Bakit Ginagawa ng Diyos ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw?
Kapag ang mga tao ay nakakarinig na kapag ang Panginoon ay nagbalik sa mga huling araw ay magpapahayag Siya ng mas maraming mga salita at isasagawa ang gawain ng paghatol, magtatanong sila: "Hindi ba nangako ang Panginoon na Siya ay darating muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit? Dahil tinanggap na natin ang pagtubos sa kasalanan ng Panginoong Jesus at hindi na tayo makasalanan, bakit kailangan pa Niyang gawin ang gawain ng paghatol?" Sa totoo lang, kung pag-aralan natin nang mabuti ang Bibliya, makikita natin na may hindi bababa sa 200 mga pagkakataon na binabanggit na ang Diyos ay darating muli sa mga huling araw upang gawin ang gawain ng paghatol, tulad ng "At siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao" (Isaias 2: 4). "Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:48). " Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios" (1 Pedro 4:17). Maaaring makita na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay tiyak na darating sa mga huling araw upang gawin ang gawain ng paghatol. Kaya, bakit kailangan pa ng Diyos na gawin ang gawain ng paghatol? Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa mga huling araw, ngunit paano ba talaga Siya bababa? Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, at hindi pa nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, ang dating ikaw, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—napakasuwerte mo naman! Nalagpasan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangan ay ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalagpasan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos." "Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay."
mula sa "Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao"
Karagdagang informasiyon: https://tl.kingdomsalvation.org/Lord-s-redemption-and-God-s-judgment.html
_________________________________________________
Rekomendasyon: Ang Pagtubos ng Panginoon at Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw
Write a comment