huling paghuhukom | Ang Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw ang Gumagawa ng mga Mananagumpay Bago Sumapit ang Kalamidad
Ngayon ang Makapangyarihang Diyos ay umaasa pa rin sa pagbabalik ng lahat ng mananampalataya kay Jesus, at matiyagang naghihintay para sa yaong mga tapat na naniniwala sa Diyos upang magbalik-loob. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung ang mga tao ay mananatili sa Kapanahunan ng Biyaya, sa gayon sila kailanman ay hindi magiging malaya mula sa kanilang tiwaling disposisyon, lalong hindi ang makilala ang likas na disposisyon ng Diyos. Kung ang mga tao ay palaging namumuhay sa gitna ng kasaganaan ng biyaya subali’t wala ang daan ng buhay na nagpapahintulot sa kanila na kilalanin ang Diyos at bigyang-kasiyahan ang Diyos, sa gayon hindi nila kailanman tunay na matatamo Siya bagaman sila ay naniniwala sa Kanya. Anong kaawa-awang anyo ng paniniwala iyon. Kapag natapos mong basahin ang aklat na ito, kapag naranasan mo ang bawa’t hakbang ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Kaharian, mararamdaman mo na ang mga pag-asa ng maraming mga taon ay sa wakas naisakatuparan na. Mararamdaman mo na ngayon mo lamang tunay na nakita ang Diyos nang harap-harapan; ngayon mo lamang natitigan ang mukha ng Diyos, narinig ang personal na pagbigkas ng Diyos, pinahalagahan ang karunungan ng gawain ng Diyos at tunay na nadama kung gaano katotoo at kamakapangyarihan ang Diyos. Madarama mo na nakamtan mo ang maraming mga bagay na hindi nakita ni naangkin ng mga tao nang nakaraang mga panahon. Sa panahong ito, malinaw mong makikita kung ano ang maniwala sa Diyos, at kung ano ang sumunod sa puso ng Diyos. Mangyari pa, kung kakapitan mo ang mga pananaw ng nakaraan, at hindi tatanggapin o tatanggihan ang katunayan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, sa gayon ikaw ay mananatiling walang dala at walang nakamtan, at sa kahuli-hulihan ay magkakasala ng pagsalungat sa Diyos. Yaong mga sumusunod sa katotohanan at nagpapasailalim sa gawain ng Diyos ay darating sa ilalim ng pangalan ng ikalawang nagkatawang-taong Diyos—ang Makapangyarihan-sa-lahat. Makakatanggap sila ng personal na paggabay ng Diyos, at makakamit ang mas higit at mas mataas na katotohanan at matatanggap ang tunay na pantaong buhay. Makikita nila ang pangitain na hindi kailanman nakita ng mga tao nang nakaraan: “At ako’y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako’y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.” (Pahayag 1:12-16). Ang pangitaing ito ay ang pagpapahayag ng buong disposisyon ng Diyos, at ang ganoong pagpapahayag ng Kanyang buong disposisyon ay pagpapahayag din ng gawain ng Diyos nang Siya ay naging katawang-tao sa panahong ito. Sa mga dagsa ng mga pagpaparusa at mga paghuhukom, ang Anak ng Tao ay nagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita, nagpapahintulot sa lahat na tumatanggap ng Kanyang pagkastigo at paghatol na makita ang tunay na mukha ng Anak ng Tao, isang mukha na matapat na paglalarawan ng mukha ng Anak ng Tao na nakita ni Juan. (Mangyari pa, ang lahat ng ito ay hindi makikita niyaong mga hindi tumatanggap sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.) Ang tunay na mukha ng Diyos ay hindi maaaring ganap na mabigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao, at sa gayon ginagamit ng Diyos ang pagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon upang ipakita ang tunay Niyang mukha sa tao. Na ang ibig sabihin na ang lahat ng nakaranas sa likas na disposisyon ng Anak ng Tao ay nakakita sa tunay na mukha ng Anak ng Tao, pagka’t ang Diyos ay masyadong dakila at hindi maaaring ganap na mabigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao. Sa sandaling naranasan ng tao ang bawa’t hakbang sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, sa gayon malalaman niya ang tunay na kahulugan ng mga salita ni Juan nang nangusap siya tungkol sa Anak ng tao sa gitna ng mga kandelero: “At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.” Sa panahong iyon, malalaman mo nang walang halong pag-aalinlangan na itong karaniwang laman na nakabigkas ng napakaraming mga salita ay tunay na ang ikalawang nagkatawang-taong Diyos. At tunay mong madarama kung gaano ka pinagpala, at mararamdaman na ang sarili mo ang pinakamapalad. Hindi ka ba magiging handa na tanggapin ang biyayang ito?” (“Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Ngayon sa pangunahing kalupaan ng Tsina, karamihan sa mga relihiyosong tao na naniniwala kay Jesus ay nagbalik na sa Makapangyarihang Diyos, nakakamit ang ganap na kaligtasan sa Diyos sa mga huling araw. Nagpapatunay na, ang mga matalinong birhen at mga hangal na birhen ay ibinunyag sa loob ng relihiyosong komunidad. Ang lahat ng yaong mga matalinong birhen ay tinanggap ang pangalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus—ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sila ang mga mahahalagang tao na “ninakaw” pabalik sa tahanan ng Diyos kung saan kanilang nakuha ang kaligtasan at pagka-perpekto sa Diyos para maging mga mananagumpay na pinerpekto ng Diyos bago ang kalamidad. Napakagandang kapalaran nito! Ang mga taong tinatanggap ang gawain ng natatagong pagbabalik ng Diyos ay kabilang sa mga matatalinong birhen, dahil ang mga taong ito ay naniniwala sa Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng pagtuklas sa katotohanan at pagkumpirma nito ay ang tunay na daan sa pamamagitan ng pakikinig sa tinig ng Diyos. Iyon ang ipinahiwatig na kahulugan ng “matalino.” Iyong mga matatalinong birhen ay biglang “ninakaw” nang hindi nila ito nalalaman, na lumilikha ng kaguluhan sa kanilang lungsod, na sa realidad sila’y nadala ng Diyos. Ito’y totoo. Hinuhulaan ng Biblia na sa mga huling araw, babalik muli ang Diyos na “parang magnanakaw.” Ito ang hindi pa isinisiwalat na pangalawang pagbabalik ng Panginoon. Sa relihiyosong komunidad darating ang Panginoon upang “nakawin” ang siyang mahalaga, “ninanakaw” lang ang mga tao na siyang “mahahalagang metal at mamahaling mga bato.” Ipinapakita nito na ang lahat ng mga taong “ninakaw” ay maganda ang kalidad, kayang maunawaan at matanggap ang katotohanan. Sila ang mga taong kilala ang tinig ng Diyos at samakatuwid ay nakuha ng Diyos para matanggap ang pagpeperpekto ng Diyos. Kaya totoong-totoo rito na ang “pagnakaw” ay talagang pagtaas para makatagpo ang Panginoon! Sa panahon na hayagang magpapakita ang Diyos, ang mga sikretong ito ay ibubunyag. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan…” (Juan 16:13). Mas lalo pa nitong tinutukoy ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Umaasa ako na ang lahat ng mga relihiyosong tao na taos-pusong naniniwala sa Diyos ay magiging mga matatalinong birhen at pag-aaralan ang tunay na daan, tatanggapin ang tunay na daan, at babalik sa harapan ng tunay na Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Kung maghihintay ka hanggang sa hayagang magpakita ang Diyos bago Siya tanggapin, magsisisi ka na ikaw ay huling-huli na. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus kay Tomas, “sapagka’t ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma’y nagsisampalataya” (Juan 20:29).
…Si Jesus ay nagbabalik upang tuparin at kamtan ang lahat ng mga hula na Kanyang sinalita sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya, upang gamitin ang paghatol at pagkastigo upang iligtas ang mga tao at tulungan silang makalaya sa impluwensya ni Satanas, at tunay na manumbalik ang mga tao sa Diyos. Siya ay nagbabalik upang lutasin ang problema ng mga makasalanang kalikasan na gumugulo sa tao at dahilan ng patuloy na paulit-ulit na pagkakasala at pangungumpisal ng kanilang mga kasalanan, walang kakayahan na pigilan ang kanilang sarili o palayain ang sarili sa Kapanahunan ng Biyaya. Siya ay nagbabalik upang baguhin ang disposisyon ng mga tao, upang tunay na makilala ng mga tao ang Diyos at sumunod sa Diyos upang maging karapatdapat sa Diyos. Ito ay upang pagbukud-bukurin ang bawat tao ayon sa kanilang uri at upang wakasan ang kapanahunang ito ng kadiliman at kasamaan. Sa pamamaraang ito lamang maaaring dalhin ng Diyos ang mga banal sa Kanyang kaharian. Ito lamang ang totoong kahulugan ng paggawa ng Diyos sa Kanyang gawain ng kaligtasan. Kung hindi makakamtan ng gawain ng Diyos ang ganitong uri ng resulta sa huli, sa gayon, ang mga hula ng Diyos ay hindi tunay na magaganap at makakamit, at ang plano sa pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan ay hindi makukumpleto. Kaya, ang plano ng pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan ay ganap na hindi lamang magkakaroon ng dalawang yugto ng trabaho bago makumpleto. Kailangan itong magkaroon ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga tao sa mga huling araw, pagbubukud-bukurin ang bawat isa ayon sa kanilang uri. Tanging sa paraang ito lamang makukumpleto ang plano sa pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, at magkakaroon ang Diyos ng ganap na tagumpay sa Kanyang pakikidigma kay Satanas at maging tunay na niluwalhati.
mula sa “Paano Malalaman ang Gawain ng Paghatol at Pagkastigo ng Diyos sa mga Huling Araw” sa Koleksyon ng mga Sermon—Panustos para sa Buhay”
________________________________
Repleksyon sa Ebanghelyo: Ang kaharian ng langit ba ay nasa langit o nasa lupa? I-click ang "Repleksyon sa ebanghelyo bukas" upang mahanap ang sagot!
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.
Write a comment