Ano ang Kaligtasan | Ang Kaligtasan ng Diyos ay Nakatago sa Likod ng mga Sakuna
Sa harap ng pandemikong pagbago, mga lindol, taggutom, pagbaha at iba pang mga sakuna, maraming tao ang nag-iisip na ito ang parusa ng Diyos para sa tiwaling sangkatauhan sapagkat ang sangkatauhan ay masama at tiwali, at labis na lumalaban sa Diyos. Pero alam mo ba? Ang pagpayag ng Diyos na ibaba ang mga sakuna ay Kanyang pagliligtas para sa mga tunay na naniniwala sa Kanya at hinahangad ang Kanyang pagpapakita. Bakit? Tingnan natin ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ngayon, hindi lamang Ako bumababa sa bansa ng malaking pulang dragon, bumabaling din Ako upang humarap sa buong sansinukob, na nagpapayanig sa buong kaitaasan ng langit. Mayroon bang iisang lugar kahit saan na hindi sumasailalim sa Aking paghatol? Mayroon bang iisang lugar na hindi umiiral sa ilalim ng mga kalamidad na ibinubuhos Ko roon? Saanman Ako magtungo, nagpakalat na Ako ng lahat ng uri ng ‘mga binhi ng sakuna.’ Isa ito sa mga paraan ng Aking paggawa, at walang dudang isang gawa ng pagliligtas para sa sangkatauhan, at ang ipinaaabot Ko sa kanila ay isang uri pa rin ng pagmamahal. Nais Kong tulutan ang mas maraming tao na makilala Ako at makita Ako, at sa ganitong paraan, magpitagan sa isang Diyos na hindi nila nakikita sa loob ng napakaraming taon ngunit ngayon mismo ay totoo. Bakit Ko nilikha ang mundo? Bakit, matapos maging tiwali ang mga tao, hindi Ko sila tuluyang nilipol? Bakit nabubuhay ang buong sangkatauhan sa gitna ng mga kalamidad? Ano ang Aking layunin sa pagkakatawang-tao? Kapag ginagampanan Ko ang Aking gawain, natitikman ng sangkatauhan hindi lamang ang pait, kundi maging ang tamis."
Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na bilang karagdagan sa paghatol ng Diyos sa mga tao, higit sa lahat, pinapaalalahanan ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng mga sakuna na ang mga propesiya ng pagdating ng Panginoon ay natupad na at ang Panginoon ay bumalik na bilang ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng katotohanan at ginawa ang gawain ng paghatol upang ganap na maligtas ang sangkatauhan. Sa pamamagitan ng mga sakuna, yaong mga nagsasaliksik at naghahangad ng pagpapakita ng Diyos ay mapipilitan na magmadali at magsiyasat ng gawain ng Diyos ng mga huling araw at masasalubong ang pagbabalik ng Diyos. Tanging sa ganitong paraan ay magkakaroon tayo ng pagkakataon na maprotektahan ng Diyos mula sa mga sakuna. Ito ang pag-ibig at kaligtasan ng Diyos para sa sangkatauhan. Handa ka bang hanapin ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw upang mailigtas ng Diyos?
________________________________
Gospel reading for today tagalog upang matulungan kang makahanap ng landas ng narapture at matanggap ang Panginoon sa lalong madaling panahon.
Rekomendasyon: Tagalog Christian Video | "Pagpalain ng Diyos" | Miracles in Disaster
Write a comment