Matapos ang pag-atake ng Molave at Goni, ang Bagyong Vamco ay tumama sa Pilipinas noong Nobyembre 12, na nagdala ng malakas na hangin at malakas na ulan sa Maynila, pumatay ng hindi bababa sa 27 katao sa buong bansa, na inilikas ang libu-libong katao. Dagdag pa ang pagkalat ng pandemya sa buong mundo at ang mga pangyayari ng mga sakuna tulad ng mga lindol at pagbaha, maraming tao ang nalilito: Bakit madalas na nangyayari ang mga sakuna? Tingnan natin kung ano ang sinabi ng Diyos tungkol dito.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sumapit na ang mga huling araw at nagkakagulo ang mga bansa sa buong mundo. May kaguluhan sa pulitika, may mga taggutom, salot, baha, at tagtuyot na naglilitawan sa lahat ng dako. May malaking sakuna sa mundo ng tao; nagpadala na rin ng kalamidad ang Langit. Ito ay mga palatandaan ng mga huling araw."
"Lahat ng sakuna ay isa-isang babagsak; lahat ng bansa at lahat ng lugar ay makakaranas ng mga sakuna—ang salot, gutom, baha, tagtuyot at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang basta nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw, bagkus ay lalawak ang mga iyon sa loob ng palawak nang palawak na mga lugar, at ang mga sakuna ay magiging patindi nang patindi. Sa loob ng panahong ito lahat ng anyo ng mga salot na insekto ay lilitaw nang sunud-sunod, at ang penomeno ng kanibalismo ay mangyayari sa lahat ng dako. Ito ang paghatol ng Diyos sa lahat ng bansa at mga bayan."
mula sa "Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao"
Malinaw na ipinapakita ng mga salita ng Diyos na ang mga sakunang ito ay palatandaan ng mga huling araw at pati na rin ang mga babala ng Diyos sa mga tao sa mga huling araw, at ngayon na ang oras kung kailan hinahatulan na ng Diyos ang lahat ng mga bansa at lahat ng mga tao. Kaya paano natin makakamit ang proteksyon ng Diyos sa mga sakuna? Ang tanging paraan lamang ay ang pagtanggap sa pagbabalik ng Panginoon at tanggapin ang Kanyang kaligtasan. Nais mo bang malaman tungkol sa kaligtasan ng Diyos?
________________________________
Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang pagdating ni Jesus?
Kung nais mong matuto nang higit pa, ikaw ay malayang makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Messenger. Sabay nating hanapin at tuklasin ang katotohanan!
Write a comment