· 

Ang Pagkakatawang-Tao ay hindi na Misteryo

 

 

Sinabi sa Bibliya, “At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan; Yaong nahayag sa laman” (1 Timoteo 3:16).

 

Sa loob ng dalawang libong taon, sa kabila ng pagkaalam ng lahat ng mga mananampalataya sa Panginoon na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na naging laman, walang tunay na nakakaunawa sa Katotohanan ng Pagkakatawang-Tao. Ang mga Pariseo noong panahong iyon ay hindi alam na ang Panginoong Jesus ay nagkatawang Diyos, nilabanan nila, at hinatulan ang Panginoong Jesus at ipinako Siya sa krus. Bilang resulta, sila ay isinumpa at pinarusahan ng Diyos. Maliwanag na ang pag-unawa sa mga aspeto ng katotohanan hinggil sa Pagkakatawang-Tao ay napakahalaga. Kung gayon ano eksakto ang Pagkakatawang-Tao? Ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay dumating at ipinahayag ang katotohanan upang ilahad ang mga Misteryo na bumabalot sa paksang ito.

 

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng isang katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, Siya ay dapat munang maging katawang-tao, katawan na may karaniwang katauhan; ito, sa pinakamababa, ay dapat maging totoo. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay nabubuhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagiging laman, nagiging isang tao.”

 

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Malinaw na sinabi sa atin ng Diyos na ang Pagkakatawang-Tao ay tumutukoy sa Ang Espiritu ng Diyos ay nanahan sa Laman. Ang Espiritu ng Diyos ay nadamitan ng katawang-tao at naging karaniwang Anak ng tao para ihatid ang Kanyang salita at gumawa sa mundo at magpakita sa tao. Na ibig sabihin ang Diyos sa langit ay naging tao para magsalita, gawin ang Kanyang gawain, tubusin at iligtas ang tao sa daigdig ng tao.

 

Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

 

________________________________________________

 

Nang Nagkatawang tao ang Diyos ay isa sa hindi inaasahan na dakilang misteryo Sa loob ng 2000 taon, walang makapagbigay palinaw dito. Ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, dumating, nagpahayag ng katotohanan at inilantad ang mga hiwaga, kaya't nauunawaan natin kung ano ang pagkakatawang-tao ng Diyos, at pati na rin upang malaman kung paano makilala ang Nagkatawang taong Diyos.

Write a comment

Comments: 0