Ngayon ay pag-usapan natin ang tungkol sa isang isyu na mahalaga sa ating kaligtasan at pagpasok sa kaharian ng langit. Ang sinumang nakapagbasa ng Biblia ay alam na binubuo ang Biblia ng Lumang Tipan at ng Bagong Tipan, na nagtala ng gawaing ginawa ng Diyos na Jehova at ng Panginoong Jesus, at hinulaan din ng Biblia na sa mga huling araw, babalik ang Panginoon upang ipahayag ang katotohanan upang gumawa ng bagong gawain. Alam mo ba kung bakit ang Diyos ay gumagawa ng bagong gawain ng sunud-sunod ayon sa mga pangangailangan nating mga tao? Ang aspetong ito ng katotohanan ay mahalaga sa kung maaari tayong maligtas at makapasok sa kaharian ng langit sa mga huling araw. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang Aking buong plano ng pamamahala, ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa simula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na siya ring Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw."
"Ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ay ang kaligtasan ng buong sangkatauhan—na nangangahulugang ang ganap na kaligtasan ng tao mula sa sakop ni Satanas. Bagaman ang bawat isa sa tatlong yugto ng gawain ay may ibang layunin at kabuluhan, ang bawat isa ay bahagi ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at ito ay naiibang gawain ng pagliligtas na isinasakatuparan ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan."
"Mula sa gawain ni Jehova hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos."
mula sa "Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao"
Mula sa mga salita ng Diyos, mauunawaan natin na ang Diyos ay gumawa ng tatlong yugto ng gawain upang mailigtas ang sangkatauhan—ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian. Ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay lahat upang ganap na mailigtas tayong mga tao mula sa dominyon ni Satanas, at sa huli ay dalhin tayo sa isang magandang patutunguhan. Ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay nakapaloob ang dakilang pag-ibig at kaligtasan ng Diyos para sa atin.
________________________________
Click salvation in Tagalog, and then you can understand what God’s salvation refers to and find the path to receiving God’s salvation.
Write a comment