· 

Ikalawang Pagparito ni Jesucristo | Bakit Hindi Mo Pa Nasalubong ang Panginoon? Narito ang Sagot

 

Ikalawang Pagparito ni Jesucristo | Bakit Hindi Mo Pa Nasalubong ang Panginoon? Narito ang Sagot

 

Ngayong mga araw na ito, ang mga sakuna ay mas lumalaki at mas matindi, at ang mga palatandaan ng pagbabalik ng Panginoon ay lumitaw. Ang ilang mga tao ay nalilito: Ito’y nangangatuwiran sa dahilan na ang Panginoon ay dapat bumalik na, ngunit bakit hindi pa natin Siya nasalubong? Bumalik na ba talaga Siya? Sa totoo lang, ang Panginoon ay matagal nang bumalik, at Siya ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng Kanyang mga salita at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos. Mahalagang natutupad nito ang propesiya ng pagbabalik ng Panginoon: "Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios: at kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios?" (1 Pedro 4:17). Ang pangunahing dahilan kung bakit hindi pa natin nasalubong ang Panginoon ay sa hindi pa natin binibigyang pansin ang pakikinig sa tinig ng Diyos upang salubungin Siya. Nai-propesiya ng Pahayag, "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20). Makikita mula rito na sa pagbabalik ng Panginoon, bibigkasin Niya ang Kanyang mga salita upang kumatok sa ating mga pintuan, at sa pamamagitan lamang ng pagtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos maaari nating masalubong ang Panginoon.

 

Ngayon, ang gawain ng Diyos ng pagliligtas ng tao sa mga huling araw ay malapit nang magtapos, at ang mga hindi naghahanap upang pakinggan ang tinig ng Diyos at bigong salubungin ang Panginoon ay aabandonahin ng Panginoon sa huli. Ito ay tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang gawain ng Diyos ay tulad ng makapangyarihang umaalimbukay na alon. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa Kanya, at wala ni isang maaaring magpahinto sa Kanyang mga yapak. Tanging ang mga taong nakikinig nang mabuti sa Kanyang mga salita, at mga taong naghahanap at nauuhaw sa Kanya, ang maaaring sumunod sa Kanyang mga yapak at tanggapin ang Kanyang pangako. Ang mga taong hindi gagawa ay isasailalim sa napakahirap na kalamidad at karapat-dapat sa kaparusahan" ("Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

 

Nagbalik na ang Panginoon 

________________________________

 

Maraming tao ang nakakita na ang mga palatandaan ng pagbabalik ni Cristo ay lumitaw na at lahat ay may hinagap na malamang na bumalik na ang Panginoon. Paano tayo dapat maghanda upang salubungin ang Panginoon? Matapos basahin ang artikulong ito, malalaman mo ito …

 

Inirerekomenda: Ang mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo ay Naglilitawan: Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon

 

 

Nais mo bang sundan ang mga yapak ng Cordero? Nais mo bang salubungin ang Panginoon sa lalong madaling panahon? Minamahal kong mga kapatid! Kung nais mo na mas malaman pa, ikaw ay malaya na mag-iwan ng komento sa ibaba o kontakin kami sa Messenger. 

 

Write a comment

Comments: 0