· 

Alam Mo Ba na ang mga Mabubuting Layunin ng Diyos ay Nakatago sa Likod ng mga Paghihirap at Pagsubok?

Abraham, Job

Kapag nahaharap tayo sa ilang mga pagsubok at paghihirap sa buhay, madalas na tinitingnan lamang natin ang mga bagay-bagay sa panlabas, ngunit hindi alam kung ano ang kalooban ng Diyos na nakatago sa likuran nila. Sa katunayan, kapag nangyayari ang paghihirap, nasa loob ng mga ito ang mabubuting hangarin ng Diyos. Kuning halimbawa si Abraham. Nang harapin niya ang pagsubok ng pag-aalay ng kanyang nag-iisang anak na lalaki bilang isang sakripisyo, kalooban ng Diyos na siya ay maging ama ng maraming mga bansa upang makumpleto ang Kanyang plano ng pamamahala. Nariyan din si Job, na nawalan ng kawan ng mga baka at tupa at kanyang mga anak, at natakpan din ang buong katawan ng malubhang pigsa. Ang kalooban ng Diyos sa likod nito ay upang iperpekto ang pananampalataya ni Job at sa parehong pagkakataon ay upang hayaan si Satanas na talikuran ang mga paratang laban kay Job at gawin siyang isang malayang tao. Makikita na ang mga paghihirap at pagpipino ay lahat pawang may mga hangarin ng Diyos sa likod ng mga ito. Gumagamit ang Diyos ng mga paghihirap at pagpipino upang mapigil ang ating kalooban at gawing perpekto ang ating pananampalataya sa Diyos, ang ating katapatan sa Diyos, at ang ating pag-ibig sa Diyos. Mas marami tayong nararanasan na mga pagpino, mas maaaring lumago ang ating buhay. Ito ay katulad lamang ng mga pananim-hindi makakapamunga ng butil ang mga ito kung ang tatanggapin lamang ng mga ito ay ang sikat ng araw ngunit hindi nagdurusa sa pagsubok ng ulan.

 

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa pamamagitan lamang ng pagdurusa natututunan ng mga tao ang mga aralin, nakakamit ang katotohanan, at nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Sa katunayan, maraming katotohanan ang nauunawaan sa pagdanas ng masasakit na pagsubok. Walang nakakaabot sa kalooban ng Diyos, nakakakilala sa pagka-makapangyarihan-sa-lahat at karunungan ng Diyos, o nagpapahalaga sa matuwid na disposiyon ng Diyos kapag nasa isang maginhawa at magaang kapaligiran o kapag ang mga kaganapan ay kaaya-aya. Iyan ay magiging imposible!"

 

mula sa "Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao"

 

Malinaw, ang Diyos lamang ang nakakaalam kung ano ang kulang sa ating buhay, kung ano ang kailangan natin, at kung anong uri ng kapaligiran ang mas kapaki-pakinabang sa ating buhay. Kaya, kapag nakatagpo tayo ng mga suliranin, pagkabigo, at karamdaman sa ating buhay, dapat nating matutunan na hanapin ang kalooban ng Diyos upang maunawaan ang mabubuting hangarin ng Diyos sa pagsaayos ng mga kapaligirang ito, at hindi dapat magreklamo o hindi maintindihan ang Diyos, ngunit dapat na tumayong saksi para sa Diyos. Sa gayon lamang natin matatanggap ang mga pagpapala ng Diyos. Ngayon, paano mo tinitingnan ang mga paghihirap na iyong kinakaharap? 

 

 Tagalog Christian Testimony Video | "Ang Pagsubok Kong Ito"

 

________________________________

 

Magrekomenda nang higit pa: Ang Kahulugan ng Pagdurusa at Kung Anong Uri ng Pagdurusa ang Kailangang Danasin ng mga Mananampalataya sa Diyos

 

 

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

 

Write a comment

Comments: 0