· 

Kapag ang Panginoon ay Kumatok, Bubuksan Mo Ba ang Pinto upang Masalubong Siya?

Iprinopropesiya sa Pahayag, "Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko" (Pahayag 3:20).

 

"Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Pahayag 2:7).

 

Makikita natin sa mga kasulatang ito na kapag ang Panginoon ay bumalik sa mga huling araw, Siya ay gagamit ng Kanyang mga pagbigkas para kumatok sa ating mga pintuan. Kapag narinig natin ang "sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia," nangangahulugan ito na ang Panginoon ay kumakatok sa ating mga pintuan.

 

Tulad sa sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap ng mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” At kaya, ang maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, hindi sila naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo pang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali!"

 

mula sa "Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao"

 

Kung nais natin na masalubong ang Panginoon, dapat nating malaman ang makinig sa tinig ng Diyos at aktibong saliksikin ang mga bagong salita ng Panginoon sa mga huling araw. Ito ang dapat gawin ng mga matatalinong dalaga, at saka lamang tayo magkakaroon ng pagkakataon na masalubong ang Panginoon at dumalo sa piging kasama Niya.

 

Ngayon ang Panginoon ay nagbalik, at Siya ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng milyong mga salita at kumakatok sa ating mga pintuan. Hangga’t tayo ay mapagkumbabang magsaliksik at magbigay pansin sa pakikinig sa tinig ng Diyos, magagawa natin na masalubong ang pagpapakita ng Panginoon.

 

 

 

________________________________

 

Itinala ng Bibliya ang mga propesiya sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Bukod sa mga propesiya ng pagbaba ng Panginoon nang hayagan sa mga ulap, mayroon ding mga propesiya na ang Diyos ay magiging Anak ng tao at bababa sa lihim. Kung gayon, paano matutupad ang dalawang uri ng mga propesiyang ito?

 

Inirerekomenda: Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

 

 

Minamahal kong mga kapatid! Kung nais mo na mas malaman pa, ikaw ay malaya na mag-iwan ng komento sa ibaba o kontakin kami sa Messenger. 

 

Write a comment

Comments: 0