Ⅰ
Sa huling mga araw
gamit ni Cristo'y mga katotohanan
upang tao ay ilantad at turuan,
gawa at salita nila ay tingnan.
Ⅱ
Salita ni Cristo ay puro katotohanan
tungkol sa tungkulin ng tao,
pa'no maging tapat sa Diyos,
sundin ang Diyos,
isabuhay ang normal na pagkatao,
karunungan, disposisyon ng Diyos, at iba pa.
Ⅲ
Mga salita'y nakaturo
sa tiwaling diwa ng tao.
Salita ay inilalantad
kademonyohan at paglaban ng tao sa Kanya.
Paghatol nagpapaunawa
ng tunay na mukha ng Diyos sa tao
at ng katotohanang suwail sila.
Nalalaman nila kalooba't layon ng gawain Niya,
hiwagang 'di maunawaan,
dahilan ng katiwalian,
at kanilang kapangitan.
Ⅳ
Nililinaw ng Diyos
likas na pagkatao ng tao sa salita
sa paglalantad at pagtatabas,
habang paghatol Niya'y Kanyang ginagawa.
Ⅴ
Katotohanan lamang
na wala sa tao ang makakagawa.
Ito ay paghatol,
upang makilala ng tao ang Diyos,
at makukumbinsi silang pasakop sa Diyos.
Paghatol nagpapaunawa
ng tunay na mukha ng Diyos sa tao
at ng katotohanang suwail sila.
Nalalaman nila kalooba't layon ng gawain Niya,
hiwagang 'di maunawaan,
dahilan ng katiwalian,
at kanilang kapangitan.
Paghatol ito ang epekto,
katotohanan, daan at buhay ng Diyos
ibinubunyag sa tao.
Ito ang paghatol na ginawa ng Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
________________________________
Ngayon tayo ay nasa mga huling araw na at ang Panginoon ay matagal nang naging laman upang gawin ang gawain ng paghuhukom. Bakit ginagawa ng Panginoon ang gawain ng paghuhukom? Ano ang kahulugan ng paghuhukom? Hangga't nauunawaan natin ang aspetong ito ng katotohanan at tinatanggap ang paghuhukom, magkakaroon tayo ng mga pagkakataon na malinis at makapasok sa kaharian ng langit.
Write a comment