Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Kapag ang Tagapagligtas ay dumarating sa panahon ng mga huling araw, kung Siya ay tinatawag pa ring Jesus, at muling isinilang sa Judea, at ginawa ang Kanyang gawain sa Judea, samakatwid ito ay magpapatunay na nilikha Ko lamang ang bayang Israel at tinubos lamang ang bayang Israel, at na wala Akong kinalaman sa mga Gentil. Hindi kaya ito sasalungat sa Aking mga salita na ‘Ako ang Panginoon na lumikha ng mga kalangitan at lupa at lahat ng bagay’? Umalis Ako sa Judea at ginagawa ang Aking gawain sa gitna ng mga Gentil sapagka’t hindi lamang Ako ang Diyos ng bayang Israel, kundi ang Diyos ng lahat ng nilikha. Nagpapakita Ako sa gitna ng mga Gentil sa panahon ng mga huling araw dahil hindi lamang Ako si Jehova, ang Diyos ng bayan ng Israel, kundi, bukod diyan, dahil Ako ang Maylalang ng lahat ng Aking mga pinili sa gitna ng mga Gentil. Hindi Ko lamang nilikha ang Israel, Egipto, at Lebanon, kundi nilikha Ko rin ang mga bansang Gentil sa ibayo ng Israel. At dahil dito, Ako ang Panginoon ng lahat ng nilikha. Ginamit Ko lamang ang Israel bilang panimulang punto para sa Aking gawain, kinasangkapan ang Judea at Galilea bilang matibay na mga tanggulan ng Aking gawain ng pagtubos, at ginagamit ang mga bansang Gentil bilang base na mula kung saan Aking dadalhin ang buong kapanahunan sa katapusan. Ginawa Ko ang dalawang yugto ng gawain sa Israel (ang dalawang yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya), at naisasakatuparan Ko na ang dalawang karagdagang yugto ng gawain (ang Kapanahunan ng Biyaya at ang Kapanahunan ng Kaharian) sa buong mga lupain sa ibayo ng Israel. Sa gitna ng mga bansang Gentil, gagawin Ko ang gawaing panlulupig at sa gayon winawakasan ang kapanahunan. Kung palagi Akong tinatawag ng tao na Jesucristo, nguni’t hindi nalalaman na nasimulan Ko na ang isang bagong kapanahunan sa mga huling araw at nakapagsimula na sa bagong gawain, at kung palaging gumugulo sa alaala ng tao ang paghihintay sa pagdating ni Jesus na Tagapagligtas, kung gayon tatawagin Ko ang mga ganitong tao bilang silang mga hindi naniniwala sa Akin. Sila ay mga taong hindi nakakakilala sa Akin, at ang kanilang paniniwala sa Akin ay isang pagkukunwari. Masasaksihan kaya ng mga taong ganoon ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas mula sa langit? Ang kanilang hinihintay ay hindi ang Aking pagdating, kundi ang pagdating ng Hari ng mga Judio. Hindi nila pinananabikan ang Aking paglipol sa maruming lumang mundong ito, bagkus ay nananabik sa ikalawang pagdating ni Jesus, kung kailan sila ay matutubos; inaasahan nila si Jesus na muling tutubusin ang buong sangkatauhan mula rito sa nadungisan at di-matuwid na lupain. Paanong ang mga ganoong tao ay magiging yaong tumatapos ng Aking gawain sa mga huling araw? Ang mga pagnanasa ng tao ay walang kakayahan na kamtin ang Aking mga inaasam o tuparin ang Aking gawain, pagka’t hinahangaan o pinapahalagahan lamang ng tao ang gawaing nagawa Ko na dati, at walang ideya na Ako ang Diyos Mismo na palaging bago at hindi kailanman luma. Alam lamang ng tao na Ako si Jehova, at Jesus, at walang hiwatig na Ako ang Huli, ang Siyang magdadala sa sangkatauhan sa katapusan. Lahat nang pinananabikan at nalalaman ng tao ay mula sa kanyang sariling pagkaintindi, at tanging yaon na nakikita niya ng kanyang sariling mga mata. Hindi ito ayon sa gawaing ginagawa Ko, kundi hindi-kaisa nito. Kung ang Aking gawain ay pinatakbo ayon sa mga ideya ng tao, kailan naman kaya ito matatapos? Kailan kaya makakapasok ang sangkatauhan sa kapahingahan? At paano Ako makakapasok sa ikapitong araw, ang Araw ng Pamamahinga? Gumagawa Ako ayon sa Aking plano, ayon sa Aking mithiin, at hindi ayon sa intensyon ng tao" ("Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng 'Puting Ulap'").
Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”
________________________________
Ang ebanghelyo ngayong araw - patahimikin ang iyong sarili sa harap ng Diyos upang makinig at pagnilayan ang mga salita ng Diyos araw-araw. Ang iyong espiritu ay makakakain at matutustusan, at ang iyong buhay ay patuloy na lalago.
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.
Write a comment