· 

Dumating Na ang mga Araw ni Noe, at Nagpakita ang Anak ng Tao

Sinabi ng Panginoong Jesus, "At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao" (Mateo 24:37).

 

Magbalik-tanaw sa panahon na itinayo ni Noe ang arka: Ang puso ng sangkatauhan ay lumalayo sa Diyos at nakalimutan nila ang ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos. Nagpakasasa sila sa pisikal na kasiyahan, mga may maruruming kalikasan, at ginagawa lahat ng kasamaan. Sa huli, ipinadala ng Diyos ang baha upang wasakin ang masamang sangkatauhan.

 

Sa mundo ngayon, lahat ng tao ay pinahahalagahan ang kasamaan at ninanais ang kasiyahan ng kasalanan, at maging ang mga mananampalataya sa Panginoon ay nabubuhay sa kasalanan nang hindi iniisip na ito ay kasalanan. Ang mga pangyayaring ito ay nagpapahiwatig na kapag ang katiwalian ng sangkatauhan at kasamaan ay umabot sa kanilang rurok, ang Anak ng tao ay darating, iyon ay, babalik ang Diyos. Ang "Anak ng tao" ay tumutukoy sa isang taong ipinanganak ng isang tao at mayroong normal na katauhan. Kung ang Diyos ay darating sa isang espiritwal na katawan, hindi Siya matatawag na Anak ng tao. Ang Panginoong Jesus sa katawang-tao ay Anak ng tao, Siya ang Cristo, at ito ay dahil Siya ang Espiritu ng Diyos na nakasuot ng laman at nanirahan sa gitna ng mga tao. Samakatuwid, nang banggitin ng Panginoong Jesus na "ang pagdating ng Anak ng tao," tinutukoy Niya ang Diyos na babalik sa mga huling araw sa katawang-tao.

 

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob-na-lupain. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagka’t ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwa’t walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito. Marahil ito ay mananatiling isang walang-hanggang palaisipan. Sa panahong ito ang pagdating ng Diyos sa katawang-tao ay hindi isang bagay na kahit sino ay may kakayahang mabatid. Gaano man kalaki at kamakapangyarihan ang gawain ng Espiritu, nananatiling palaging kalmado ang Diyos, hindi kailanman ipinagkakanulo ang Sarili Niya. Maaaring sabihin ng isa na ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay parang nagaganap sa makalangit na kinasasaklawan. Kahit na ito ay ganap na halata sa lahat ng tao, walang sinuman ang nakakakilala rito. Kapag tinapos ng Diyos ang yugtong ito ng Kanyang gawain, magigising ang lahat mula sa kanilang mahabang panaginip at babaligtarin ang kanilang nakaraang saloobin."

 

mula sa "Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao"

 

 

________________________________

 

Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus?

 

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

 

Write a comment

Comments: 0