Gumagamit ang Diyos ng mga Salita para Lumikha ng Lahat ng mga Bagay
(Genesis 1:3–5) At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman. At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw.
(Genesis 1:6–7) At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon.
(Genesis 1:9–11) At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan, at nagkagayon. At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti. At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon.
(Genesis 1:14–15) At sinabi ng Dios, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon: At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon.
(Genesis 1:20–21) At sinabi ng Dios, Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid. At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa’t may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti.
(Genesis 1:24–25) At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon. At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri, at ang hayop ayon sa kaniyang uri, at ang bawa’t umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti.
Sa Unang Araw, ang Araw at Gabi ng Sangkatauhan ay Isinilang at Nanindigan Salamat sa Awtoridad ng Diyos
Tingnan natin ang unang talata: “At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman. At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw” (Genesis 1:3–5). Inilalarawan ng talatang ito ang unang kilos ng Diyos sa simula ng paglikha, at ang unang araw na dumaan Siya kung saan mayroong gabi at umaga. Ngunit ito’y isang hindi pangkaraniwang araw: Nagsimulang hinanda ng Diyos ang liwanag para sa lahat ng bagay, at, saka, hinati ang liwanag mula sa kadiliman. Sa araw na ito, nagsimulang magsalita ang Diyos, at magkasamang umiral ang Kanyang mga salita at awtoridad. Nagsimulang magpakita ang Kanyang awtoridad sa lahat ng mga bagay, at ang kapangyarihan Niya ay kumalat sa lahat ng mga bagay bilang resulta ng Kanyang mga salita. Simula sa araw na ito, ang lahat ng mga bagay ay nabuo at naitakda nang dahil sa mga salita ng Diyos, ang awtoridad ng Diyos, at ang kapangyarihan ng Diyos, at nagsimula silang gumanap salamat sa mga salita ng Diyos, sa awtoridad ng Diyos, at sa kapangyarihan ng Diyos. Nang sinabi ng Diyos ang mga salitang “Magkaroon ng liwanag,” nagkaroon nga ng liwanag. Hindi nagsimula ang Diyos sa anumang pagkilos; lumitaw ang liwanag bilang resulta ng Kanyang mga salita. Ito ang liwanag na tinawag ng Diyos na araw, at kung saan nakabatay pa rin ngayon ang tao para sa kanyang pamumuhay. Sa pamamagitan ng kautusan ng Diyos, kailanman ay hindi nagbago ang kanyang diwa at halaga, at hindi kailanman ito naglaho. Ipinakikita ng kanyang pag-iral ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, at ipinoproklama ang pagiging buhay ng Maylalang, at kinukumpirma nito, nang paulit-ulit, ang pagkakakilanlan at kalagayan ng Maylalang. Hindi ito bagay na di-nahahawakan, o ilusyon, ngunit isang tunay na liwanag na maaaring makita ng tao. Simula sa mga oras na iyon, itong mundong walang laman na kung saan “ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman,” nagkaroon ng unang materyal na bagay. Ang bagay na ito ay nanggaling sa mga salita ng bibig ng Diyos, at lumitaw sa unang gawa ng paglikha ng lahat ng mga bagay dahil sa awtoridad at mga pagbigkas ng Diyos. Pagkatapos, inutusan ng Diyos na maghiwalay ang liwanag at kadiliman…. Nagbago ang lahat at nakumpleto dahil sa mga salita ng Diyos…. Tinawag ng Diyos itong liwanag na “Araw,” at tinawag Niya ang kadiliman na “Gabi.” Simula sa oras na iyon, ginawa ang unang gabi at unang umaga sa mundong sinadyang likhain ng Diyos, at sinabi ng Diyos na ito ang unang araw. Ang araw na ito ang unang araw sa paglikha ng Maylalang sa lahat ng mga bagay, at naging simula ng paglikha ng lahat ng mga bagay, at ang unang pagkakataon na ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang ay ipinakita sa mundong ito na Kanyang nilikha.
Sa pamamagitan ng mga salitang ito, nakita ng tao ang awtoridad ng Diyos, at ang awtoridad ng mga salita ng Diyos, at ang kapangyarihan ng Diyos. Dahil Diyos lang ang may angkin ng naturang kapangyarihan, at kaya Diyos lamang ang mayroong naturang awtoridad, at dahil angkin ng Diyos ang naturang awtoridad, at kaya Diyos lamang ang mayroon ng naturang kapangyarihan. Mayroon bang sinumang tao o bagay ang may angkin ng naturang awtoridad at kapangyarihang tulad nito? Mayroon bang sagot sa inyong mga puso? Bukod sa Diyos, mayroon bang nilikha o di-nilikhang katauhan ang may angkin nang naturang awtoridad? Nakakita na ba kayo ng halimbawa ng naturang bagay sa anumang mga libro o paglalathala? May nakatala bang sinuman na lumikha ng kalangitan at lupa at ng lahat ng mga bagay? Wala ito sa anumang iba pang mga libro o mga talaan; ang mga ito, siyempre, ang tanging may awtoridad at makapangyarihang mga salita tungkol sa kahanga-hangang paglikha ng Diyos sa mundo, kung saan nakatala sa Biblia, at ang mga salitang ito ay nagsasalita para sa natatanging awtoridad ng Diyos at ang natatanging pagkakakilanlan ng Diyos. Maaari bang sabihing ang naturang awtoridad at kapangyarihan ay sumagisag sa natatanging pagkakakilanlan ng Diyos? Maaari bang sabihin na ang mga iyon ay pagmamay-ari ng Diyos, at ng Diyos lamang? Walang alinlangan, Diyos Mismo lamang ang may angkin ng naturang awtoridad at kapangyarihan! Ang awtoridad at kapangyarihang ito ay hindi maaaring angkinin o palitan ng anumang nilikha o di-nilikhang katauhan! Isa ba ito sa mga katangian ng natatanging Diyos Mismo? Nasaksihan niyo ba ito? Ang mga salitang ito ay agaran at malinaw na nagpapaunawa sa mga tao sa katunayan na ang Diyos ay may angking natatanging awtoridad, at natatanging kapangyarihan, at Siya ay may angking pinakamataas na pagkakakilanlan at kalagayan. Mula sa talakayan sa pagsasama sa itaas, maaari ba ninyong sabihin na ang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ay ang natatanging Diyos Mismo?
Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”
________________________________
Ang hindi maiiwan ng mga Kristiyano sa araw-araw ay ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Ang pahina ng Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw ay inirerekomenda sa iyo. Maraming mga salita ng Diyos sa pahinang ito.
Mangyaring i-click at basahin: Salita ng diyos ngayong araw
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.
Write a comment