Nasabi mo na dumating na ang Panginoong Jesus, pero hindi kami naniniwala. Maraming taon na kaming sumasampalataya sa Panginoon at lagi kaming walang-pagod sa paggawa para sa Kanya. Kapag dumating ang Panginoon dapat muna Niya itong ihayag sa atin. Dahil hindi pa ito naihayag ng Panginoon sa atin, ipinapakita lang niyan sa atin na hindi pa Siya nakabalik. Ano ang mali sa paniniwalang ito?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Sapagka’t ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma’y nagsisampalataya” (Juan 20:29).
“Mangagpuyat nga kayo: sapagka’t hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. … Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip” (Mateo 24:42–44).
“Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo” (Pahayag 3:3).
“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).
“Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).
“Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27).
“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Patuloy na sumusulong ang gawain ng Diyos, at bagaman ang layunin ng Kanyang gawain ay nananatiling di-nagbabago, palaging nagbabago ang paraan kung paano Siya gumagawa, at sa gayon pati na rin yaong mga sumusunod sa Diyos. Mas marami ang gawain ng Diyos, mas lubusang nakikilala ng tao ang Diyos, at ang disposisyon ng tao ay nagbabago kasabay ng Kanyang gawain. Gayon pa man, ito ay dahil sa ang gawain ng Diyos ay palaging nagbabago kaya yaong mga hindi nakakakilala sa gawain ng Banal na Espiritu at yaong mga taong katawa-tawa na hindi nakakaalam sa katotohanan ay nagiging kalaban ng Diyos. Hindi kailanman umaayon ang gawain ng Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, dahil laging bago ang Kanyang gawain at hindi kailanman luma. Hindi Niya kailanman inuulit ang lumang gawain bagkus ay sumusulong sa gawaing hindi pa nagawa kailanman. Dahil hindi nag-uulit ng Kanyang gawain ang Diyos at karaniwang nanghuhusga ang tao sa gawain ng Diyos ngayon batay sa Kanyang gawain sa nakaraan, lubhang mahirap para sa Diyos na isakatuparan ang bawat isang yugto ng gawain ng bagong kapanahunan. Napakaraming balakid ang tao! Masyadong makitid ang pag-iisip ng tao! Walang taong nakakaalam sa gawain ng Diyos, gayunman nagpapakahulugan silang lahat sa ganoong gawain. Malayo sa Diyos, nawawalan ang tao ng buhay, katotohanan, at mga biyaya ng Diyos, gayon man ni hindi rin tanggap ng tao ang buhay o katotohanan, mas lalo na ang mas malaking mga biyaya na ipinagkakaloob ng Diyos sa sangkatauhan. Ninanais ng lahat ng tao na makamit ang Diyos nguni’t hindi kayang pagtiisan ang anumang pagbabago sa gawain ng Diyos. Yaong mga hindi tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos ay naniniwala na ang gawain ng Diyos ay hindi nagbabago, at na magpakailanmang nananatiling nakapirmi ang gawain ng Diyos. Sa kanilang paniniwala, ang tangi lamang kailangan upang makamit ang walang-hanggang kaligtasan mula sa Diyos ay ang pagsunod sa kautusan, at hangga’t nagsisisi at nangungumpisal sila ng kanilang mga kasalanan, mabibigyang-kasiyahan magpakailanman ang kalooban ng Diyos. Ang akala nila ang Diyos ay nagiging Diyos lamang sa ilalim ng kautusan at ang Diyos na ipinako sa krus para sa tao; akala rin nila na ang Diyos ay hindi dapat at hindi nakakahigit sa Biblia. Ang mga pag-aakalang ito talaga ang mahigpit na nagtatanikala sa kanila sa lumang kautusan at pinanatili silang nakakadena sa mahigpit na mga tuntunin. Marami pa nga ang naniniwala na anupaman ang bagong gawain ng Diyos, kailangan itong mapatunayan ng mga hula, at sa bawat yugto ng gayong gawain, ang lahat ng sumusunod sa Kanya nang may tapat na puso ay dapat mapakitaan ng mga pahayag, kung hindi ang gawaing iyon ay hindi magiging sa Diyos. Hindi na madaling gawain para sa tao na makilala ang Diyos. Karagdagan pa sa katawa-tawang puso ng tao at sa kanyang mapanghimagsik na kalikasan ng pagpapahalaga-sa-sarili at kapalaluan-sa-sarili, sa gayon lalong higit na mahirap para sa tao na tanggapin ang bagong gawain ng Diyos. Hindi pinag-aaralan ng tao ang bagong gawain ng Diyos nang maingat ni tinatanggap ito nang may pagpapakumbaba; sa halip, ang tao ay nang-aalipusta, naghihintay para sa mga pagbubunyag at paggabay ng Diyos. Hindi ba ito ang asal ng tao na naghihimagsik at sumasalungat sa Diyos? Paano makakamit ng ganoong mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos?
—mula sa “Paano Makatatanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Limitado ang Pagkaintindi tungkol sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinakadakilang aklat ng propesiya ni Isaias sa Lumang Tipan ay hindi kailanman nagbanggit na isang batang nagngangalang Jesus ang isisilang sa kapanahunan ng Bagong Tipan, sinabi lamang na mayroong isang lalaking sanggol na maipapanganak na may pangalang Emmanuel. Bakit hindi niya tinukoy ang pangalang Jesus? Wala saanman sa Lumang Tipan na makikita ang pangalang ito, nguni’t bakit naniniwala ka pa rin kay Jesus? Tiyak na hindi mo nakita si Jesus ng sarili mong mga mata bago ka naniwala sa Kanya? O nagsimula ka bang maniwala nang makatanggap ng isang paghahayag? Tunay bang ipapakita ng Diyos sa’yo ang ganoong biyaya? At ipinagkakaloob sa’yo ang ganyan kalaking pagpapala? Ano ang iyong naging batayan upang paniwalaan si Jesus? Bakit naman hindi ka naniniwala na nagkakatawang-tao ang Diyos sa araw na ito? Bakit mo sinasabi na ang kawalan ng pahayag sa’yo mula sa Diyos ay nagpapatunay na hindi Siya nagiging katawang-tao? Dapat bang sabihin ng Diyos sa tao bago simulan ang Kanyang gawain? Dapat ba muna Niyang matanggap ang pagsang-ayon ng tao? Ipinahayag lamang ni Isaias na isisilang ang isang lalaking sanggol sa sabsaban nguni’t hindi kailanman hinulaan na si Maria ang magluluwal kay Jesus. Bakit ka kung gayon naniniwala kay Jesus na ipinanganak ni Maria? Tiyak na ang iyong paniniwala ay hindi isa ng pag-aalinlangan at pagkalito! …
Ang Judio noong panahong iyon ay nagbabasa lahat mula sa Lumang Tipan at alam ang hula ni Isaias na may isang lalaking sanggol na ipapanganak sa sabsaban. Bakit kung gayon, taglay ang kaalamang ito, inusig pa rin nila si Jesus? Hindi ba ito dahil sa kanilang kalikasang mapanghimagsik at kamangmangan sa gawa ng Banal na Espiritu? Sa panahong iyon, ang mga Fariseo ay naniwala na ang gawa ni Jesus ay hindi katulad ng kanilang alam tungkol sa inihulang lalaking sanggol; tinatanggihan ng tao ngayon ang Diyos dahil sa ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos ay hindi tumutugma sa Biblia. Hindi ba ang sangkap ng kanilang pagiging-mapanghimagsik laban sa Diyos ay iisa at pareho? Kaya mo bang maging gayon na tumatanggap nang walang tanung-tanong sa lahat ng gawain ng Banal na Espiritu? Kung ito ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ito ang ang tamang daloy. Dapat mong tanggapin ito nang wala kahit katiting na agam-agam, kaysa sa pagpulot at pagpili ng kung ano ang tatanggapin. Kung nakakamit mo ang kaunting kaalaman mula sa Diyos at may kaunting pag-iingat laban sa Kanya, hindi ba ito isang pagkilos na hindi talaga dapat? Ang kinakailangan mong gawin ay tanggapin, nang hindi kailangan ang higit pang patunay mula sa Biblia, ang anumang gawain hangga’t ito’y doon sa Banal na Espiritu, dahil naniniwala ka sa Diyos upang sundan ang Diyos, hindi upang siyasatin Siya. Hindi ka dapat maghanap ng karagdagang patunay para sa Akin upang ipakita na Ako ang iyong Diyos. Sa halip, kinakailangan mong talusin kung Ako ay kapaki-pakinabang sa’yo; iyan ang susi.
—mula sa “Paano Makatatanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Limitado ang Pagkaintindi tungkol sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Yamang naniniwala ang tao sa Diyos, dapat niyang sundang mabuti ang mga yapak ng Diyos, isa-isang hakbang; dapat siyang “sumunod sa Kordero saan man Siya pumaroon.” Ang mga ito lamang ang mga taong naghahanap ng totoong daan, sila lamang yaong mga nakakaalam sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga taong labis na sumusunod sa mga titik at mga doktrina ay yaong mga naalis na ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa bawat sakop ng panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula sa gitna ng tao. Kung ang tao ay sumusunod lamang sa mga katotohanan na “si Jehova ang Diyos” at “si Jesus ang Cristo,” na mga katotohanan na nailalapat lamang sa iisang kapanahunan, sa gayon ang tao ay hindi kailanman makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at magpakailanmang walang kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang wala ni katiting na pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang mabuti. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga’t ang tao ay nakatitiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang tugunan ang mga kinakailangan ng Diyos, kung gayon, paano siya maparurusahan? Hindi nahinto kailanman ang gawain ng Diyos, hindi kailanman natigil ang Kanyang mga yapak, at bago pa man matapos ang Kanyang gawain ng pamamahala, Siya ay palaging maraming ginagawa, at hindi kailanman tumitigil. Nguni’t iba ang tao: Dahil nagkamit lamang ng maliit na gawain ng Banal na Espiritu, itinuturing niya ito na parang hindi kailanman magbabago; dahil nagkamit lamang ng maliit na kaalaman, hindi na siya nagpapatuloy sa pagsunod sa mga yapak ng mas bagong gawain ng Diyos; dahil nakakita lamang ng maliit na bahagi ng gawain ng Diyos, agad na niyang itinuturing na kahoy na imahen ang Diyos, at naniniwala na palaging mananatili ang Diyos sa ganoong anyo na nakikita sa harap niya, na ganito rin sa nakalipas at laging magiging ganoon sa hinaharap; dahil nagkamit lamang ng mababaw na kaalaman, napakayabang ng tao kaya’t nakakalimutan niya ang kanyang sarili at nagsisimulang walang pakundangang ipahayag ang disposisyon at kung ano ang Diyos na hindi talaga umiiral; at yamang natitiyak ang tungkol sa isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, kahit anong uri ng tao ang nagpapahayag ng bagong gawain ng Diyos, hindi ito tinatanggap ng tao. Ang mga ito ay mga taong hindi matatanggap ang bagong gawain ng Banal na Espiritu; masyado silang makaluma, at hindi kayang tumanggap ng mga bagong bagay. Ang gayong mga tao ay naniniwala sa Diyos nguni’t tinatanggihan din ang Diyos. Naniniwala ang tao na mali ang mga Israelita na “maniwala lamang kay Jehova at hindi kay Jesus,” nguni’t karamihan ng mga tao ay gumaganap ng papel kung saan sila ay “naniniwala lamang kay Jehova at tinatanggihan si Jesus” at “nananabik para sa pagbabalik ng Tagapagligtas, nguni’t tinututulan ang Tagapagligtas na tinatawag na Jesus.” Hindi na nakapagtataka, kung gayon, na ang mga tao ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas matapos tanggapin ang isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, at hindi pa rin tinatanggap ang mga pagpapala ng Diyos. Hindi ba’t ito ang bunga ng pagka-mapanghimagsik ng tao? Ang mga Kristiyano sa buong mundo na hindi nakakasabay sa bagong gawain ng ngayon ay kumakapit lahat sa paniniwala na sila ang mga mapapalad, na tutuparin ng Diyos ang bawat isa sa kanilang mga kahilingan. Subali’t hindi nila masasabi nang tiyak kung bakit isasama sila ng Diyos sa ikatlong langit, o kung nakatitiyak ba sila kung paano sila kukunin ni Jesus na nakasakay sa puting ulap, lalong hindi nila masasabi nang may lubos na katiyakan kung si Jesus ay totoong darating sakay ng puting ulap sa araw na kanilang naguguni-guni. Lahat sila ay nababahala, at nalilito; hindi rin nila alam sa sarili nila mismo kung bawat isa sa kanila ay kukunin ng Diyos, ang maliliit na bilang ng tao mula sa iba’t ibang denominasyon. Ang gawaing ginagawa ng Diyos ngayon, ang kasalukuyang kapanahunan, ang kalooban ng Diyos—wala silang pagkaunawa sa anuman sa mga ito, at walang magagawa kundi ang magbilang ng mga araw sa kanilang mga daliri. Tanging ang mga sumusunod lamang sa mga yapak ng Cordero hanggang sa katapus-tapusan ang magkakamit ng pangwakas na pagpapala, samantalang ang mga “tusong tao,” na hindi nakakasunod hanggang sa katapus-katapusan nguni’t naniniwala na nakamtan na nila ang lahat, ay walang kakayahang masaksihan ang pagpapakita ng Diyos. Lahat sila ay naniniwala na sila ang pinakamatalinong tao sa lupa, at pinuputol nila ang patuloy na pag-unlad ng gawain ng Diyos na wala naman talagang dahilan, at sila ay tila naniniwala nang may lubos na katiyakan na isasama sila ng Diyos sa langit, silang “mayroong lubos na katapatan sa Diyos, sumusunod sa Diyos, at tumatalima sa mga salita ng Diyos.” Kahit na sila ay mayroong “lubos na katapatan” sa mga salitang sinabi ng Diyos, ang kanilang mga salita at kilos ay nakakadiri pa rin dahil kanilang tinututulan ang gawain ng Banal na Espiritu, at gumagawa ng panlilinlang at masama. Yaong mga hindi sumusunod hanggang sa katapus-katapusan, na hindi sumasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at kumakapit lamang sa mga lumang gawain ay hindi lamang nabigo sa pagkamit ng katapatan sa Diyos, nguni’t sa kabaligtaran, naging yaong mga sumasalungat sa Diyos, naging yaong mga tinatanggihan ng bagong kapanahunan, at siyang mapaparusahan. Mayroon pa bang mas nakakaawa kaysa kanila?
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap ng mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” At kaya, ang maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, hindi sila naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo pang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao, lalo pang hindi maaaring magpakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang sariling mga pagpili at Kanyang sariling mga plano kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Anupaman ang gawaing ginagawa Niya, hindi Niya kailangang talakayin ito sa tao o hingin ang kanyang payo, lalo na ang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, na dapat, higit pa rito, kilalanin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga pagkaintindi. Hindi dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyon, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga pagkaintindi. Sa halip, dapat ninyong itanong kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos; ito ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at sumunod.
—mula sa “Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Narinig na ba ninyo ngayon ang salita ng Banal na Espiritu? Ang mga salita ng Diyos ay dumarating sa inyo. Naririnig ba ninyo ang mga ito? Ginagawa ng Diyos ang gawain ng salita sa mga huling araw, at ang mga nasabing salita ay yaong sa Banal na Espiritu, dahil ang Diyos ay ang Banal na Espiritu at maaaring maging katawang-tao rin; samakatwid, ang mga salita ng Banal na Espiritu, na binigkas sa nakalipas, ay ang mga salita ng nagkatawang-taong Diyos ngayon. Maraming mga taong katawa-tawa na naniniwala na ang mga salita ng Banal na Espiritu ay dapat bumaba mula sa mga kalangitan patungo sa mga tainga ng tao. Sinuman ang nag-iisip ng ganito ay hindi kilala ang gawain ng Diyos. Sa katotohanan, ang mga pagbigkas na sinalita ng Banal na Espiritu ay yaong mga sinalita ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi direktang nakakapagsalita ang Banal na Espiritu sa tao, at si Jehova ay hindi direktang nagsalita sa mga tao, kahit na sa Kapanahunan ng Kautusan. Hindi ba mukhang malamang na hindi Niya gagawin ang gayon sa kapanahunan ngayon? Para magwika ang Diyos ng mga pagbigkas upang isakatuparan ang gawain, dapat Siyang magkatawang-tao, kung hindi ay hindi matutupad ng Kanyang gawain ang Kanyang mithiin. Yaong mga nagkakaila sa Diyos na nagkatawang-tao ay yaong mga hindi nakakakilala sa Espiritu o sa mga panuntunan kung paano gumagawa ang Diyos. Yaong mga naniniwala na ngayon ang kapanahunan ng Banal na Espiritu nguni’t hindi tinatanggap ang Kanyang bagong gawain ay yaong mga namumuhay sa hindi-malinaw na pananampalataya. Ang gayong mga uri ng tao ay hindi kailanman tatanggap ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga nagnanais lamang para sa Banal na Espiritu na direktang magsalita at magsakatuparan ng Kanyang gawain, nguni’t hindi tumatanggap sa mga salita o gawain ng nagkatawang-taong Diyos, ay hindi kailanman makakatapak sa bagong kapanahunan o makakatanggap ng ganap na kaligtasan mula sa Diyos!
—mula sa “Paano Makatatanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Limitado ang Pagkaintindi tungkol sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
________________________________
Nagbabagsakan na ang mga sakuna at ang klima ay hindi normal, na nagpapakita na ang mga palatandaan ng pagbabalik ni Cristo ay naglilitawan. Kaya, paano natin dapat salubungin ang Panginoon? Ang kasagutan ay nasa sumusunod na artikulo...
Inirerekomenda:
- Ang mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo ay Naglilitawan: Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon
- Sinabi ng Panginoong Jesus na paparito Siyang muli, kaya pagbalik Niya sa mga huling araw, sa anong paraan Siya magpapakita sa mga tao?
Write a comment