· 

Sinabi ng Panginoong Jesus na, "Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig" (Juan 10:27). Ikaw ba ay isang tupa na nakikilala ang tinig ng Diyos?

Panginoong Jesus

 

Kamakailan lamang, maraming kapatid ang nagpadala sa amin ng mga mensahe, sinasabing nabasa ang aklat ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, nadama nila ang kaliwanagan sa kanilang mga puso at hindi nila kailanman narinig ang mga ganitong salita na tila tinig ng Diyos. Ngunit hindi nila natitiyak kung ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay mga salita ng Diyos.

 

Sa totoo lang, malulutas ng mga salita ng Panginoong Jesus ang kanilang pagkalito: "Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin" (Juan 10:27). Makikilala ng mga tupa ng Diyos ang tinig ng Diyos. Pag-isipan natin ito: Ano ang nararamdaman natin kapag naririnig natin ang mga salita ng Panginoong Jesus? Nararamdaman ba natin na mayroon silang kapangyarihan at awtoridad? Kaya paano umusbong ang pakiramdam na ito? Ito ang epekto ng pagkapukaw at pakiramdam. Sapat na ito upang patunayan na ang mga tupa ng Diyos ay maaaring makaramdam na ang mga salita ng Diyos ay may awtoridad at makapangyarihan, at na ang mga ito ang katotohanan na walang sinumang makapagsasalita. Kung gayon tingnan natin ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos upang makita kung ang mga ito ay mga salita ng Diyos.

 

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa buong sansinukob ginagawa Ko ang Aking gawain, at sa Silangan, walang humpay ang mga dagundong ng kulog, niyayanig ang lahat ng bansa at denominasyon. Ang Aking tinig ang nag-akay sa lahat ng tao sa kasalukuyan. Lulupigin Ko ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang madala sila sa daloy na ito, at magpasakop sa Aking harapan, sapagkat matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong mundo at muli itong inilabas sa Silangan. Sino ang hindi nasasabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi sabik na naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nananabik sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi hahanga sa kasaganaan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Manunubos? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong mundo; habang nakaharap sa mga taong Aking hinirang, nais Kong sumambit ng iba pang mga salita sa kanila. Gaya ng malalakas na kulog na yumayanig sa mga bundok at ilog, sinasambit Ko ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman na ng tao, at itinatangi ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikidlat mula sa Silangan hanggang sa Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng tao at kasabay nito ay hindi rin niya ito maarok, kundi mas nagagalak dito. Gaya ng bagong-silang na sanggol, natutuwa at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang nila ang Aking pagparito. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao para lumapit sila upang sambahin Ako. Taglay ang kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ang mga salita sa Aking bibig, Pahaharapin Ko ang lahat ng tao sa Akin at makikita nila na kumikidlat mula sa Silangan at na bumaba na rin Ako sa “Bundok ng mga Olibo” sa Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa lupa, hindi na bilang Anak ng mga Judio kundi bilang Kidlat ng Silanganan. Sapagkat matagal na Akong nabuhay na muli, at nahiwalay sa sangkatauhan, pagkatapos ay muli Akong nagpakita nang may kaluwalhatian sa mga tao. Ako Siya na sinamba napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikuran ng mga Israelita napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon. Bukod dito, Ako ang napakamaluwalhating Makapangyarihang Diyos ng kasalukuyang panahon! Hayaang lumapit ang lahat sa Aking luklukan at makita ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at mamasdan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang wakas at kasukdulan ng Aking plano, gayon din ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaang sambahin Ako ng bawat bansa, kilalanin Ako ng bawat wika, ipahingalay sa Akin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya, at magpailalim sa Akin ang bawat tao!"

 

Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nararamdaman mo ba na ang mga salitang ito ay may maawtoridad at makapangyarihan na tulad ng mga salita ng Panginoong Jesus, at na ang mga ito ay mga salita ng Diyos? Kung nais mong matuto nang higit pa tungkol sa mga salita ng Diyos sa mga huling araw, I-click ang link upang makinig sa "Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob".

 

________________________________

 

Ang propesiya ng Biblia ay nagkatotoo, at ang Panginoon ay matagal nang naging Anak ng tao at bumaba ng lihim. Naguluhan ka ba: Kung gayon paano matutupad ang mga propesiya ng pagdating ng Panginoon sa mga ulap? Mag-click sa link upang makuha ang sagot.

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Write a comment

Comments: 0