Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sino ang mga Unang Makaka-alam sa Pagbabalik ng Panginoon sa mga Huling Araw?
Sa pagtingin sa katanungang ito, sa palagay mo ba na ang mga nakakaalam sa Bibliya sa puso, mga nagsasakripisyo, naglalaan ng kanilang sarili at nagtatrabaho para sa Panginoon, ay ang mga unang makakaalam ng pagbabalik ng Panginoon? Ang pananaw ba na ito ay naaayon sa kalooban ng panginoon? Balikan natin ang Kapanahunan ng Kautusan. Ang mga punong pari, eskriba, at Pariseo ng Hudaismo ay lahat alam ang Banal na Kasulatan sa puso, nakapag-lingkod sa Diyos sa templo ng maraming taon, at nakapaglakbay sa malalayong sulok ng mundo upang ipangaral ang paraan ng Diyos. gayunpaman, nang ang Panginoong Jesus ay nagsimulang gumawa, sila ba ang unang sumalubong sa Panginoon? Hindi, hindi sila. Hindi lamang sa hindi nila sinaliksik o siniyasat ang mga salita at gawain ng Panginoon, ngunit kanila din kinondena at kinalaban ang Panginoon at ipinako Siya sa krus, sa huli ay nahulog sa pagpaparusa ng Diyos.
Kaya sino ang unang sumalubong sa Panginoon? Ang babaeng Samaritan, si Natanael, at ang mga disipulo ng Panginoon tulad ni Pedro at Juan, mula sa Kanyang mga salita at gawa, natukoy na ang Panginoong Jesus ay ang Mesiyas na darating, kay sinundan nila ang Panginoon. Sila ang mga unang nakaalam na ang Mesiyas ay dumating na. Katulad rin, sa pagdating ng Panginoon sa mga huling araw, hinulaan ng Bibliya, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Pahayag 3:6). "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili" (Juan 16:12-13). Mula sa mga talatang ito, nasisiguro natin na ang Panginoon ay magpapahayag ng mga katotohanan kapag Siya ay bumalik. Tanging sa pagtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos, makilala ang Kanyang tinig at sundan siya, na maaari nating masalubong ang Panginoon at madala sa harapan ng luklukan ng Diyos.
Kung naririnig mo ang iba na nangangaral na ang Panginoon ay nakabalik na at nagpapahayag ng maraming katotohanan, paano natin haharapin ang ganitong bagay? Aktibo mo bang sasaliksikin at sisiyasatin ang daan na ito upang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon?
Kumakatok ang Panginoon sa Pinto: Nakikilala Mo ba ang Kanyang Tinig?
_________________________________________________
Ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus ay isang paalaala sa atin sa mga huling araw. Inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging matalinong mga birhen upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon.
Write a comment