"Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman" (Hosea 4:6). "nguni't ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa" (Kawikaan 10:21).
Bakit ang mga taong mangmang ay nawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman? Pag-isipan natin kung paanong natiwali sina Adan at Eba ni Satanas. Sinabi sa kanila ng Diyos na Jehova na hindi nila maaaring kainin ang bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Gayunpaman, hindi sila nakinig sa Diyos ngunit sa halip ay nakinig kay Satanas. Bilang resulta, sila ay pinalayas sa Hardin ng Eden at nawala ang mga pagpapala ng Diyos.
Ang isa pang halimbawa: Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa, ang mga Judio ay hindi nakinig sa mga turo ng Panginoon, ngunit naniwala sila sa mga punong saserdote at mga sabi-sabi ng mga eskriba laban sa Panginoong Jesus, at sumunod sa kanila upang labanan at hatulan ang Panginoong Jesus.
Nang maglaon ay pinarusahan sila. Sa mga aral mula sa kasaysayan, makikita natin na ang mga nakikinig sa mga salita ng Diyos ay pinagpapala ng Diyos, at ang mga nakikinig kay Satanas ay mga mangmang, at ang kanilang kahahantungan ay kamatayan!
Ngayon ang Panginoon ay bumalik na, Siya ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Pagkarinig sa balita na ito, hahanapin mo ba at sisiyasatin ang tunay na daan at pakikinggan ang tinig ng Diyos, o makikinig ka ba sa mga sabi-sabi na mula sa gobyerno ng CCP at sa relihiyosong mundo, na sinarahan ang Panginoon?
Nakapaloob dito ang mahalagang bagay upang matamo mo ang kaligtasan at makapasok sa kaharian ng langit. Kaya, huwag mapinsala dahil sa kamangmangan.
Mangyaring panoorin ang pelikulang ito na Nakamamatay na Kamangmangan, na tutulong sa iyo na maunawaan ang mga prinsipyo ng pagsisiyasat sa tunay na daan, kilalanin ang tinig ng Diyos at salubungin ang Panginoon mula sa gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos.
____________________________________
Rekomendasyon: Repleksyon sa ebanghelyo ngayon
Write a comment