· 

Ano ang Kalooban ng Diyos sa Likod ng Sunod-sunod na mga Kalamidad sa mga Huling Araw?

 

Ano ang Kalooban ng Diyos sa Likod ng Sunod-sunod na mga Kalamidad sa mga Huling Araw?

 

Sa mga nagdaang araw, ito man ay ang bushfire sa Australia o ang Wuhan coronavirus, ang mga tao Sabi ng Diyos, "Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit" (Mateo 4:17). "At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao" (Lucas 17:26).

 

"Magbalik-tanaw sa panahon ng arko ni Noe: Ang sangkatauhan ay lubhang tiwali, lumayo sa pagpapala ng Diyos, at hindi na pinangangalagaan ng Diyos, at naiwala na ang mga pangako ng Diyos. Sila ay nanirahan sa kadiliman, na wala ang liwanag ng Diyos. Kaya sila ay naging likas na mahalay, inabandona ang kanilang mga sarili sa kahindik-hindik na kabuktutan. Ang ganitong mga tao ay hindi na maaaring makatanggap ng pangako ng Diyos; sila ay hindi karapat-dapat na masaksihan ang mukha ng Diyos, o kaya ay marinig ang tinig ng Diyos, sapagkat inabandona nila ang Diyos, isinantabi ang lahat ng Kanyang ipinagkaloob sa kanila, at kinalimutan ang mga turo ng Diyos. Ang kanilang puso ay lumihis papalayo nang papalayo mula sa Diyos, at dahil dito, sila ay naging ubod ng sama higit sa lahat ng katuwiran at pagkatao, at lalong nagiging masama. Kaya sila ay naging mas malapit sa kamatayan, at napasailalim ng galit at kaparusahan ng Diyos. Si Noe lamang ang sumamba sa Diyos at umiwas sa kasamaan, at sa gayon narinig niya ang tinig ng Diyos, at narinig ang mga tagubilin ng Diyos. Kanyang itinayo ang arko ayon sa mga tagubilin ng salita ng Diyos, at tinipon ang lahat ng uri ng buhay na nilalang. At sa ganitong paraan, sa sandaling ang lahat ng bagay ay handa na, pinakawalan ng Diyos ang Kanyang pagwasak sa mundo. Si Noe lamang at ang pitong miyembro ng kanyang pamilya ang nakaligtas sa pagkawasak, dahil sumamba si Noe kay Jehova at umiwas sa kasamaan."

 

mula sa "Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan"

 

"Kapag dumating ang panahong iyon, ang inyong mga araw ay magiging mas mahirap kaysa mga araw ni Noe at ng Sodoma! Ang iyong mga panalangin ay walang magagawang mabuti para sa inyo sa panahong iyon. Sa sandaling magtapos ang gawaing pagliligtas, paano ka mag-uumpisang muli para magsisi? Sa sandaling ang lahat ng gawaing pagliligtas ay magawa, wala nang magiging iba pang gawain ng pagliligtas. Ang magaganap ay ang simula ng gawain ng pagpaparusa sa masama. Ikaw ay lumalaban, ikaw ay naghihimagsik, at ikaw ay gumagawa ng mga bagay na nalalaman mong masama. Hindi ba ikaw ang pinatutungkulan ng mabigat na kaparusahan? Nililinaw Ko ito sa iyo sa kasalukuyan. Kung pipiliin mong huwag makinig, kapag sumapit sa iyo ang sakuna kinalaunan, hindi ba magiging masyadong huli kung pagkatapos noon mo lamang sisimulang madama ang pagsisisi at sisimulang maniwala?"

 

mula sa "Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (1)"

 

Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na ang Diyos ay makatuwiran; sa panahon ng mga sakuna, Siya ay maawain sa mga yaong tapat na nagmamahal sa Kanya at sa mga tumatawag sa Kanya; Ang Kanyang galit ay ibinabagsak sa mga yaong kumakalaban sa Kanya at sa mga walang pagsisisi! Ang Diyos ay nagpakita at nagsimulang gumawa ng gawain sa mga huling araw. Bago gantimpalaan ang mabubuti at parusahan ang masasama, ginagawa ng Diyos ang lahat ng Kanyang makakaya upang iligtas ang bawat isa. Samakatuwid, pinapaalalahanan at binabalaan tayo ng Diyos sa pamamagitan ng mga sakuna, upang tayo ay tunay na makapagsisi sa Diyos at mamuhay sa proteksyon at pagpapala ng Diyos. Ito ang maalab na intensyon ng Diyos sa likod ng madalas na paglaganap ng mga sakuna.

 

Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na

 

_________________________________________________

 

Ipinaliliwanag ng bahaging Mga Propesiya sa Biblia ang mga propesiya tungkol sa mga kalamidad sa mga huling araw, ikalawang pagparito ni Jesus, mga pangalan ng Diyos, huling paghuhukom, at iba pa.

Write a comment

Comments: 0