Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa loob ng ilang libong taon, pinanabikan na ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas.
Pinanabikan na ng tao na mamasdan si Jesus na Tagapagligtas sakay ng isang puting ulap habang Siya ay bumababa, nang personal, sa gitna ng mga nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libu-libong
taon. Hinangad na rin ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muli nilang makasama; ibig sabihin, inasam nilang bumalik si Jesus na Tagapagligtas, na nahiwalay sa mga tao sa loob ng libu-libong
taon, at muling isakatuparan ang gawain ng pagtubos na Kanyang ginawa sa mga Judio, maging mahabagin at mapagmahal sa tao, patawarin ang mga kasalanan ng tao at pasanin ang mga kasalanan ng tao,
at pasanin maging ang lahat ng paglabag ng tao at palayain ang tao mula sa kasalanan. Ang pinananabikan ng tao ay ang maging katulad ng dati si Jesus—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, mabait,
at kapita-pitagan, na hindi kailanman napopoot sa tao, at hindi kailanman sinasaway ang tao, kundi pinatatawad at pinapasan ang lahat ng kasalanan ng tao, at mamamatay pa sa krus, tulad ng dati,
para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulong sumunod sa Kanya, gayundin ang lahat ng banal na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nananabik sa Kanya at naghihintay
sa Kanya. Lahat ng naligtas sa pamamagitan ng biyaya ni Jesucristo sa Kapanahunan ng Biyaya ay matagal nang nananabik sa masayang araw na yaon sa mga huling araw kung kailan si Jesus na
Tagapagligtas ay bababa sakay ng isang puting ulap upang humarap sa lahat ng tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang inaasam ng lahat ng tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas
ngayon. Lahat sa buong sansinukob na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay matagal nang desperadong nananabik na biglang dumating si Jesucristo upang tuparin ang sinabi ni Jesus
habang nasa lupa: “Babalik Ako tulad ng Aking paglisan."
Ang mga salitang ito ba ng Makapangyarihang Diyos ay
nangungusap tungkol sa mga bagay na malalim sa iyong puso? Sa mga taon ng paniniwala mo sa Panginoon, hindi mo ba pinananabikan ang pagbabalik ng Panginoon ng ganyan?
Saka alam mo ba? Ang Panginoon ay bumaba ng palihim sa gitna natin sa pamamagitan ng pagiging katawang-tao bilang Anak ng tao, at Siya ang Makapangyarihang
Diyos. Ang pagdating ng Diyos sa ganitong paraan ay tumutupad sa propesiya ng pagbabalik ng Panginoon: "Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng
tao sa oras na hindi ninyo iniisip" (Mateo 24:44). Ngayon ay maaaring nagtataka ka: "Hindi ba darating ang Panginoon kasama ng mga ulap? Paano Siya
magbabalik sa katawang-tao? Paano eksaktong babalik ang Panginoon?" I-click upang mapanood ang video na ito, at mahahanap mo ang mga sagot at magkakaroon ng pagkakataong masalubong ang
Panginoon sa gitna ng mga sakuna."
Write a comment