· 

Nakagawa Na ang Diyos ng Isang Grupo ng Mananagumpay Bago Sumapit ang Matinding Pagdurusa

 

“At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya’y isang daan at apat na pu’t apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo. At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa: At sila’y nangagaawitan na wari’y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu’t apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa. Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero” (Pahayag 14:1–4).

 

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Yaong mga ginagawang ganap bago ang sakuna ay masunurin sa Diyos. Nabubuhay silang umaasa kay Cristo, sumasaksi kay Cristo, at dinadakila Siya. Sila ang matagumpay na mga batang lalaki at mabubuting mga kawal ni Cristo” (“Kabanata 13” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

 

“Sa kanila na tinutukoy ng Diyos na mga mananagumpay ay yaong nagagawa pang tumayong saksi, napapanatili ang kanilang pagtitiwala, at ang kanilang katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas at nasa ilalim ng pag-atake ni Satanas, iyon ay, kapag nasa loob ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring mapanatili ang isang puso ng kadalisayan at ang iyong tunay na pag-ibig para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay tumatayong saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang mananagumpay” (“Dapat Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

 

Paano Tayo Madadala Bago Sumapit ang Malaking Pagdurusa?

 

____________________________________

 

Nagbabagsakan na ang mga sakuna at ang klima ay hindi normal, na nagpapakita na ang mga palatandaan ng pagbabalik ni Cristo ay naglilitawan. Kaya, paano natin dapat salubungin ang Panginoon? Ang kasagutan ay nasa sumusunod na artikulo...

Inirerekomenda: Ang mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo ay Naglilitawan: Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon

Write a comment

Comments: 0