Kung ang Puso ng Tao ay may Pagkapoot sa Diyos, Paano Siya Matatakot sa Diyos at Makalalayo sa Kasamaan
Dahil ang mga tao sa ngayon ay hindi nagtataglay ng parehong pagkatao gaya ng kay Job, anong nangyari sa diwa ng kanilang kalikasan, at sa kanilang mga saloobin sa Diyos? Natatakot ba sila sa Diyos? Lumalayo ba sila sa kasamaan? Ang mga hindi natatakot sa Diyos o lumalayo sa kasamaan ay maaari lamang na ilarawan sa apat na salita: ang kaaway ng Diyos. Madalas ninyong sabihin ang apat na salitang ito, ngunit hindi ninyo kailanman nalaman ang kanilang tunay na kahulugan. Ang mga salitang “ang kaaway ng Diyos” ay may buod sa loob nito: Ang mga ito ay hindi nagsasabi na nakikita ng Diyos ang tao bilang kaaway, kundi ang tao ay nakikita ang Diyos bilang kaaway. Una, kapag ang mga tao ay nagsimulang maniwala sa Diyos, sino sa kanila ang walang sariling mga layunin, motibasyon, at ambisyon? Kahit na ang isang bahagi nila ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, at nakita ang pag-iral ng Diyos, ang kanilang paniniwala sa Diyos ay naglalaman pa rin ng ganoong mga motibasyon, at ang kanilang panghuling layunin sa paniniwala sa Diyos ay upang makatanggap ng Kanyang mga pagpapala at ng mga bagay na gusto nila. Sa mga karanasan ng tao sa buhay, sila ay madalas nag-iisip, isinuko ko ang aking pamilya at karera para sa Diyos, at ano ang ibinigay Niya sa akin? Dapat kong sumahin ito, at siguraduhin ito—may natanggap ba ako na anumang pagpapala kamakailan? Nagbigay ako ng marami sa pagkakataong ito, ako ay tumakbo nang tumakbo, at nagdusa nang mabigat—may ibinalik bang anumang pangako ang Diyos? Naaalala ba Niya ang aking mga mabuting gawa? Ano ang aking magiging katapusan? Maaari ko bang matanggap ang mga pagpapala ng Diyos? ... Ang bawat tao ay patuloy, at madalas na gumagawa ng ganitong mga kalkulasyon sa loob ng kanilang puso, at humihingi sila sa Diyos ng kapalit upang itaguyod ang kanilang mga motibasyon, at ambisyon, at kasunduan. Na ang ibig sabihin, sa kanyang puso ang tao ay patuloy na inilalagay ang Diyos sa pagsubok, patuloy na nag-iisip ng mga plano tungkol sa Diyos, at patuloy na nakikipagtalo sa Diyos sa kaso ng kanyang katapusan, at sinusubukang kunin ang pahayag mula sa Diyos, tinitingnan kung maaaring ibigay o hindi ng Diyos ang kanyang nais. Kasabay ng pagtugis sa Diyos, ang tao ay hindi itinuturing ang Diyos na Diyos. Palagi niyang sinubukang gumawa ng mga kasunduan sa Diyos, patuloy na humihingi sa Kanya, at pinipilit pa Siya sa bawat hakbang, sinusubukang kumuha ng isang milya pagkatapos mabigyan ng isang pulgada. Kasabay sa pagsisikap na gumawa ng mga kasunduan sa Diyos, ang tao ay nakikipagtalo rin sa Kanya, at mayroon pang mga tao na, kapag may dumarating sa kanilang pagsubok o nanganganib sila, madalas nagiging mahina, walang kibo at pabaya sa kanilang trabaho, at puno ng mga reklamo tungkol sa Diyos. Mula noong siya ay nagsimulang maniwala sa Diyos, ang tao ay itinuturing ang Diyos na maging isang kornukopya, isang Swiss Army na lanseta, at itinuturing ang sarili niya na pinakamalaking pinagkakautangan ng Diyos, na para bang ang makakuha ng mga biyaya at pangako mula sa Diyos ay ang kanyang likas na karapatan at obligasyon, habang responsibilidad ng Diyos ay ang ingatan at pangalagaan ang mga tao at magbigay sa kanya. Ganito ang pangunahing pag-unawa ng “paniniwala sa Diyos” ng lahat ng mga taong naniniwala sa Diyos, at ang kanilang pinakamalalim na pag-unawa sa mga konsepto ng paniniwala sa Diyos. Mula sa mga diwa ng kalikasan ng tao hanggang sa kanyang pansariling gawain, walang anumang may kinalaman sa takot sa Diyos. Ang layunin ng tao sa paniniwala sa Diyos ay hindi maaaring may kinalaman sa pagsamba sa Diyos. Na ang ibig sabihin, ang tao ay hindi kailanman itinuring o naintindihan na ang paniniwala sa Diyos ay nangangailangan ng takot sa Diyos, at pagsamba sa Diyos. Sa harap ng gayong mga kalagayan, ang diwa ng tao ay halatang-halata. At ano ang diwa na ito? Ito’y ang puso ng tao na may masamang hangarin, ito ay nagkukubli ng pagtataksil at paglilinlang, wala itong pag-ibig sa pagiging patas at pagkamatuwid, o sa mga bagay na positibo, at ito ay napakasama at sakim. Ang puso ng tao ay hindi maaaring mas malapit sa Diyos; hindi niya pa talaga ito ibinigay sa Diyos. Ang Diyos ay hindi kailanman nakita ang tunay na puso ng tao, at hindi rin Siya kailanman sinamba ng tao. Kahit gaano kalaki ang halagang binabayaran ng Diyos, o gaano karaming gawain ang ginagawa Niya, o gaano karami ang binibigay Niya sa tao, ang tao ay nananatiling bulag dito, at lubos na walang malasakit. Hindi kailanman ibinigay ng tao ang kanyang puso sa Diyos, gusto niya lang na pangalagaan ang kanyang sariling puso, na gumawa ng kanyang mga sariling desisyon—ang ibig sabihin ay hindi niya nais na sundin ang mga paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, o sundin ang dakilang kapangyarihan at mga pag-aayos ng Diyos, at ’di niya rin gusto na sambahin ang Diyos bilang Diyos. Ganito ang kalagayan ng tao sa kasalukuyan. Ngayon tingnang muli natin si Job. Una sa lahat, gumawa ba siya ng kasunduan sa Diyos? Mayroon ba siyang mga natatagong layunin sa matibay na paghawak niya sa paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan? Sa panahong iyon, ang Diyos ba ay nagsalita sa sinuman tungkol sa katapusan na darating? Sa panahong iyon, ang Diyos ay hindi nangako sa kanino man tungkol sa katapusan, at sa ganitong kalagayan nagawa ni Job na matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan. Ang mga tao ba sa ngayon ay maaaring maihambing kay Job? Masyadong maraming pagkakaiba, sila ay nasa magkakaibang mga antas. Kahit na si Job ay kakaunti ang kaalaman tungkol sa Diyos, naibigay na niya ang kanyang puso sa Diyos at pagmamay-ari na ito ng Diyos. Siya ay hindi kailanman gumawa ng kasunduan sa Diyos, at walang mapagmalabis na hinangad o hiningi sa Diyos; sa halip, naniwala siya na “si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang babawi.” Ito ay kung ano ang kanyang nakita at nakuha mula sa pagpapatotoo ng paraan ng natatakot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan sa maraming taon ng kanyang buhay. Gayundin, siya ay nagkamit din ng kinalabasan na “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” Ang dalawang pangungusap na ito ay kung ano ang kanyang nakita at nalaman bilang resulta ng kanyang saloobin sa pagsunod sa Diyos sa mga karanasan ng kanyang buhay, at ang mga ito rin ang kanyang mga pinakamakapangyarihang sandata na kung saan nagtagumpay siya laban sa mga tukso ni Satanas, at ang saligan ng kanyang katatagan sa patotoo sa Diyos. Sa puntong ito, nakikita ba ninyo si Job bilang isang kaibig-ibig na tao? Nais ba ninyong maging ganitong tao? Natatakot ba kayong sumailalim sa mga tukso ni Satanas? Kaya ba ninyong magdasal sa Diyos na iharap kayo sa parehong mga pagsubok ni Job? Nang walang pag-aalinlangan, karamihan sa mga tao ay hindi maglalakas-loob na manalangin para sa mga ganitong bagay. Maliwanag, sa gayon, na ang inyong pananampalataya ay napakaliit; kung ihahambing kay Job, ang inyong pananampalataya ay hindi karapat-dapat na banggitin. Kayo ang mga kaaway ng Diyos, hindi kayo natatakot sa Diyos, hindi kayo nakakatayo nang matatag sa inyong patotoo sa Diyos, at hindi kayang magtagumpay sa mga paglusob, paratang at tukso ni Satanas. Anong mayroon kayo para maging karapat-dapat na tumanggap ng mga pangako ng Diyos? Pagkatapos marinig ang kuwento ni Job at maintindihan ang intensyon ng Diyos sa pagligtas sa tao at ang kahulugan ng kaligtasan ng tao, kayo ba ngayon ay mayroon nang pananampalataya na tanggapin ang parehong mga pagsubok ni Job? Di ba dapat mayroon kayong kaunting tapang upang payagan ang inyong mga sarili na sundin ang mga paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan?
Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”
________________________________
Ang hindi maiiwan ng mga Kristiyano sa araw-araw ay ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Ang pahina ng Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw ay inirerekomenda sa iyo. Maraming mga salita ng Diyos sa pahinang ito.
Mangyaring i-click at basahin: Salita ng Diyos ngayong araw
Write a comment