Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagpasok sa Kaharian ng Langit: Ang kaharian ba ng Langit ay nasa Langit o nasa Lupa?
Minsang ipinangako ng Panginoong Jesus, "sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Sa gayon, base sa literal na kahulugan ng mga talatang ito, maraming mga kapatid ang pinanghahawakan na ang makalangit na kaharian ay nasa langit at ang Panginoon ay itataas tayo sa langit upang makatagpo Siya sa Kanyang pagbabalik. Ano ang katotohanan? Sa panalangin ng Panginoon ito ang sinasabi, "Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa" (Mateo 6:9-10). Kung ang makalangit na kaharian ay totoong nasa langit, bakit sinasabi sa atin ng Diyos na magdasal para sa Kanyang kaharian na bumaba sa lupa? Pati na rin, sinabi ng Pahayag 21:3, "At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao." Ang mga talatang ito ay nagpapakita na ang kaharian ng Diyos ay nasa lupa. Kaya, ang kaharian ng langit ba ay nasa langit o nasa lupa?
"Pananabik" - Nasa Langit ba ang Kaharian ng Langit o nasa Lupa?
_________________________________________________
Magrekomenda nang higit pa: Ang Tatlong Yugto ng Gawain
Write a comment