· 

Natagpuan Ko na ang Tunay na Kaligayahan

Batang babae

 

Ni Zhang Hua, Cambodia

 

Isinilang ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga magsasaka. Kahit hindi kami mayaman, minahal ng aking ama at ina ang isa’t isa at pinakitunguhan nila ako nang napakaayos—masasabi mo talaga na masaya kami sa aming buhay-pamilya, at pinagpala. Nang lumaki na ako, sinabi ko sa sarili ko: Kailangan kong makatagpo ng isang asawa na tatratuhin ako nang maayos, at pagkatapos ay bumuo ng isang maligaya at masayang pamilya. Ito ang pinakamahalaga. Hindi ako naghahangad ng mga kayamanan—ang kailangan ko lamang ay isang mapagmahal na relasyon sa aking asawa at isang mapayapang buhay-pamilya.

 

Nakilala ko ang aking asawa sa pamamagitan ng isang kakilala namin pareho. Hindi ko siya nagustuhan noong una dahil medyo maliit siya, pero nagustuhan siya ng aking ama’t ina. Sabi nila may mabuti siyang puso at pakikitunguhan ako nang maayos. Nakita ko na tapat siyang makitungo sa mga tao, at mukhang isa siyang tao na tatratuhin nang maayos ang kanyang pamilya. Naisip ko, “Okey lang na medyo maliit siya. Basta’t tatratuhin niya ako nang maayos, ayos lang.” Kaya nga, pumayag ako sa kasal at noong 1989, nagpakasal kami. Pagkatapos kaming makasal, napakagiliw ng pagtrato ng asawa ko sa akin at inalagaan niya akong mabuti. Taos-puso ko rin siyang pinangalagaan at lagi ko siyang inuna sa aking isipan. Matapos isilang ang aming dalawang anak na babae, nanatili ako sa bahay at inalagaan ko ang aming pamilya para makapagtrabaho siya nang walang inaalala. Kalaunan ay kinailangang umalis ng bayan ang aming dalawang anak para mag-aral, kaya nangupahan ako sa isang lugar na malapit para makasama ko sila habang nag-aaral sila. Hangga’t kaya kong gawin ang isang bagay, hindi ko inaabala ang asawa ko tungkol sa mga pangangailangan ng pamilya, malaki man o maliit. Kung minsan ay mahirap o nakakapagod ang mga bagay-bagay, pero ang relasyon naming mag-asawa ay puno ng pagmamahalan, pangangalaga at konsiderasyon, at naging payapa ang buhay namin. Pakiramdam ko talagang napakasaya ng naging buhay ko.

 

Noong panahong iyon, sapat lang ang kita ng asawa ko para sagutin ang pang-araw-araw naming gastusin. Kahit medyo mahirap ang buhay namin, hindi ako nagreklamo sa kanya kailanman. Nadama ko na dapat pagsaluhan ng mag-asawa ang mga kagalakan at kalungkutan ng buhay. Pero kalaunan, bumagsak ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ng asawa ko; umabot iyon sa punto na kalahati lang ng dati niyang suweldo buwan-buwan ang inuuwi niya at nahirapan kaming bayaran ang matrikula ng aming mga anak. Sa pagsisikap na mabawasan ang pasanin ng asawa ko, nagsimula akong mangutang nang madalas sa aming mga kamag-anak. Naisip ko, “Pansamantala lang naman ang mga paghihirap na ito. Gaganda rin ang buhay namin pagdating ng araw.” Dahil napakatagal din kaming nangutang ng pera, lumaki nang lumaki ang mga utang namin, at pareho kaming namroblema nang husto. Noong 2013, naisip ng asawa ko na mangibang-bansa para kumita ng pera. Nang sabihin niya ito sa akin, kahit atubili akong makita siyang umalis, naisip ko, “Kung mangingibang-bansa siya sa loob ng dalawa o tatlong taon para kumita ng kaunting pera, mababayaran namin ang aming mga utang at gaganda ang sitwasyon ng aming pamilya. Bukod pa riyan, lumalaki na ang aming mga anak at gusto namin silang bigyan ng magandang buhay.” Alang-alang sa aming pamilya, sumang-ayon akong mangibang-bansa siya para magtrabaho.

 

Nagpunta sa Cambodia ang asawa ko at nanatili roon nang tatlong taon, habang nanatili ako sa bahay at inalagaan ko ang mga bata at ang tumatanda naming mga magulang. Noong una, madalas tumatawag ang asawa ko sa bahay at nagpapakita na nagmamalasakit siya sa pamilya. Nagpapadala rin siya ng pera sa amin. Pero sa paglipas ng panahon ay dumalang nang dumalang ang pagtawag niya at sa huli, lubhang sumama ang mga bagay-bagay kung kaya’t matagal siyang hindi tumawag o nagpadala ng anumang pera. Nabahala ako na baka may nangyari sa kanya, kaya nagpunta ako para makita siya, at isinama ko ang aming mga anak. Nang dumating kami sa Cambodia at nakita ko na ligtas at maayos ang kalagayan ng asawa ko, nakahinga ako nang maluwag. Dahil iyon ang unang pagkakataon namin sa Cambodia, nagplano ako na manatili kaming tatlo roon sandali para makasama ang aking asawa, at saka kami babalik sa China. Subalit, natuklasan ko na tuwing lumalabas kaming mag-asawa ng bahay, kakaiba ang tingin sa akin ng mga taong kakilala ng asawa ko. Dahil hindi pareho ang wikang sinasalita namin, wala akong ideya kung ano ang kahulugan niyon. Makalipas ang isang linggo, nang walang kaabug-abog, may dinalang bata sa akin ang asawa ko na hindi ko kilala para makipagkita sa akin. Sinabihan niya ang bata, “Sige na, mag-hello ka sa tita mo.” Sa oras na iyon, nakatitig lang ako sa kawalan dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Nang tanungin ko ang asawa ko, nalaman ko na anak niya ang batang ito sa ibang babae na nakilala niya sa Cambodia. Galit na galit ako kaya wala akong masabi, ni isang salita. Pakiramdam ko isa akong tanga at litung-lito ako. Nang tangkain kong pagalitan siya, sinabi niya, nang napakahinahon, “Normal na normal ito. Maraming taong gumagawa nito rito!” Nang marinig kong sabihin niya ito, nanginig ang buong katawan ko sa sobrang galit. Hindi ko kailanman naisip na ang sarili kong asawa, na minahal ako nang napakaraming taon, ay makapagsasalita ng isang bagay na gayon kalamig at walang puso at bastos. Sa galit ko, malakas ko siyang sinampal nang ilang beses. Parang bigla akong tinamaan ng kidlat sa pagtataksil niya—hindi ko talaga matanggap ang katotohanang ito. Lubos akong naparalisa. Napaupo na lang ako sa sahig at umiyak nang may kapaitan. Paulit-ulit kong itinanong sa sarili ko, “Bakit niya ito gagawin sa akin? Nasaan na ang asawa na dati kong kilala? Pinangakuan niya ako ng walang-kamatayang pag-ibig—iyon ba, at ang pagkamagiliw at pagmamahal niya, ay puro peke? Ibinigay ko na ang lahat para sa pamilyang ito. Hindi ko siya hiningan ng pera o ng magagandang bagay kailanman. Pero ngayon …” Napakalaking kahihiyan nito sa akin, at labis akong nasaktan at mali ang ginawa niya sa akin. Pakiramdam ko wala na akong dahilan para mabuhay pa.

 

Sa sumunod na mga araw palaging basa ng mga luha ang aking mukha. Kinasuklaman ko ang babaeng iyon at kinasuklaman ko ang batang iyon. Sinabi ko sa asawa ko na gusto kong makipagdiborsiyo at naghanda akong ibalik ang mga anak ko sa China at pagkatapos ay layasan ang tinatawag na pamilyang ito. Pero sa gulat ko, hindi lamang hindi pumayag ang asawa ko na makipagdiborsyo, kundi ayaw rin niyang iwanan ang babaeng iyon. Nalaman ko kalaunan na medyo matagal nang alam ng ilan sa mga kapamilya ko na may ibang babae ang asawa ko at nagkaanak dito, pero inilihim nila iyon sa akin noon pa man. Lalo kong nadama na nanakawan ako ng dangal sa buhay ko. Buong-puso kong inalagaan ang aming pamilya, at hindi ko kailanman inakala na susuklian ako ng pagtataksil at panlilinlang. Nadurog ang puso ko. Sapat na ang sakit na dulot ng matinding dagok na ito, pero ang hindi ko talaga matanggap ay ang kakaibang mga tingin sa akin ng mga taong kakilala ng asawa ko; pinagtsismisan pa nila ako. Ang asawa ko nga ang nagtaksil sa akin at ang babaeng iyon ang sumira sa pamilya ko, pero sa puntong iyon, sa mga mata ng iba, ako ang nanghimasok. Hindi ko talaga maipaliwanag ang sakit na nadarama ko noon. Dahan-dahang lumipas ang bawat araw na para bang isang taon at nabawasan ang timbang ko nang mahigit 10 kilo.

 

Kung kailan lubos na akong nawalan ng pag-asa, natagpuan ko ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nang malaman ng kapitbahay kong si Lin Ting ang nangyari, dumalaw siya at ibinahagi ang ebanghelyo sa akin. Sabi niya, “Manampalataya ka—matutulungan ka ng Diyos.” Gayunman, para sa isang katulad ko na lumaki sa turo na walang Diyos, hindi ko basta-basta mapipitik ang mga daliri ko at bigla akong magkakaroon ng pananampalataya! Hindi man lang ako tumugon. Kalaunan ay muling dumating si Lin Ting para kausapin ako at sinabing, “Basahin mo ang mga salita ng Diyos. Diyos lamang ang makapagliligtas sa iyo mula sa iyong pagdurusa….” Lahat ng sinabi niya ay napakataimtim kaya medyo naantig ako at nahiyang tanggihan siya sa ikawalang pagkakataon, kaya tinanggap ko ang aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Nang buklatin ko ito, nabasa ko ang sumusunod na sipi: “Ang sangkatauhan, na lumayo mula sa panustos ng buhay ng Makapangyarihan sa lahat, ay hindi nakakaalam kung bakit sila nilikha, subali’t takot pa rin sa kamatayan. Wala silang tulong o suporta, nguni’t atubili pa ring ipikit ang kanilang mga mata, at determinadong mamuhay nang walang dangal sa mundong ito, mga sako ng laman na hindi nararamdaman ang kanilang sariling kaluluwa. Sa ganitong paraan ka namumuhay, walang pag-asa, walang layunin na tulad ng iba. Tanging ang Banal na Isa ng alamat ang magliligtas sa mga tao, na habang nananaghoy sa kanilang pagdurusa, ay lubhang umaasam sa Kanyang pagdating. … Kapag pagod ka na at nararamdaman ang labis na kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras” (“Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nang mabasa ko ang taos-pusong mga salita ng Diyos, napaiyak ako nang malakas at nadama ko na tunay ngang nauunawaan ng Diyos ang sangkatauhan. Ginusto kong mamatay dahil sa pagtataksil ng aking asawa, pero wala akong lakas ng loob at hindi ko gustong mamatay nang ganoon. Nawalan ako ng layunin at direksyon sa buhay at umabot na ako sa punto na wala na akong pakialam tungkol sa pagpipigil ng aking damdamin. Nang mabasa ko ang mga salita ng Diyos, para akong nakakita ng pag-asa sa buhay at nakasumpong ng kaunting kapayapaan ang puso ko. Kahit nagtaksil sa akin ang asawa ko, maaari akong umasa sa Diyos. Hindi ako nag-iisa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag pagod ka na at nararamdaman ang labis na kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras.” Naging handa akong sumandig sa Diyos dahil isa akong taong nasaktan, at walang sinumang nagmalasakit sa akin. Kinailangan ko ang yakap ng Diyos. Bawat araw ay napakahirap, sobrang nakapapagod, at ayaw kong magpatuloy nang ganoon. Naisip ko na dahil nauunawaan nang husto ng Diyos ang sangkatauhan, tiyak na kaya Niya akong ilayo sa pasakit na ito. Kaya nga, nagsimula akong magbasa ng mga salita ng Diyos at mag-aral kumanta ng mga himno ng papuri sa Diyos kasama si Lin Ting. Sabi niya sa akin, “Kapag dumaranas ka ng paghihirap, manalangin ka sa Diyos at basahin mo ang Kanyang mga salita. Kayang panatagin ng Diyos ang nasaktan nating kaluluwa.” Iyon mismo ang ginawa ko. Nag-alab ang puso ko sa kaligayahan nang mapanood ko ang mga video ng musika at mga himno na naisapelikula ng mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Lalo na nang mapanood ko ang video na Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan, pakiramdam ko sumasayaw ang sarili kong puso kasabay ng pagkanta at pagsasayaw ng mga kapatid. Unti-unting naglaho ang depresyon at sakit sa puso ko at sa wakas ay nagsimulang lumitaw ang isang ngiti sa aking mukha. Bigla kong nadama na ito ang pamilyang talagang hangad ko at na ang tunay na kaligayahan ay maaari lamang matagpuan sa mga kapatid. Kaya, sumapi ako sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at nagsimula akong mamuhay ng buhay sa iglesia kasama ang mga kapatid.

 

Kalaunan ay binasa ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Ginagamit ni Satanas ang mga kalakarang panlipunan upang gawing tiwali ang tao. Kabilang sa ‘mga kalakarang panlipunan’ na ito ang maraming bagay. Sinasabi ng ilang tao na: ‘Nangangahulugan ba ito ng mga pinakabagong uso, mga pampaganda, mga istilo ng buhok, at masasarap na pagkain?’ Ang mga ito ba’y itinuturing na kalakarang panlipunan? Ang mga ito ay isang bahagi ng mga kalakarang panlipunan, subali’t hindi natin pag-uusapan ang mga ito dito. Nais lamang nating pag-usapan ang tungkol sa mga ideyang idinudulot ng mga kalakarang panlipunan sa mga tao, kung paano ang mga ito nagiging sanhi sa paggawi ng mga tao sa mundo, at ang mga layunin sa buhay at pananaw na idinudulot ng mga ito sa mga tao. Ang mga ito ay napakahalaga; makokontrol at maiimpluwensyahan ng mga ito ang kalagayan ng pag-iisip ng isang tao. Ang mga kalakarang ito ay lumilitaw isa-isa, at lahat ng mga ito ay nagdadala ng isang masamang impluwensya na patuloy na nagpapababa sa sangkatauhan, na nagiging sanhi upang mawalan ang mga tao ng konsensya, pagkatao at katinuan, na lalo pang nagpapahina ng kanilang mga moral at kanilang kalidad ng karakter, hanggang sa masasabi nating karamihan ng mga tao ngayon ay walang integridad, walang pagkatao, ni anumang konsensya, at lalo’t higit ng anumang katinuan. … Kapag ang isang bagong kalakaran ay lumalaganap sa mundo, marahil maliit na bilang lamang ng mga tao ang nangungana, gumaganap bilang mga tagapagpauso. Nagsisimula sila sa paggawa ng ilang bagong bagay, pagkatapos ay tinatanggap ang ilang uri ng ideya o ilang uri ng pananaw. Ang karamihan sa mga tao, gayunpaman, sa gitna ng kanilang kawalan ng kamalayan, ay patuloy pa ring mahahawa, magiging bahagi at maaakit ng ganitong uri ng kalakaran, hanggang sa tatanggapin nilang lahat ito nang hindi namamalayan at nang walang kusa at maging lubog dito at kontrolado nito. Isa-isa, ang mga kalakarang iyon ay nagiging sanhi upang ang mga tao, na wala sa matinong pangangatawan at pag-iisip, hindi nalalaman kung ano ang katotohanan, at hindi nakikilala ang kaibahan sa pagitan ng positibo at negatibong mga bagay, na tanggapin nang maluwag sa kalooban ang mga kalakarang ito pati na rin ang mga pananaw sa buhay at ang mga pagpapahalaga na nanggagaling kay Satanas. Tinatanggap nila kung ano ang sinasabi sa kanila ni Satanas kung paano pakitunguhan ang buhay at ang paraan ng pamumuhay na ‘ipinagkakaloob’ sa kanila ni Satanas, at wala silang taglay na lakas, ni kakayahan, lalo na ang kamalayan, upang lumaban” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang mga salitang ito mula sa Diyos ay nagpaalala sa akin ng sinabi sa akin ng aking asawa: “Normal na normal ito. Maraming taong gumagawa nito rito!” Hindi ba ang mga ideya at pananaw ng asawa ko ay isang halimbawa sa tunay na buhay ng inihayag sa mga salita ng Diyos kung paano hinihigop at winawasak ng masasamang kalakaran ng lipunan ang mga tao? Bago umalis ng bansa ang aking asawa, nagawa niyang alagaan ang pamilya at inalagaan niya ako at ang aming mga anak. Subalit, sa loob ng tatlong maiikling taon mula nang umalis siya ng bahay para magtrabaho, tuluyan na siyang sumunod sa masasamang kalakaran ng lipunan—pinagtaksilan na niya ang mga taong pinakamalapit sa kanya. Nang maisip ko ang lipunan ngayon, natanto ko na hindi iniisip ng maraming babae na nakakahiya ang maging isang kerida—sa halip, iniisip nila na nangangahulugan iyon na marunong sila. Maraming lalaki ang nalason na ng masamang pag-iisip na tulad ng “Ang pulang bandila sa bahay ay patuloy na nakataas habang ang makukulay na bandila sa ibang lugar ay namamayagpag sa hangin.” Ang ganitong mga ideya ay hinihikayat sila na buong tapang na makipagrelasyon sa iba. Hindi nila iniisip na nakakahiya iyon, kundi sa halip ay itinuturing nila itong isang bagay na dapat ipagmalaki. Ayaw akong diborsyohin ng asawa ko, pero ayaw rin niyang iwanan ang babaeng iyon. Hindi ba siya kontrolado ng gayong uri ng masamang pag-iisip at pananaw? Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Diyos, sa wakas ay nagawa kong maunawaan na ang totoo, lahat ay biktima. Lahat ay nalinlang ng masamang pag-iisip na itinanim sa atin ni Satanas. Ito lamang ang dahilan kaya tayo nagawang tiwali hanggang sa mawalan na tayo ng moralidad, mawalan ng kahihiyan. Nag-isip ako, “Ano ba ang napapala ng mga tao sa pagtupad sa sarili nilang makasariling mga pagnanasa? Talaga bang lumiligaya sila?” Sa tingin ko, palagay ko hindi mas masaya ang asawa ko at ang babaeng iyon kaysa sa akin, at bukod pa riyan, inosenteng biktima ang batang iyon. Hindi ba ang paghihirap na naranasan ng aming buong pamilya ay resulta lamang ng katiwalian at paninira ni Satanas? Kapag iniisip ko ang sarili ko, kung hindi ko natagpuan ang pagliligtas ng Diyos, malamang ay nasira din ng masasamang kalakaran ng lipunan ang aking kalooban. Naisip ko na dahil nakakita ng ibang babae ang asawa ko, magagawa ko rin iyon at maghahanap ako ng ibang lalaki dahil marami namang iba pang lalaki na magkakagusto sa akin. Nagpapasalamat ako na iniligtas ako ng Diyos kung kailan malapit na akong lamunin ni Satanas. Tinulutan ako ng Diyos na lumapit sa Kanya at tanggapin ang Kanyang proteksyon. Kung hindi, nawasak na sana ako ng masasamang kalakaran ng lipunang ito.

 

Kalaunan ay nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sapagkat ang diwa ng Diyos ay banal, nangangahulugan iyon na tanging sa pamamagitan ng Diyos makalalakad ka sa buhay sa makatuwirang daan ng liwanag; tanging sa pamamagitan ng Diyos mo malalaman ang kahulugan ng buhay, tanging sa pamamagitan ng Diyos na maisasabuhay mo ang totoong pagkatao at taglayin at makilala ang katotohanan. Tanging ang Diyos Mismo ang makakatulong sa iyo na layuan ang kasamaan at iadya ka mula sa kapinsalaan at kontrol ni Satanas. Maliban sa Diyos, walang sinuman at walang anuman ang makakapagligtas sa iyo mula sa dagat ng paghihirap upang hindi ka na magdusa. Ito ay pinagpapasyahan ng diwa ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang magliligtas sa iyo nang walang pag-iimbot, tanging ang Diyos ang responsable sa bandang huli para sa iyong kinabukasan, para sa iyong tadhana at para sa iyong buhay, at isinasaayos Niya ang lahat ng bagay para sa iyo. Ito ay isang bagay na hindi matatamo ng nilalang o di-nilalang. Sapagkat walang nilalang o di-nilalang ang nagtataglay ng diwa ng Diyos, walang tao o bagay ang may kakayahan na iligtas ka o akayin ka. Ito ang kahalagahan ng diwa ng Diyos sa tao” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa mga salita ng Diyos, nadama ko ang Kanyang pagmamahal at pagmamalasakit sa sangkatauhan, at naunawaan ko rin na, bagama’t maaaring gamitin ni Satanas ang lahat ng uri ng kalakaran ng lipunan upang gawin tayong tiwali at saktan tayo, hindi isinuko ng Diyos ang pagliligtas sa atin kailanman. Palagi tayong tahimik na pinoprotektahan ng Diyos, nagtatalaga ng lahat ng uri ng iba’t ibang sitwasyon para makabalik tayo sa Kanyang harapan at matanggap natin ang Kanyang pagliligtas. Sa paggunita kung paano ako nabuhay nang may hinanakit at pagdurusa matapos magtaksil ang aking asawa, alam ko na kung hindi dahil sa pangangalaga at awa ng Diyos, kung hindi ako naaliw at nahikayat ng Kanyang mga salita para makita ko ang mga plano at mapanlilang na mga pakanang ginagamit ni Satanas para gawing tiwali ang mga tao, at makita nang malinaw kung paano tayo nilalason ng masasamang kalakaran ni Satanas, patuloy sana akong nabuhay sa hinanakit at pasakit na iyon magpakailanman. Hindi sana ako nakalaya roon. Lubos ko pa sanang winasak ang sarili ko para lamang mawala ang pagkamuhi sa puso ko. Sa pamamagitan ng karanasang ito, hindi ko lamang naranasan ang pagmamahal ng Diyos, kundi nadama ko rin talaga na Diyos lamang ang makapagliligtas sa sangkatauhan mula sa katiwalian at pananakit ni Satanas, at Diyos lamang ang makakaakay sa atin sa landas ng liwanag sa buhay. Salamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagliligtas sa akin mula sa kailalimang iyon ng pasakit!

 

Sa mga panahong ito, ngayong nabasa ko na ang iba pang mga salita ng Diyos, may nauunawaan na akong kaunting katotohanan at nasusuri ko na ang maraming isyu. Hindi na ako napopoot sa aking asawa o sa babaeng iyon. Malaya silang pumili kung anong uri ng buhay ang nais nilang ipamuhay. Nagagawa ko ring maging mahinahon at matatag kasama ng mga kamag-anak at kaibigan. Hindi ko na sinisisi ang aking pamilya, dahil lahat naman tayo ay nagawang tiwali ni Satanas at lahat tayo ay biktima nito. Ngayon, madalas akong dumalo sa mga pagtitipon kasama ng aking mga kapatid kung saan nagbabasa kami ng mga salita ng Diyos, nagbabahaginan, at nagkukuwentuhan ng aming mga indibiduwal na karanasan. Nakikinabang ako araw-araw mula sa mga salita ng Diyos. May kapayapaan at kagalakan sa puso ko at puno ng pag-asa ang buhay ko. Nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos sa paggabay sa akin sa tamang landas ng buhay at pagbibigay sa akin ng tunay na tahanan. Dito ko natagpuan ang tunay na kaligayahan, at ang tanging nais ko ay sundin ang Diyos magpakailanman!

 

________________________________

 

Rekomendasyon: Ang Kahulugan ng Pagdurusa at Kung Anong Uri ng Pagdurusa ang Kailangang Danasin ng mga Mananampalataya sa Diyos

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Write a comment

Comments: 0