Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nagkatawang-tao ang Diyos sa lupalop ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob ng bansa. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagkat ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang nagtatrabaho at namumuhay sa laman, gayon pa man walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakikilala rito. Marahil ito ay mananatiling isang walang hanggang bugtong. Sa panahong ito ang pagdating ng Diyos sa laman ay hindi isang bagay na kahit sino ay may kakayahang mabatid. Gaano man kalaki at makapangyarihan ang gawain ng Espiritu, nananatiling buo ang Diyos, hindi kailanman ibibigay ang Sarili Niya palayo. Maaaring sabihin ng isa na ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay parang nagaganap sa makalangit na kaharian. Kahit na ito ay ganap na halata sa lahat ng tao, walang sinuman ang nakakikilala rito. Kapag tinapos ng Diyos ang yungtong ito ng Kanyang trabaho, magigising ang lahat sa kanilang mahabang panaginip at babaligtarin ang kanilang nakaraang mga ugali." Ang Panginoon ay dumating sa gitna natin ng palihim at isinasagawa ang isang yugto ng gawain ng pagliligtas. Tanging sa pagtanggap lamang sa mga salita na binigkas ng nagkatawang-taong Anak ng tao na tunay nating masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon.
________________________________
Ngayon ang mga sakuna ay madalas na nangyayari at maraming mga Kristiyano ang natanto na ang mga palatandaan ng mga huling araw ay lumitaw na at na ang Panginoon ay maaaring nakabalik na. Kung gayon paano natin masusundan ang mga yapak ng Panginoon?
Ang artikulong ito ay makakatulong sa atin upang makahanap ng sagot. Inirerekomenda: Lumitaw na ang mga Palatandaan ng mga huling araw: Paano Tayo Madadala Bago Sumapit ang Malaking Pagdurusa?
Write a comment