Paano ginagawang perpekto ng Diyos ang tao? Ano ang disposisyon ng Diyos? At ano ang nilalaman sa loob ng Kanyang disposisyon? Dapat maunawaan ang lahat ng ito; pagkakalat ito ng pangalan ng Diyos, pagpapatotoo ito sa Diyos, at pagpupuri sa Diyos, at ganap na magkakamit ang tao ng pagbabago sa kanyang disposisyon sa buhay mula pundasyon ng pagkilala sa Diyos. Mas maraming pakikitungo at pagdadalisay na dinaranas ang tao, higit na mas malaki ang kanyang lakas, at mas maraming mga hakbang ng gawain ng Diyos, higit na magagawang perpekto ang tao. Ngayon, sa karanasan ng tao, ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos ay bumabalik sa mga pagkaintindi ng tao, at sa bawat hakbang ay hindi maarok ng isipan ng tao, at lampas sa kanyang mga inaasahan. Binibigay ng Diyos ang lahat ng kinakailangan ng tao, at sa bawat paraang ito ay kakaiba sa mga pagkaintindi ng tao, at kapag ikaw ay mahina, binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita; sa ganitong paraan lamang maaari Niyang ibigay ang iyong buhay. Sa pamamagitan ng pagbalik sa iyong mga pagkaintindi, dumating ka upang tanggapin ang pakikitungo ng Diyos, at sa ganitong paraan lamang maaari mong maalis ang iyong katiwalian. Ngayon, sa isang aspekto ang Diyos na nagkatawang tao ay kumikilos sa pagka-Diyos, at sa isa pang aspekto kumikilos Siya sa normal na pagkatao. Hindi mo dapat tanggihan ang anumang gawain na ginagawa ng Diyos, at dapat mong sundin ang anumang sinasabi ng Diyos o ginagawa sa normal na pagkatao, at hindi mahalaga kung gaano Siya ka normal, dapat kang sumunod at umunawa. Matapos mo lamang magkaroon ng aktwal na karanasan maaari mong tiyak na malalaman na Siya ay Diyos, at huminto sa pagbuo ng mga pagkaintindi, at sumunod sa Kanya hanggang sa katapusan. May karunungan sa gawain ng Diyos, at alam Niya kung paano maaaring maging patotoo ang tao sa Kanya. Alam Niya kung saan ang malubhang kahinaan ng tao, at ang mga salita na Kanyang sinasambit ay maaari kang tamaan sa iyong mga malubhang kahinaan, ngunit ginagamit din Niya ang Kanyang marilag at matalinong mga salita upang ikaw ay maaaring maging patotoo sa Kanya. Iyan ang mga kahanga-hangang gawa ng Diyos. Hindi mailalarawan ng kaisipan ng tao ang gawa na ginawa ng Diyos. Nagpapakita ng mga uri ng katiwalian ng tao ang paghatol ng Diyos, na ang tao, na isang laman, ay may taglay na, at ano ang mga bagay na kakanyahan ng tao, at iniiwan nito ang tao na walang lugar na mapagtataguan mula sa kanyang kahihiyan.
Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang makilala Siya ng tao, at para sa kapakanan ng Kanyang patotoo. Kung wala ang Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi malalaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi nagpapahintulot ng kasalanan, at hindi maaaring ilipat ang kanyang mga lumang kaalaman ng Diyos patungo sa panibago. Para sa kapakanan ng Kanyang patotoo, at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, isinasa-publiko Niya ang Kanyang kabuuan, na nagbibigay daan sa tao na makamit ang kaalaman ng Diyos, at baguhin ang kanyang disposisyon, at gumawa ng umuugong na patotoo sa Diyos sa pamamagitan ng pampublikong pagpapakita ng Diyos. Nakakamit ang pagbabago sa disposisyon ng tao sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng gawain ng Diyos; kung wala ang nasabing pagbabago sa disposisyon ng tao, hindi magagawang magbigay ng patotoo ng tao sa Diyos, at hindi maaaring makuha ang puso ng Diyos. Ang mga pagbabago sa katangian ng tao ay tanda na pinalaya ng tao ang kanyang sarili mula sa pagkaalipin kay Satanas, pinalaya ang kanyang sarili mula sa impluwensya ng kadiliman, tunay na naging isang modelo at halimbawa ng gawain ng Diyos, at tunay na naging isang saksi ng Diyos at isang tao na nagnanais ng puso ng Diyos. Ngayon, dumating ang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawa sa lupa, at Kanyang hinihingi sa tao na makamit ang kaalaman tungkol sa Kanya, pagsunod sa Kanya, patotoo sa Kanya—malaman ang Kanyang praktikal at normal na gawain, sundin ang lahat ng Kanyang mga salita at gawa na hindi ayon sa mga pagkaintindi ng tao, at magpatotoo sa lahat ng gawain ng pagliligtas Niya sa tao, at ang lahat ng mga gawa Niya na lupigin ang tao. Yaong mga nagpapatotoo sa Diyos ay dapat magkaroon ng kaalaman sa Diyos; ang ganitong uri lamang ng patotoo ang tiyak, at totoo, at ang ganitong uri lamang ng patotoo ang maaaring magbibigay kahihiyan kay Satanas. Ginagamit ng Diyos ang mga taong nakakilala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsasailalim sa Kanyang paghatol at pagkastigo, pakikitungo at pagpupungos, upang magbigay ng patotoo sa Kanya. Ginagamit Niya yaong mga ginawang tiwali ni Satanas upang magpatotoo sa Kanya, at gayon din ay ginagamit Niya yaong ang mga disposisyon ay nagbago, at kung sino ang nagkamit ng Kanyang mga pagpapala, upang magbigay ng pagpapatotoo sa Kanya. Hindi niya kailangan ng tao na sambahin lamang Siya sa salita, at hindi rin Niya kailangan ang papuri at patotoo ng kauri ni Satanas, na hindi pa Niya naligtas. Tanging yaong mga nakakakilala sa Diyos ang karapat-dapat na magbigay ng pagpapatotoo sa Diyos, at yaon lamang na ang disposisyon ay nagbago ang karapat-dapat na magbigay ng pagpapatotoo sa Diyos, at hindi papayagan ng Diyos ang tao na sadyang magdala ng kahihiyan sa Kanyang pangalan.
Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
________________________________
Ang hindi maiiwan ng mga Kristiyano sa araw-araw ay ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Ang pahina ng Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw ay inirerekomenda sa iyo. Maraming mga salita ng Diyos sa pahinang ito. Mangyaring i-click at basahin: Salita ng Diyos ngayong araw
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.
Write a comment