· 

Magandang Balitang Natanggap sa Pagpupulong ng Pag-aaral ng Biblia (I)

 

Ni Chengshan, Estados Unidos

 

Sa kasalukuyan, maraming mga kapatid ang hindi sumusubok na makinig sa mga sermon nang nakababa ang kanilang mga depensa sa takot na maloko ng mga huwad na Kristo. Ngunit ang pagsasara ng ating mga pinto at ang manatiling ganito ay aantalahin lamang ang pag-unlad natin sa buhay, at maaari pang maging dahilan upang mawala sa’tin ang pagkakataon na salubungin ang Panginoon. Maaari pa Niya tayong iwan. Ang totoo, hangga’t nasa atin ang prinsipyo na makilala ang pagkakaiba ng mga huwad na Kristo, awtomatikong hindi nila tayo malilinlang. Matapos dumalo sa mga pagpupulong sa pag-aaral ng Biblia, hindi ko lamang basta naintindihan ang prinsipyo na makilala ang pagkakaiba ng mga huwad na Kristo, ngunit nakakuha rin ako ng magandang balita.

 

Noong Marso 2018, binisita namin ni Kapatid na Li ang isang kapatid na labis na nanghihina. Nang makarating kami sa tahanan ng kapatid, nagkataong nandoon ang pamangkin niyang babae. Matapos magpakilala, nalaman kong ang pamangkin niyang babae, si Kapatid na Chen, ay nananampalataya din sa Panginoon, kaya nagbahaginan kaming apat na magkakasama. Mula sa pag-uusap, naramdaman ko na nagbabahagi si Kapatid na Chen nang may pananaw at may liwanag sa kanyang mga salita. Kalaunan, iminungkahi ni Kapatid na Chen na dapat naming pag-aralan ang Biblia nang magkakasama. Masaya kaming sumang-ayon lahat. Pagkatapos ay nagbasa kami at nagbahaginan ng mga banal na kasulatan tungkol sa mga senyales ng mga huling araw nang magkakasama. Mula sa pagbabahagi ni Kapatid na Chen, naintindihan ko na nitong mga nakaraang araw ay kumakapit ang mga mananampalataya sa Panginoon sa materyal na mundo at nanlamig na ang kanilang pananampalataya at pag-ibig; ang mga pastor at matatanda ay nangangaral ng mga lumang kasabihan, nagpaplano laban sa isa’t isa, naiinggit sa isa’t isa at nagtatalo, at iba pa. Lahat ng ito ay ipinapakita ang antas ng pagkawasak sa mga iglesia, at mga senyales ng mga huling araw. Isa pa, ang katuparan ng propesiya ng apat na kulay-dugong buwan, at ang paglitaw ng iba’t-ibang uri ng mga sakuna, ay mga senyales na lumitaw na ang mga huling araw. Hindi ko kailanman naisip na ngayon na ang panahon ng mga huling araw, at malapit nang dumating ang Panginoon! Nasabik ako habang naiisip ang mga bagay na ito. Kahit na sa iglesia ay narinig ko ang mga pastor na ipaliwanag ang mga banal na kasulatang ito, hindi nila ito ipinaliwanag na kasing-linaw ng ginawa ng kapatid, at kailanman ay hindi ako nagkaroon ng tulad ng isang pakiramdam ng pangangailangan ng madaliang pagkilos. Kailanman ay hindi ko naisip na ang kasing bata ni Kapatid na Chen ay maaaring magbigay ng ganoon kasariwa at buhay na buhay na pagbabahagi. Nagpasiya akong makinig nang mabuti.

 

Sumunod, pinagsama-sama ni Kapatid na Chen ang ilang mga propesiya sa Biblia at nagbahagi tungkol sa paraan ng pagbabalik ng Panginoon, parating na muli ang Panginoon upang gawin ang gawain ng paghatol, at ang kahalagahan ng paghatol ng Diyos, at iba pa. Nakinig ako sa lahat ng ito nang may kagalakan at naintindihan na ang dahilan kung bakit patuloy tayong nagkakasala ay umiiral pa rin sa loob natin ang makasalanang kalikasan. Kaya naman, nagpropesiya ang Panginoon na sa mga huling araw ay gagawin niya ang huling bahagi ng gawain ng paghatol upang dalisayin nang husto ang masama nating disposisyon at iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan. Habang mas nakikinig ako sa pagbabahagi ng kapatid, mas lalo akong nakakaramdam ng kaliwanagan. Kahit na nakinig ako sa mga sermon sa iglesia sa loob ng maraming taon, kailanman ay wala pa akong narinig na ganito kalinaw na sermon. Kalaunan, nagpalabas si Kapaid na Chen ng maraming mga bidyo ng sayaw at awit, bidyo ng mga himno at pagbigkas ng mga salita ng Diyos, at mga iginuhit din na larawan. Nakagiginhawa silang panoorin dahil kailanman ay hindi pa ako nakapanood ng ganoong programa. Ang mga bidyo ng himno ay mas maganda kaysa sa mga napanood ko sa iglesia, lalo na ang mga bidyong Pagkakaugnay sa Diyos at Kasama Ka Hanggang Wakas, ang mga liriko ay gaya ng iniisip ko! Labis akong naantig habang pinapakinggan sila. Bago ko pa mamalayan, maggagabi na, at nagplano kaming pag-aralan ang Biblia sa ibang araw. Habang pauwi, ang kaligayahan sa aking puso at ang pag-asa sa susunod na pagpupulong ay naging dahilan upang humimig ako ng mga himno na nagpupuri sa Panginoon.

 

Pagkauwi, naisip ko ang pagbabahagi sa pagpupulong. Pakiramdam ko ay napakarami kong natamo at mas naintindihan din ang tungkol sa maraming banal na kasulatan na hindi ko naiintindihan noon. Bigla ay may naisip ako: Ang ipinangaral ba ni Kapatid na Chen ay ang paraan ng Kidlat ng Silanganan? Maraming beses nang ipinaalala sa amin ng mga pastor na nangangaral ang Kidlat ng Silanganan ng mga matatayog na sermon ngunit hindi kami dapat maniwala sa kanila. Nang mga panahong iyon, nag-alala ako, at isang matinding labanan ang naganap sa loob ng puso ko: Kung tama ang mga hinala ko, dapat pa rin ba akong pumunta sa pagpupulong sa susunod? Ngunit may liwanag sa mga pagbabahagi ni Kapatid na Chen, na hindi taglay ng mga pastor sa kanilang pangangaral; isa pa, ang ibinahagi niya ay base sa Biblia at nagbigay sa akin ng espirituwal na kaligayahan. Totoo ang lahat ng mga damdaming ito. Lahat nang ito ay malinaw na ipinakikitang ang kanyang pagbabahagi ay gawa ng Banal na Espiritu. Naisip ko, “Hindi ako dapat basta bulag na makinig na lamang sa mga pastor. Kung tunay ngang nagbalik ang Panginoong Jesus, ngunit hindi ako nakinig, mawawala sa akin ang oportunidad na salubungin ang Panginoon, at pagsisisihan ko iyon habambuhay hindi ba?” Kaya napagdesisyunan ko na dumalo sa susunod na pagpupulong.

 

Nang sumunod na pagpupulong, sinabi ko kay Kapatid na Chen ang tungkol sa mga pinangangambahan ko: “Ngayon sa iglesia, madalas na sinasabi sa amin ng mga pastor ang tungkol sa mga huwad na Kristo na nanlilinlang sa mga tao sa mga huling araw at na hindi kami dapat na makinig sa mga sermon nang nakababa ang aming mga depensa, kung hindi ay mabilis kaming malilinlang. Kaya, sa takot na malinlang, hindi namin sinusubukang makinig sa iba pang mga sermon.”

 

Sinabi ni Kapatid na Chen: “Sa Biblia, sinabi ng Diyos na Jehova: ‘At huwag manganglupaypay ang inyong puso, o mangatakot man kayo sa balita na maririnig sa lupain’ (Jeremias 51:4 6). Sinasabi rin ng Biblia: ‘Sapagka’t hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan’ (2 Timoteo 1:7). Mula sa mga kasulatang ito ay makikita natin na naglagay ng lakas at tapang ang Diyos sa mga puso natin. Kapag kasama natin ang Diyos, wala tayong dapat ikatakot, dahil makapangyarihan ang Diyos at lahat sa mundo ay nasa Kanyang mga kamay. Ang kahinaan at takot ay mula kay Satanas; kapag wala ang Diyos sa ating puso, tayo ay magiging mahina at matatakot. Gaya ni Haring Saul: Nang nasa puso niya ang Diyos, nanalo siya sa bawa’t labanan; ngunit nang magrebelde siya laban sa Diyos at iniwan ng Diyos, naging mahina siya sa kanyang puso nang kaharap ang higante, at hinayaan pa niya ang kanyang pagiging negatibo na maapektuhan ang kanyang hukbo. At nariyan si David, isa lamang namamastol na walang sandata sa kanyang kamay. Ngunit inilagay niya ang Diyos sa kanyang puso at naniwala na gaano man kabagsik ang kaaway ay nasa ilalim pa rin siya ng kapangyarihan ng Diyos. Kaya, nang hinaharap ang higante, hindi siya mahina. Galing kay Satanas ang kahinaan at takot. Kung tatanggi tayong makinig sa tunay na daan dahil nanghihina tayo o natatakot, hindi ba’t nahulog na tayo sa patibong ni Satanas? Alam nating lahat na maraming beses nabanggit sa Pahayag na: ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia’ (Pahayag 2:7). Ito ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu, at isa ring paalala ng Diyos na pagdating sa pagsasaliksik ng tunay na daan, dapat tayong makinig, umintindi, at humatol upang maintindihan natin ang Kanyang ninanais. Nakatala din sa Biblia na: ‘Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo’ (Roma 10:17). Mula sa banal na kasulatang ito ay makikita natin na ang pagdinig at pagsisiyasat ng daan ay ang mga pangunahin para sa ating paniniwala sa tunay na paraan. Kung sa simula ay hindi tayo nakinig sa ebanghelyo ng Panginoon, paano pa tayo makararating sa harap ng Panginoon? Pagkatapos lamang pakinggan at siyasatin ang paraan ng pangangaral ng iba sa atin natin maaaring hatulan kung ito ang tunay na paraan o hindi. Ang tupa ng Panginoon ay nakikinig sa tinig ng Panginoon. Kaya, matapos makinig lamang natin malalaman kung tinig ba iyon ng Panginoon o hindi at noon lamang tayo magkakaroon ng oportunidad na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Nasa likod natin ang Diyos, at Siya ang ating suporta. Kaya, mayroon ba tayong dapat na ikatakot? Makatwiran ang pagbabahagi ni Kapatid na Chen. Makapangyarihan ang Panginoon. Ang Panginoon ang aking suporta, anong dapat kong ikatakot? Nang mga oras na iyon, nag-umpisa akong kumalma.

 

Nagpatuloy si Kapatid na Chen na sabihing: “Tungkol naman sa mga huwad na Kristo na lumilitaw sa mga huling araw upang linlangin ang mga tao, tingnan natin kung anong sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo’ (Mateo 24:23-25). Nang sabihin ito ng Panginoon, ang intensiyon Niya ay pagdating sa paghihintay sa pagbabalik ng Panginoon, dapat tayong mag-ingat at mag-diskrimina. At malinaw na sinabi Niya sa atin ang mga katangian ng huwad na mga Kristo—nagpapakita ng magagandang senyales at mga kababalaghan—upang hindi tayo malinlang. Gayunman, ang intensiyon ng Panginoon ay hindi upang magkaroon tayo ng saloobin na hindi makinig sa mga nangangaral sa pagbabalik ng Panginoon o hindi hanapin ang pagpapakita ng mga huwad na Kristo sa mga huling araw. Sinasabi ng Panginoon na mabilis Siyang darating. Kung iiwasan at tatanggihan natin lahat ng mga nangangaral ng ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon dahil sa takot na malinlang ng mga huwad na Kristo, hindi ba’t tulad ito ng pagsasara ng ating mga pinto at pananatili sa tahanan o hindi pagkain dahil sa takot na mabulunan? Sa paggawa noon, paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon? Ang totoo, madali para sa atin na hindi malinlang ng mga huwad na Kristo. Hangga’t naiintindihan natin ang katotohanan ng pagkakaiba ng tunay na Kristo mula sa mga huwad na Kristo, natural na hindi tayo malilinlang ng mga huwad na Kristo ni mawawala ang oportunidad na salubungin ang pagdating ng Panginoon. Kaya, paano natin makikilala ang mga huwad na Kristo? Magbahaginan tayo tungkol sa aspetong ito ng katotohanan.”

 

Naisip kong ang bawa’t salitang sinabi ni Kapatid na Chen ay nasa katwiran. Mukhang tamang sabihin na kung walang pasubali tayong magsasanggalang laban sa kung sino mang nagsabing nagbalik na ang Panginoon sa takot na malinlang ng mga huwad na Kristo, hindi ba’t mawawala sa atin ang oportunidad na salubungin ang pagdating ng Panginoon? Kung magagawa nating makilala ang mga huwad na Kristo, hindi natin kailangang mag-alala na malinlang nila. Kaya nang marinig ang sinabi ni Kapatid na Chen na ibabahagi niya ang katotohanan ng pagkilala sa tunay na Kristo mula sa mga huwad na Kristo, mas maingat akong nakinig.

 

_________________________________________________

 

Inirekomendang pagbabasa: Paano ang Mas Mabisang Pag-aaral ng Bibliya

Write a comment

Comments: 0