· 

Sabi sa Biblia, “Sinong magsasakdal laban sa mga hirang ng Dios? Siya ay ang umaaring-ganap. Kaya sino nga ang hahatol?”

Panalangin ng Pagsisisi

 

Tanong 2: Sabi sa Biblia, “Sinong magsasakdal laban sa mga hirang ng Dios? Siya ay ang umaaring-ganap. Kaya sino nga ang hahatol?” Patunay ‘yan na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, napatawad na ang lahat ng kasalanan natin. Sa Kanya’y hindi na tayo makasalanan. Sino pang magbibintang sa’tin?

 

Sagot: Nakasulat sa Biblia, “Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa mga hirang ng Dios?” Eto, kailangan, talagang malinaw. Sino talaga ang mga miyembro ng mga hinirang ng Diyos? Lahat ng nagkakasala, taksil sa Diyos at kaibigan nila, nagnanakaw ng handog sa Diyos, nakikiapid, dungo, at ipokritong mga Fariseo, hinirang ba sila ng Diyos? Kung bahagi ng mga hinirang ng Diyos ang sinumang nananalig sa Diyos, pa’no natin ipapaliwanag ang sinasabi sa Pahayag na, “Nangasa labas ang mga aso, manggagaway, nakikiapid, mamamatay-tao, at sumasamba sa diosdiosan maging sa mga umiibig at gumagawa ng kasinungalingan”? (Pahayag 22:15). Kung gayon, hindi lahat ng taong nananalig sa Diyos ay bahagi ng mga hinirang ng Diyos. Yaon lang tunay na naglilingkod at nagmamahal sa Panginoon, na tunay ang patotoo sa Kanya ang bahagi ng mga hinirang Niya. Halimbawa, sumunod at nagpitagan sa Diyos sina Abraham, Job, at Pedro. Matuwid ang kanilang mga gawa at patotoo. Ang ginawa nila ay aprubado ng Diyos. Walang maaaring mag-akusa sa kanila. Kailan sinabi ng Diyos na lahat ng tapat ay matuwid? Halos lahat sila ay madalas magkasala, kumalaban at magtaksil sa Diyos. Totoo ‘yan. Hindi sinabi ng Panginoong Jesus kailanman na halos lahat ng nananalig ay matuwid. Kung gayon, ang mga hinirang ng Diyos ay yaong matuwid ang mga gawa at sumusunod sa kalooban ng Diyos.

 

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

 

________________________________

 

Sinabi ng Panginoong Jesus: “Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit.” Kung gayon, Ano ang Pagsisisi? Paano Natin Makakamit ang Tunay na Pagsisisi?

 

Magrekomenda nang higit pa:

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Write a comment

Comments: 0