· 

Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos | Sipi 216

 

Nagsimula ang gawain ng pamamahala ng Diyos sa paglikha ng daigdig, at ang tao ay ang ubod ng gawaing ito. Ang paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay, maaaring sabihin, ay para sa kapakanan ng tao. Dahil ang gawain ng Kanyang pamamahala ay umaabot sa libu-libong mga taon, at hindi ipinatupad sa loob lamang ng ilang minuto o segundo, o kahit sa isang kisap-mata, o higit sa isa o dalawang taon, kailangan Niyang likhain ang marami pang mga bagay na kailangan para sa pananatiling-buháy ng tao, tulad ng araw, buwan, lahat ng uri ng mga nilalang na nabubuhay, at pagkain at isang buháy na kapaligiran para sa sangkatauhan. Ito ang pinagsimulan ng pamamahala ng Diyos.

 

Matapos iyan, ipinasa ng Diyos ang sangkatauhan kay Satanas, ang tao ay namuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at ito ay unti-unting humantong sa gawain ng Diyos sa unang kapanahunan: ang kuwento ng Kapanahunan ng Kautusan…. Sa panahon ng ilang libong taon ng Kapanahuan ng Kautusan, ang sangkatauhan ay nasanay sa patnubay ng Kapanahunan ng Kautusan, at sila ay nagsimulang magwalang-bahala, at dahan-dahang lumisan sa pangangalaga ng Diyos. At sa gayon, kasabay ng pamamalagi sa kautusan, sumamba rin sila sa mga diyus-diyosan at gumawa ng masasamang gawain. Sila ay walang pag-iingat ni Jehova, at isinasabuhay lamang ang kanilang mga buhay sa harap ng dambana ng templo. Sa katunayan, matagal na silang iniwan ng gawain ng Diyos, at kahit na nanatili ang mga Israelita sa batas, at binibigkas ang pangalan ni Jehova, at buong pagmamalaking naniwala na sila lamang ang mga tao ni Jehova at ang mga hinirang ni Jehova, ang kaluwalhatian ng Diyos ay tahimik silang tinalikuran….

 

Kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, palagi Niyang tahimik na nililisan ang isang lugar habang marahang isinasakatuparan ang bagong gawaing Kanyang sinisimulan sa ibang dako. Ito ay tila hindi kapani-paniwala sa mga tao, na naging manhid. Laging napapahalagahan ng mga tao ang luma at isinasaalang-alang ang bago, hindi-kilalang mga bagay na may poot, o nakikita ang mga ito bilang panggulo. At kaya, kahit anong bagong gawain ang gawin ng Diyos, mula sa simula hanggang sa mismong katapusan, ang tao ang huling nakakaalam nito kaysa lahat ng mga bagay.

 

Gaya ng palaging nangyayari, matapos ang gawain ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, sinimulan ng Diyos ang Kanyang bagong gawain ng ikalawang yugto: ipinagpapalagay ang laman, na nagkatawang tao sa sampu, dalawampung taon, at sinasalita at ginagawa ang Kanyang gawain sa gitna ng mga mananámpalátáyá. Gayunman nang walang pagbubukod, walang nakaalam, at tanging maliit na bilang ng mga tao ang kumilala na Siya ay Diyos na nagkatawang-tao matapos na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus at muling nabuhay. … Sa sandaling ang pangalawang yugto ng gawain ng Diyos ay natapos—matapos ang pagkapako sa krus—ang gawain ng Diyos ng pagbawi sa tao mula sa kasalanan (na ang ibig sabihin, pagbawi ng tao mula sa mga kamay ni Satanas) ay natupad. At skaya, mula sa sandaling iyon, kailangan lamang tanggapin ng sangkatauhan ang Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas para ang kanyang mga kasalanan ay mapatawad. Sa pagbigkas lamang, ang mga kasalanan ng tao ay hindi na hadlang sa kanyang pagkamit ng kaligtasan at paglapit sa harap ng Diyos at hindi na batayan ng pag-usig ni Satanas sa tao. Iyon ay dahil ang Diyos Mismo ay nagsagawa ng tunay na gawain, naging ang wangis at patikim ng makasalanang laman, at ang Diyos Mismo ang naging alay para sa kasalanan. Sa ganitong paraan, ang tao ay bumaba mula sa krus, na tinutubos at inililigtas dahil sa katawang-tao ng Diyos, ang wangis nitong makasalanang laman. At kaya, matapos na mabihag ni Satanas, ang tao ay nakarating ng isang hakbang papalapit sa pagtanggap ng kaligtasan sa harap ng Diyos. Mangyari pa, ang yugtong ito ng gawain ay ang pamamahala ng Diyos na isang hakbang mula sa Kapanahunan ng Kautusan. at isang mas malalim na antas kaysa Kapanahunan ng Kautusan.

 

Ganyan ang pamamahala ng Diyos: upang ipasa ang sangkatauhan kay Satanas—isang sangkatauhan na hindi kilala kung ano ang Diyos, kung ano ang Lumikha, kung paano sambahin ang Diyos, at kung bakit kinakailangang magpasakop sa Diyos—at bigyang-kalayaan ang kasamaan ni Satanas. Pagkatapos, paisa-isang hakbang na binabawi ng Diyos ang tao mula sa mga kamay ni Satanas, hanggang ang tao ay ganap na sumasamba sa Diyos at tinatanggihan si Satanas. Ito ang pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng ito ay parang kathang-isip na kwento; at tila ito'y nakakalito. Nararamdaman ng mga tao na ito ay tila isang kathang-isip na kuwento, at iyon ay dahil wala silang pahiwatig kung gaano katindi ang nangyari sa tao sa nakalipas na ilang libong taon, mas lalo nang hindi nila alam kung ilang kuwento ang nangyari sa kalawakan ng sansinukob na ito. At karagdagan dito, iyon ay dahil hindi nila mapahalagahan ang mas kahanga-hanga, mas nakapagsasanhi-ng-takot na mundong umiiral sa kabila ng materyal na mundo, ngunit kung saan pinipigilan sila ng kanilang mortal na mga mata na makakita. Pakiramdam dito ay hindi mauunawaan ng tao, at iyon ay dahil ang tao ay walang pagkaunawa sa kabuluhan ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan at kabuluhan ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at hindi nauunawaan kung ano ang lubos na ninanais na Diyos na magyari sa tao. Ito ba ay isang sangkatauhang katulad kina Adan at Eba, na di magawang pasamain ni Satanas? Hindi! Ang pamamahala ng Diyos ay upang makamtan ang isang pangkat ng mga tao na sumasamba sa Diyos at nagpapasakop sa Kanya. Ang sangkatauhang ito ay ginawang masama ni Satanas, ngunit hindi na nakikita si Satanas bilang kanyang ama; nakikilala niya ang pangit na mukha ni Satanas, at tinatanggihan ito, at lumalapit sa harap ng Diyos upang tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Alam niya kung ano ang pangit, at kung gaano ito kasalungat ng kung ano ang banal, at kinikilala niya ang kadakilaan ng Diyos at ang kasamaan ni Satanas. Ang sangkatauhang tulad nito ay hindi na maglilingkod kay Satanas, o sasamba kay Satanas, o idadambana si Satanas. Iyon ay dahil sila ay isang pangkat ng mga tao na tunay na nakamit ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan. Sa panahon ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sandaling ito, ang sangkatauhan ang pinag-uukulan ng kasamaan ni Satanas, at kasabay nito ay ang pinag-uukulan ng pagliligtas ng Diyos, gayundin ang bunga na pinaglalabanan ng Diyos at ni Satanas. Kasabay ng pagsasagawa ng Kanyang gawain, unti-unting binabawi ng Diyos ang tao mula sa mga kamay ni Satanas, kaya’t ang tao ay lalo pang napapalapit sa Diyos….

 

At pagkatapos ay dumating ang Kapanahunan ng Kaharian, na siyang mas praktikal na yugto ng gawain at gayunman ay siya ring pinakamahirap para sa tao na tanggapin. Iyon ay dahil habang mas napapalapít ang tao sa Diyos, mas napapalapit ang tungkod ng Diyos sa tao, at mas malinaw na nakikita ang mukha ng Diyos sa harap ng tao. Kasunod ng pagtubos sa sangkatauhan, ang tao ay opisyal na bumabalik sa pamilya ng Diyos. Akala ng tao ay ngayon ang oras para sa kasiyahan, ngunit siya ay isinasailalim sa isang harap-harapang paglusob ng Diyos na ang mga katulad ay hindi pa nakita ng sinuman. Ang kinalalabasan nito, ito ay isang bautismo na dapat “ikasiya” ng mga tao ng Diyos. Sa ilalim ng nasabing pagtrato, ang mga tao ay walang pagpipilian kung hindi huminto at isipin ang kanilang mga sarili, Ako ang tupa, na nawala nang maraming taon, na pinaggugulan ng Diyos nang labis upang maibalik, ngunit bakit ganito ako ituring ng Diyos? Ito ba ang paraan ng Diyos ng pagtawa sa akin, at pagbubunyag sa akin? … Pagkaraan ng ilang taon, ang tao ay nabugbog ng panahon, naranasan ang paghihirap ng pagpipino at pagkastigo. Kahit naiwala ng tao ang “kaluwalhatian” at “pag-iibigan” ng mga panahong nakalipas, hindi-namamalayang nakarating siya sa pagkaunawa sa katotohanan ng pagiging isang tao, at nagkaroon ng pagpapahalaga sa ilang taóng panata ng Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan. Ang tao ay marahang nagsimulang masuklam sa kanyang sariling kagaspangan. Sinimulan niyang kamuhian ang kanyang kabangisan, at lahat ng mga hindi-pagkaunawa sa Diyos, at ang mga wala-sa-katwirang kahilingan na ginawa niya sa Kanya. Hindi maibabalik ang panahon; ang mga nakaraang kaganapan ay nagiging malungkot na mga alaala ng tao, at ang mga salita at pag-ibig ng Diyos ay nagiging puwersang magdadala sa bagong buhay ng tao. Ang mga sugat ng tao ay naghihilom araw-araw, ang kanyang kalakasan ay nanunumbalik, at siya ay tumatayo at tumitingin sa mukha ng Makapangyarihan sa lahat … upang matuklasan lamang na Siya ay palaging nasa aking tabi, at ang Kanyang ngiti at ang Kanyang magandang mukha ay lubhang nakapupukaw pa rin. Ang Kanyang puso ay nagtataglay pa rin ng malasakit para sa sangkatauhan na Kanyang nilikha, at ang Kanyang mga kamay ay kasing init pa rin at makapangyarihan tulad ng sa simula. Para bang ang tao ay bumalik sa Hardin ng Eden, ngunit sa sandaling ito ang tao ay hindi na nakikinig sa mga pang-aakit ng ahas, hindi na tumatalikod palayo sa mukha ni Jehova. Ang tao ay lumuluhod sa harapan ng Diyos, tumitingala sa nakangiting mukha ng Diyos, at iniaalok ang kanyang pinaka-mahalagang sakripisyo—O! Aking Panginoon, aking Diyos!

 

Ang pag-ibig at habag ng Diyos ay nanunuot sa bawa’t kaliit-liitang detalye ng Kanyang gawaing pamamahala, at hindi alintana kung makakaya mang maunawaan ng mga tao ang mga mabubuting intensyon ng Diyos, Siya ay wala pa ring kapagurang gumagawa ng gawaing ninanais Niyang tuparin. Walang pagsasaalang-alang sa kung gaano nauunawaan ng mga tao ang pamamahala ng Diyos, ang mga pakinabang at tulong ng gawaing ginawa ng Diyos ay maaaring mapahalagahan ng bawat isa. Marahil, ngayon, hindi mo pa nadama ang alinman sa pag-ibig o buhay na ipinagkaloob ng Diyos, nguni’t hangga’t hindi mo tinatalikuran ang Diyos, at hindi sumusuko sa iyong determinasyong hanapin ang katotohanan, kung gayon palaging magkakaroon ng araw kung kailan mabubunyag sa iyo ang ngiti ng Diyos. Dahil ang layunin ng gawain ng pamamahala ng Diyos ay upang bawiin ang sangkatauhang nasa ilalim ng sakop ni Satanas, hindi upang talikuran ang sangkatauhang pinasama ni Satanas at lumalaban sa Diyos.

 

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

________________________________

 

Ang hindi maiiwan ng mga Kristiyano sa araw-araw ay ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Ang pahina ng Ang ebanghelyo ngayong araw ay inirerekomenda sa iyo. Maraming mga salita ng Diyos sa pahinang ito. Mangyaring i-click at basahin: Ebanghelyo ngayong araw

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Write a comment

Comments: 0