· 

Sinabi ng Panginoong Jesus na Babalik Siya Tulad ng Pag-alis Niya— Ano ang Ibig Sabihin Nito?

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Si Jesus ay umalis sa isang puting ulap, ito ay katotohanan, nguni’t paano Siya makababalik sa isang puting ulap sa gitna ng tao at tatawagin pa ring Jesus? Kung Siya ay talagang dumating sa isang ulap, hindi ba Siya makikilala ng tao? Hindi ba Siya makikilala ng mga tao sa buong mundo? Kung magkagayon, hindi ba magiging Diyos si Jesus nang mag-isa? Kung magkagayon, ang larawan ng Diyos ay magiging ang kaanyuan ng isang Judio, at mananatiling gayon magpakailanman. Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis, nguni’t nalalaman mo ba ang tunay na kahulugan ng Kanyang mga salita? Nasabi ba Niya talaga sa inyo? Nalalaman mo lamang na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis, nakasakay sa isang ulap, nguni’t nalalaman mo ba talaga kung paano ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain? Kung talagang nakikita mo, kung gayon paano maipaliliwanag ang mga salita ni Jesus? Sinabi Niya: Kapag ang Anak ng tao ay dumating sa mga huling araw, hindi Niya malalaman sa ganang Kanyang Sarili, hindi malalaman ng mga anghel, hindi malalaman ng mga sugo sa langit, at hindi malalaman ng lahat ng mga tao. Tanging ang Ama ang makakaalam, iyon ay, ang Espiritu lamang ang makakaalam. Hindi nalalaman maging ng Anak ng tao sa ganang Kanyang Sarili, nguni’t nagagawa mong makita at malaman? Kung may kakayahan kang makaalam at makakita gamit ang iyong sariling mga mata, ang mga salita bang iyon ay hindi sinabi nang walang kabuluhan? At ano ang sinabi ni Jesus ng panahong iyon? ‘Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang. At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. … Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.’ Kapag dumating ang araw na yaon, hindi ’yon malalaman ng Anak ng tao Mismo. Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa nagkatawang-taong katawan ng Diyos, na magiging isang normal at karaniwang tao. Maging ang Anak ng tao Mismo ay hindi alam, kaya paano mo malalaman? Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis. Kapag Siya ay dumating, maging Siya sa Kanyang Sarili ay hindi nakakaalam, kaya maaari ba Niyang ipaalam sa iyo nang mas maaga? Nakikita mo ba ang Kanyang pagdating? Hindi ba iyon isang biro?" ("Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

 

________________________________

 

Inaasam nating lahat na masalubong ang Panginoon at dumalo sa piging ng Kordero. Gayunpaman, paano natin sasalubungin ang pagdating ni Jesus?

 

Mangyaring i-click ang link upang mahanap ang sagot. Inirerekomenda: Ang Pagdating ng Panginoong Jesus: Dumating ang Panginoon; Paano natin Siya Sasalubungin?

Write a comment

Comments: 0