· 

Ang Misteryo ng Pagbabalik ng Anak ng Tao

 

Salamat sa Diyos para sa Kanyang gabay. Sa pamamagitan ng diskusyon natin kahapon, mahihinuha natin na mayroong dalawang paraan kung paano posibleng bumalik ang Panginoon. Ang iilang sa mga kapatid ay sumulat sa amin,

 

"Kami ay palaging naniniwala na ang Panginoong Hesus ay babalik mula sa ulap at ipinagsawalang-bahala ang mga propesiya ng pagbabalik Niya sa isang sekretong paraan. Ngayon, pareho pala ang kinalabasan na hayagang bababa ang Panginoon mula sa mga ulap at dadating Siya ng pasekreto - ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito? Salamat sa Diyos! Ngayon, tatalakayin natin ang mga propesiya sa pagbabalik ng Panginoon tungkol sa Kanyang pagbabalik ng sekreto.

 

Sa iilang mga sipi sa bibliya, malinaw na nagpropesiya na ang pagbabalik ng Panginoon ay sa pamamagitan ng pagaanyo bilang Anak ng Tao. Halimbawa, sabi ng Panginoong Hesus, "Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating" "Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:24-25). Ang mga propesiyang ito ay nagsasabi na ang "Anak ng Tao" o "Ang Pagdating ng Anak ng Tao". Ang pahayag na ito sa Anak ng Tao ay tumutukoy sa Isang nilalang na ipinanganak bilang tao at may normal na pagkatao. Kaya hindi masasabi na ang Espiritu ay matatawag bilang Anak ng tao. Halimbawa ang Diyos na si Jehovah ay isang Espiritu, hindi Siya matatawag bilang Anak ng tao. Ang pagdating ng Anak ng Tao o paglitaw ng Anak ng Tao ay nagsasabi na kapag bumalik muli ang Panginoon sa huling araw, Siya ay ipapanganak bilang isang tao at magpapahayag ng katotohanan para maayos ang Kanyang gawa sa pagligtas sa tao. Kapag bumalik muli ang Diyos bilang isang Espiritung nabuhay muli na bumababa mula sa mga ulap at hayagang nagpapakita sa sangkatauhan, makikita ito ng lahat at manginginig at matutumba sa lupa, at sino ang maglalakas-loob na suwayin at tanggihan Siya. Sa kasong ito, hindi ba ang mga salita ng Panginoong Hesus na, "Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" ay magiging walang kahulugan? Tanging ang Diyos na nagkatawang tao upang magpakita at gumawa ay maaari Siyang makaranas ng lubhang paghihirap at itatwa ng henerasyong ito. Ito ay hindi na kailangan pang kwestyunin.

 

Ang ilang mga kapatid ay maaaring magtanong, "Kung ang pagbabalik ng Panginoon ay sa pamamagitan ng pagkakatawang tao, paanong ang propesiya na Siya ay bababa mula sa mga ulap ay matutupad?" Bukas atin pang gagalugarin ang tunay na kahulugan ng pagbaba ng Panginoon ng hayagan!

 

_________________________________________________

 

Inirekomendang pagbabasa: Ang Tatlong Yugto ng Gawain

Write a comment

Comments: 0