· 

Paano Kakatok ang Panginoon sa Pinto Kapag Siya ay Dumating sa mga Huling Araw?

 

Paano Kakatok ang Panginoon sa Pinto Kapag Siya ay Dumating sa mga Huling Araw?

 

Sinabi ng Panginoong Jesus, "Narito, Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko" (Pahayag 3:20). Maraming mga Kristiyano na maingat na naghihintay sa pagparito ng Panginoon ay nalilito kapag binabasa nila ang banal na kasulatan na ito: Paano kakatok ang Panginoon sa pintuan kapag bumalik Siya sa mga huling araw? Ngayon araw ay tatalakayin natin ang tanong na ito. Alin sa mga sumusunod na pananaw ang sinasang-ayunan mo?

 

A. Darating ang Panginoon sa isang ulap upang kumatok sa ating mga pintuan.

B. Ang Panginoon ay tatayo sa labas ng ating mga pintuan at kakatok.

C. Ipapahayag ng Panginoon ang Kanyang mga salita at gagamitin ang Kanyang mga salita upang kumatok sa mga pintuan ng ating mga puso.

 

Inihula ng Bibliya, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Pahayag 3:7). "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12-13). Mula sa mga talatang ito, makikita natin na kapag ang Panginoon ay bumalik sa mga huling araw, marami pa siyang sasabihin. Sa pamamagitan lamang ng pagbibigay pansin sa pakikinig sa tinig ng Diyos maaari nating salubungin Siya. Kaya, gagamitin ng Panginoon ang Kanyang mga salita upang kumatok sa pintuan ng puso ng tao. Nagawa mo bang piliin ang tama? 

 

Ang Panginoon ay Kumakatok

 

_________________________________________________

 

Ang pagharap sa parami nang parami pang kalamidad, napagtanto ng maraming tao na ang mga palatandaan ng pagbabalik ng panginoong jesus ay lumitaw, ito na ang oras na darating ang Panginoon upang madala tayo sa kaharian ng langit, at ang pangako ng Diyos ay matutupad. Inaasahan mo ba ang pagsalubong sa pagbabalik ng panginoong jesus?

Write a comment

Comments: 0