· 

Maglaan ng 3 Minuto upang Basahin ang Post na Ito upang Masalubong ang Pagbabalik ng Tagapagligtas

Kumusta, mga kaibigan! Kailangan mo lamang na maglaan ng 3 minuto upang basahin nang seryoso ang post na ito. Pagkatapos ay mahahanap mo ang paraan upang masalubong ang Panginoon.

 

Ang pandemya ay umusbong muli. Ikaw ba, na sabik na umaasang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon, natatakot na mabigo na masalubong ang Panginoon at mapasailalim sa mga sakuna? Kaya ano ang maaari mong gawin? Ang tanging paraan ay kapag naririnig mo ang ilang mga tao na nagpapatotoo sa online na ang Panginoon ay bumalik na, maaari mong aktibong hanapin at saliksikin ito upang marinig ang tinig ng Diyos. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin" (Juan 10:27). At iprinopesiya sa Biblia, "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20). Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, "Dahil hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagkat kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pagpapahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay." "Kung saan man nagpapakita ang Diyos, naroon ang pagpapahayag ng katotohanan, at naroroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga makakatanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos." Mula rito makikita natin na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, Siya ay bibigkas ng mga salita upang mahanap ang Kanyang mga tupa at nang Siya ay makilala ng Kaniyang tupa at bumalik sa harap Niya sa pamamagitan ng pakikinig sa Kanyang mga salita. Iyon ay, sa bagay na pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, ang pinakamahalagang bagay ay ang pagtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos. Tanging sa gayon lang natin makikilala ang Panginoon at masalubong Siya. Tulad ng marinig ni Job ang sinabi ng Diyos na Jehova sa kanya sa ipo-ipo, sinabi niya, "Narinig kita sa pakikinig ng pakinig; nguni't ngayo'y nakikita ka ng aking mata" (Job 42:5). Sinabi ni Job na nakita niya ang Diyos, kaya nakita ba talaga niya si Jehova ng kanyang mga mata? Ito ay nang marinig niya si Jehova na nakikipag-usap sa kanya sa ipo-ipo, nakumpirma niya na tinig iyon ng Diyos. Ramdam niya na parang nakita niya ang Diyos. Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa, ang mga tao, tulad nina Pedro, Nathanael, at babaeng Samaritana ay nakilala ang tinig ng Diyos mula sa salita ng Panginoong Jesus at kinumpirma na ang Panginoong Jesus ay ang ipinangakong Mesiyas, at kaya sumunod sa Kanya. Sa kabaligtaran, para sa mga yaong hindi nakatuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos, kahit na nakita nila ang Diyos at nakaharap sa Diyos, hindi nila makilala ang Diyos. Tingnan bilang halimbawa ang mga Hudyong Pariseo. Nakita nila ang Panginoong Jesus, ngunit hindi nila tinanggap na ang Mesiyas ay dumating na, ngunit nilabanan at kinondena ang Panginoong Jesus, ipinako Siya sa krus at sa huli ay pinarusahan ng Diyos. Samakatuwid, sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, ang susi ay ang makinig sa tinig ng Diyos.

 

Ngayon, tanging Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang nagpapatotoo sa online na ang Panginoon ay bumalik bilang ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw at nagpahayag Siya ng milyon-milyong mga salita. Kung nais nating matiyak kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, dapat nating basahin pa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos nating basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, kung magagawa nating makilala ang mga salitang ito ay ang katotohanan at tinig ng Diyos, puno ng awtoridad at kapangyarihan, kung gayon ay masasalubong natin ang Panginoon. Iyon ay, ang ating mga taong pag-aasam ay matutupad at maaari tayong makadalo sa piging kasama ang Panginoon.

 

________________________________

 

Ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus ay isang paalaala sa atin sa mga huling araw. Inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging matalinong mga birhen upang matanggap ang pagbabalik ni Jesus.

 

 

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

 

Write a comment

Comments: 0