Ang Wastong Saloobin at Pagsasagawa para sa Isa na Nagnanais Magpasailalim sa Awtoridad ng Diyos
Anong saloobin ang ngayon ay dapat malaman ng tao at pagsasaalang-alang sa awtoridad ng Diyos, ang katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa pantaong kapalaran? Ito ay tunay na problema na nasa harap ng bawat tao. Kapag nahaharap sa tunay-na-buhay na mga problema, paano mo dapat alamin at unawain ang awtoridad ng Diyos at Kanyang dakilang kapangyarihan? Kapag hindi mo alam kung paano unawain, hawakan, at danasin ang mga problemang ito, anong saloobin ang dapat mong angkinin upang ipakita ang iyong intensyon, iyong pagnanais, ang iyong realidad ng pagpapasailalim sa dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos? Una dapat mong matutunan ang maghintay; pagkatapos dapat mong matutunang humanap; pagkatapos dapat mong matutunan ang pagpapasailalim. Ang “paghihintay” ay nangangahulungan na paghihintay sa panahon ng Diyos, naghihintay sa mga tao, sa mga pangyayari, at sa mga bagay na Kanyang isinaayos para sa iyo, naghihintay para sa Kanyang kalooban na unti-unting ibunyag ang kanyang sarili sa iyo. Ang “paghahanap” ay nangangahulugan ng pagmamasid at pag-unawa sa maalalahaning mga intensyon ng Diyos para sa iyo sa pamamagitan ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na inilatag Niya, pag-unawa sa katotohanan sa pamamagitan nila, pag-unawa sa dapat makamit ng tao at mga paraang dapat nilang ipagpatuloy, pag-unawa sa kung anong mga resulta ang nais na makamtan ng Diyos sa tao at anong mga kabutihan ang nais Niyang makamit sa mga iyon. Ang “pagpapasailalim,” mangyari pa, ay tumutukoy sa pagtanggap sa mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na isinaayos ng Diyos, pagtanggap sa Kanyang dakilang kapangyarihan at, sa pamamagitan nito, ay makilala kung paanong ang Manlilikha ay nagdidikta sa kapalaran ng tao, kung paano Niya tinutustusan ang tao ng Kanyang buhay, kung paano Niya pinapagana ang katotohanan sa tao. Lahat ng mga bagay sa ilalim ng mga pagsasaayos at dakilang kapangyarihan ng Diyos ay sumusunod sa natural na mga batas, at kung pagpasyahan mo na hayaan ang Diyos na isaayos at diktahan ang lahat-lahat para sa iyo, dapat mong matutunan ang maghintay, dapat matutunan ang humanap, dapat mong matutunan ang magpasailalim. Ito ang saloobin na dapat magkaroon ang bawat tao na nagnanais magpasailalim sa awtoridad ng Diyos, ang pangunahing katangian na dapat magkaroon ang bawat tao na nagnanais tanggapin ang dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Upang magkaroon ng ganoong saloobin, ang mag-angkin ng ganoong katangian, dapat mas lalo kang magpunyagi; at tangi lamang sa gayon maaari kang pumasok sa tunay na realidad.
Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”
____________________________________
Magrekomenda nang higit pa: The Church of Almighty God APP (Tagalog) - Rich Daily Devotion Content
Write a comment