Minsan nang nagpropesiya ang Panginoong Jesus na Siya ay darating sa mga huling araw. Ngunit maraming tao ang alam lamang na ang Panginoon ay darating kasama ng mga ulap ngunit hindi pa alam na ang Panginoon ay magkakatawang-tao bilang Anak ng tao upang gawin ang isang yugto ng gawain ng paghatol bago Siya ay dumating kasama ng mga ulap. Dahil dito, bagaman bumagsak ang mga sakuna, maraming tao ang hindi pa nasasalubong ang Panginoon. Kaya't ang pag-unawa sa misteryo ng pagdating ng Anak ng tao ay mahalaga sa atin sa pagsalubong sa Panginoon. Kung gayon ano nga ba eksakto ang pagdating ng Anak ng tao? Tingnan natin nang sama-sama ang mga salita ng Panginoong Jesus.
Sinabi ng Panginoong Jesus na, "Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating" (Lukas 12:40). "Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:24-25). "Sapagka't ang Ama'y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol" (Juan 5:22). "At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka't siya'y anak ng tao" (Juan 5:27).
Ang mga banal na kasulatang ito'y paulit-ulit na binabanggit "ang Anak ng tao" at "ang pagdating ng Anak ng tao." Pagdating sa Anak ng tao, tumutukoy ito sa Isa na isinilang ng isang tao at may normal na pagkatao, iyon ay, Siya ang Diyos na nagkatawang-tao. Kuning halimbawa ang Panginoong Jesus. 2,000 taon na ang nakakalipas, Siya ay isinilang ng isang tao, at Siya ay kumain, uminom, nagbihis ng Kanyang sarili, natulog, lumakad, at lumaki tulad ng lahat sa atin. Kung pagmamasdan Siya ay napaka-ordinaryo at normal sa labas, ngunit taglay Niya ang banal na diwa. Ang Diyos na Jehova at ang nabuhay na mag-uling espiritwal na katawan ng Panginoong Jesus ay hindi matatawag na Anak ng tao sapagkat ang Espiritu ng Diyos ay mayroon lamang kabanalan at hindi normal na katauhan. Sinabi din ng Panginoon, "Sapagka't ang Ama'y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol." Na ibig sabihin, ang gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay hindi gagawin ng Espiritu, ngunit ng Diyos na nagkatawang-tao bilang Anak ng tao.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng tao bilang Kanyang kahalili. Sapagka’t ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang ang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa gitna ng mga tao. Iyan ay upang sabihing, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at upang ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos."
Sa kasalukuyan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao, at Siya ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng milyun-milyong salita, inilantad ang misteryo ng anim-na-libong-taong planong pamamahala ng Diyos, inihayag ang katotohanan ng katiwalian ng tao ni Satanas, gayundin itinuro sa atin ang landas ng pagiging maligtas at pagpasok sa kaharian ng langit, at iba pa. Samakatuwid, kung nais nating makamit ang kaligtasan at pumasok sa kaharian sa langit, dapat nating tanggapin ang kaligtasan ng nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Kung bulag tayong naghihintay sa Panginoon na dumating kasama ng mga ulap, mawawalan tayo ng pagkakataong tanggapin ang Panginoon at matamo ang kaligtasan.
Kung nais mong matuto nang higit pa tungkol sa misteryo ng pagdating ng Anak ng tao, mangyaring mag-click upang mapanood ang palabas na Pelikula ng Ebanghelyo Mula sa "Ang Misteryo ng Kabanalan": Ang Misteryo ng Pagdating ng Anak ng Tao.
________________________________
Rekomendasyon:
- Ang Misteryo ng Pagdating ng Anak ng Tao sa Bibliya ay Inihayag
- The Mystery of the Coming of the Son of Man
Ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus ay isang paalaala sa atin sa mga huling araw. Inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging matalinong mga birhen upang matanggap ang muling pagbabalik ng Panginoon.
Write a comment