Mga Pelikula tungkol sa Pang-uusig sa Relihiyon
Ayon sa mga kailangan ng Diyos, ipinalalaganap ng mga Kristiyano ang ebanghelyo at nagpapatotoo sa Diyos ng sa ganun ay maraming tao ang makatanggap ng pagliligtas Niya. Ang ginagawa nila ay mabuti at marangal.
Nasindak ang CCP sa mga taong nakikinig sa tinig ng Diyos at lumalapit sa Kanya, kaya para matanggal ang gawain ng Diyos ng mga huling araw at maprotektahan ang kanilang diktadura, palihim silang naglabas at nag-isyu ng maraming lihim na dokumento para masugpo ang mga Kristiyano, at walang-awa nilang inaaresto at pinahihirapan ang mga Kristiyano sa bawat sulok ng bansa.
Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan.
Ang pangalan ng Diyos ay nagbabago ngunit ang sangkap ng Diyos ay hindi nagbabago. Halimbawa, ang Diyos ay maaaring tawaging Jehova, at maaari rin siyang tawaging Jesus, at sa mga huling araw Siya ay tinawag na Makapangyarihang Diyos. Hindi mahalaga kung paano nagbabago ang pangalan ng Diyos, ang kakanyahan ay ang Diyos mismo.
Ang Kristiyanong si Han Lu ay sinubaybayan at nasabat ng mga opisyal ng CCP police, kaya nahuli siya. Malupit siyang pinahirapan ng mga pulis, at gumamit din sila ng mga tsismis para subukang i-brainwash siya, ginamit ang kanyang pamilya para subukan siyang puwersahin, at iba pang mga pamamaraan para subukan siyang takutin sa pagtatangkang pilitin siyang itanggi at ipagkanulo ang Diyos.
"Bata! Alam mo ba'ng ang Partido Komunista ay ateista at tutol sa paniniwala sa Diyos? Sa China, Ano'ng Diyos ang naroon para sa iyo para paniwalaan mo? Nasaan ba ang Diyos mo?" "Huwag mo'ng ipalagay na dahil bata ka, magiging maluwag kami sa iyo! Kung patuloy ka'ng maniniwala sa Diyos, mamatay ka agad!" Hawak ang mga de-kuryenteng pamalo, sinugod ng mga pulis ng Komunistang Tsino ang binatilyo na puno ng mga pasa.
Ang pangalan niya ay Xiao Li. Naninwala siya sa Diyos nang mahigit sa isang dekada. Noong taglamig ng 2012, inaresto siya ng pulisya ng Komunistang Tsino sa isang kongregasyon. Sa panahon ng pagsisiyasat, paulit-ulit siyang hinikayat, binantaan, binugbog at pinahirapan ng pulisya sa kanilang pagtatangka na akitin siya na ipagkanulo ang Diyos sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kinaroroonan ng mga lider at pera ng iglesia.
Mga Kasinungalingan ng Komunismo, isang pelikulang Kristiyano, ay isang tumpak na paglalarawan sa brainwashing na ginagamit ng gobyernong CCP laban sa mga Kristiyano. Matapos arestuhin si Zhang Mingdao at pito pang Kristiyano, gumamit ang CCP police ng malupit at walang-awang pagpapahirap sa kanila. Umasa sila sa Diyos at matatag na tumayong saksi.
Si Li Ming’ai ay mula sa mainland China. Isa siyang babaing may mabuting pagkatao, na iginagalang ang kanyang mga biyenan niya, tinutulungan ang asawa niya, at tinuturuan ang kanyang anak at may masaya at mapayapang pamilya . Gayunman, sa China, kung saan ateismo ang may hawak ng kapangyarihan, laging marahas na inaaresto at inuusig ng pamahalaang komunista ang mga taong nananalig sa Diyos.
Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip.