humusga, na malayang hinahayaan ang kanilang likas na pakiramdam na tanggihan ang pagkamatuwid ng gawain ng Banal na Espiritu, at iniinsulto rin at nilalapastangan ito— ang mga ganoong napakawalang-galang na tao ba ay hindi mangmang sa gawain ng Banal na Espiritu? Hindi ba sila, bukod dito, ang mga mayayabang, likas na mapagmataas at hindi nagpapasakop? … Napakawalang-galang at maluhong mga tao ay nagpapanggap na naniniwala sa Diyos, at habang mas lalo nilang ginagawa ito, maaaring mas lalo nilang malalabag ang mga kautusan ng Diyos sa pangangasiwa. Hindi ba lahat yaong mga mayayabang na likas na pakawala, at hindi pa kailanman sumunod sa kahit kanino, ay lalakad lahat sa landas na ito? Hindi ba nila sinasalungat ang Diyos sa bawa’t araw, Siyang laging bago at hindi kailanman matanda?” (Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos). Nakaukit sa aking puso ang bawat pangungusap ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Inilantad ng Kanyang paghatol ang aking likas na pagkatao at diwa: Naniniwala ako sa Diyos ngunit kinakalaban ko Siya. Naramdaman ko ang galit ng Diyos sa akin. Naramdaman ko ang Kanyang tuwid at dakilang disposisyon na hindi maaaring gawan ng pagkakasala. Nanginig ako sa takot, at hindi maiwasan kundi lumuhod sa lupa sa hiya sa aking mga sariling masamang gawain. Sa loob ng maraming taon naniwala ako sa Panginoon, kaya paano pa rin ako naging arogante at mayabang? Bakit wala akong anumang anyo ng paggalang sa Diyos? Kapag hindi alinsunod ang gawain ng Diyos sa aking mga palagay, basta ko na lang hinahatulan at itinatanggi ito. Hindi ko hinanap ang katotohanan o sinunod ang Diyos kailanman. Hindi ba ako isang aroganteng tao na naniniwala sa Diyos, subalit kinakalaban pa rin Siya? Matagal nang nagkasala ang pagkilos ko sa disposisyon ng Diyos. Kung hindi dahil sa awa ng Diyos at pagliligtas, matagal na akong ipinadala sa impiyerno. Paano ako magkakaroon ng pagkakataon na marinig ang tinig ng Diyos at tanggapin ang Kanyang paghatol at paglinis sa mga huling araw?! Naramdaman ko na talagang nailigtas na ako ng Diyos! Sa oras na ito, mas kinapootan at isinumpa ko ang sarili ko higit kailan pa man. Aking ipinasya na, kahit gaano pa ako hatulan, kastiguhin, pungusan, pakitunguhan, subukan o pinuhin ng Diyos, kusang-loob kong tatanggapin ito at susundin Siya. Sa pamamagitan ng patuloy na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pagdanas ng Kanyang paghatol at pagkastigo, marami na ako ngayong naiintindihang katotohanan na hindi ko alam dati. Natatamo ko ang palinaw ng palinaw na kaunawaan ng aking sariling malasatanas na kalikasan ng pagkalaban at pagtaksil sa Diyos. Mayroon na rin akong ilang tunay na kaalaman tungkol sa banal na diwa ng Diyos at matuwid na disposisyon na walang pinahihintulutang pagkakasala. Hindi namamalayan, nagkaroon ako ng paggalang sa Diyos at uhaw para sa katotohanan. Mas mapagkumbaba na ako hindi gaya ng dati. Hindi na ako kasing-arogante at kasing-yabang. Kapag nahaharap ako sa mga bagay-bagay, alam ko nang itanggi ang sarili ko, hanapin ang katotohanan at isagawa ang katotohanan. Unti-unting nagbago ang disposisyon ko sa buhay. Ang lahat ng ito ay dahil sa pagdaranas ng paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos. Naintindihan ko na ngayon kung ano talaga ang tunay na pananalig sa Diyos. Naiintindihan ko ang tunay na halaga at kahulugan ng pananalig sa Diyos. Ito ang isang bagay na hindi kailanman natamo ng mga mananampalataya noong Kapanahunan ng Biyaya. Noong Kapanahunan ng Biyaya, karamihan sa mga naniniwala ay nakatuon sa paggaya kay Pablo. Nagsumikap at nagdusa sila para sa Panginoon. Mas ginusto pa nilang magdusa sa kulungan kaysa itanggi ang pangalan ng Panginoon. Maaari bang mabago ng uri ng pananalig na ito sa Diyos ang kanilang disposisyon sa buhay? Maaari kaya nitong hayaan silang talagang sundin ang Diyos at mahalin Siya? Sa huli, kaya ba ng pananalig na ito na hayaan tayong talunin si Satanas? Mapapasiya ba talaga nito ang Diyos? Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa mga tao, hinihiling sa kanilang isagawa at maranasan ang Kanyang mga salita. Bakit Niya ito ginagawa? Ginagawa Niya ito para baguhin ang disposisyon ng buhay ng mga tao at iligtas sila mula sa impluwensiya ni Satanas. Sa huli, pinapahintulutan nito na makilala Siya ng mga tao. Ito ang maaaring matamo ng tunay na pananalig sa Diyos. Ngunit karamihan sa mga mananampalataya sa Panginoon ay iniisip na hangga’t sinasakripisyo nila ang lahat at nagsisikap para sa Panginoon, sila ay naaayon sa puso ng Panginoon, at sa pagbalik Niya sila ay madadala sa kaharian ng langit. Isaalang-alang nating lahat ito: Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa atin. Ganoon ba para matapos nating ikalat ang Kanyang gawain, naghihirap sa proseso, tatanungin natin Siya, "Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka. at natapos ko ang pagtakbo sa landas. May natataan sa akin na putong ng katuwiran"? Ito ba ang hinihingi ng Diyos sa tao? Ito ba ang kalooban ng Diyos? Kung ito ang pagkakaintindi natin sa pananalig sa Diyos, hindi ba mali ang ating pagkakaintindi sa Kanya?

 

Ngayong nasabi na natin ang lahat ng ito, naiintindihan mo ba kung ano ang tunay na pananalig sa Diyos? Okey lang bang maniwala sa Diyos ngunit hindi maranasan ang Kanyang paghatol o paglinis sa mga huling araw? Maaari ba nating makilala ang Diyos kung naniniwala tayo sa Kanya ngunit hindi nararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Kanyang salita? Maaari ba nating maintindihan ang kalooban ng Diyos at talagang sundin at sambahin Siya kung naniniwala tayo sa Kanya ngunit hindi isinasagawa ang Kanyang mga salita o nararanasan ang Kanyang gawain? Samakatuwid, kung gusto talaga nating makilala ang Diyos at baguhin ang ating mga disposisyon, lubhang napakahalaga ng pagtanggap at pagdanas ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw! Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kung ang mga tao ay nanatili sa Kapanahunan ng Biyaya, samakatwid sila kailanman ay hindi magiging malaya mula sa kanilang tiwaling disposisyon, lalong hindi ang makilala ang likas na disposisyon ng Diyos. Kung ang mga tao ay palaging namumuhay kasama ang kasaganaan ng biyaya subalit walang daan ng buhay na nagpapahintulot sa kanila na kilalanin ang Diyos at bigyan-kasiyahan ang Diyos, samakatwid hindi kailanman nila tunay na matatamo Siya bagaman sila ay naniniwala sa Kanya. Anong kaawa-awang anyo ng paniniwala iyon. … kapag naranasan mo na ang bawat hakbang sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Kaharian, mararamdaman mo na ang mga pag-asa ng maraming mga taon ay sa wakas naisakatuparan na. Mararamdaman mo na tanging ngayon mo lamang tunay na nakita ang Diyos nang harap-harapan; tanging ngayon na natitigan mo ang mukha ng Diyos, nadinig ang personal na pagbigkas ng Diyos, pinahalagahan ang karunungan ng gawain ng Diyos at tunay na nadama kung gaano katotoo at Makapangyarihang Diyos. Madarama mo na nakamtan mo ang maraming mga bagay na hindi nakita ni naangkin ng mga tao nang nakaraang mga panahong. Sa panahong ito, malinaw mong makikita kung ano ang maniwala sa Diyos, at kung ano ang sumunod sa puso ng Diyos. Mangyari pa, kung kakapitan mo ang mga pananaw ng nakaraan, at hindi tatanggapin o tatanggihan ang katunayan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, samakatwid ikaw ay mananatiling walang dala at walang nakamtan, at sa bandang huli ay may kasalanan sa pagsalungat sa Diyos. Yaong mga sumusunod sa katotohanan at nagpapasailalim sa gawain ng Diyos ay darating sa ilalim ng pangalan ng ikalawang Diyos na nagkatawang-tao—ang Makapangyarihan sa lahat. Makatatanggap sila ng personal na paggabay ng Diyos, at makakamit ang mas higit at mas mataas na katotohanan at matatanggap ang tunay na pantaong buhay …” (“Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

 

mula sa iskrip ng pelikulang Pananalig sa Diyos

 

________________________________

 

Hindi tinutukoy ng Diyos kung tayo ay mabuti o masama ayon sa kung paano ang ating panlabas na pag-uugali, at kung gaano karami ang ating tinalikuran, ginugol, at tiniis para sa Diyos, ngunit naaayon sa kung tayo ba ay nagtataguyod ng katotohanan. Ito ang tunay na kahulugan ng "hindi lahat ng tumatawag sa Panginoon ay maliligtas" na sinabi ng Panginoong Jesus.

 

Rekomendasyon: About Rapture (in Tagalog): What Is the True Meaning of Rapture?

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Write a comment

Comments: 0