· 

Narinig na ng Matatalinong Birhen ang Tinig ng Diyos at Sinalubong ang Panginoon

 

“Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

 

“Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

 

“Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan: Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan” (Mateo 7:7-8).

 

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Dahil hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagkat kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pagpapahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.”

 

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

_________________________________________________

 

Sa Mateo 25, ang parabula ng matalinong mga dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus ay nagturo sa atin ng daan tungkol sa pagsalubong sa Panginoon, iyon ay, ang pagbibigay pansin sa pakikinig sa tinig ng Diyos. Tanging kung magsasagawa tayo sa ganitong paraan na masasalubong natin ang Panginoon.

Write a comment

Comments: 0