Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa anong paraan tinutupad ang pagperpekto ng Diyos sa tao? Sa pamamagitan ng matuwid Niyang disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos ay binubuo ng katuwiran, kamahalan, paghatol, at sumpa, at ang Kanyang pagperpekto sa tao ay sa pamamagitan ng paghatol” (“Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Bago’ng panahon ng mga tagapagsilbi, walang naunawaan ang tao sa paghahangad sa buhay, kung ano ang kahulugan ng maniwala sa Diyos, o ang karunungan ng gawain ng Diyos, at na maaaring subukin ng gawain ng Diyos ang tao. Mula sa panahon ng mga tagapagsilbi hanggang ngayon, nakikita ng tao kung ga’no kamangha-mangha ang gawain ng Diyos—at ’di niya maisip kung pa’no gumagawa’ng Diyos gamit ang kanyang utak, at nakikita rin niya kung gaano kaliit ang kanyang tayog at napakatindi ng kanyang pagkasuwail. Nang isumpa ng Diyos ang tao, ito’y upang matamo’ng isang epekto, at ’di Niya pinatay ang tao. Bagama’t isinumpa Niya’ng tao, ginawa Niya iyon sa pamamagitan ng salita, at ’di sumapit sa tao’ng sumpa Niya, ’pagkat ang ’sinumpa ng Diyos ay ang pagkasuwail ng tao, kaya sinambit din ang salita ng mga sumpa Niya para perpektuhin ang tao. Hinahatulan man ng Diyos ang tao o isinusumpa siya, parehong ginagawa nitong perpekto ang tao: Pareho ’tong ginagawa upang perpektuhin ang ’di dalisay sa kalooban ng tao. Sa pamamagitan ng kaparaanang ito ang tao ay pinipino, at ang kulang sa kalooban ng tao’y ginagawang perpekto sa pamamagitan ng mga salita Niya’t gawain. Bawat hakbang ng gawain ng Diyos—masasakit na salita man ito, o paghatol, o pagkastigo—ay ginagawang perpekto ang tao, at talagang angkop. ’Di nakagawa ang Diyos ng gawaing gaya nito sa lumipas na mga kapanahunan; sa ngayon, gumagawa Siya sa inyong kalooban kaya napahalagahan ninyo ang Kanyang karunungan. Bagama’t nagtiis na kayo ng kaunting pagdurusa sa kalooban niyo, matatag at payapa ang inyong puso; inyong biyaya ang matamasa ang yugtong ito ng gawain ng Diyos. Anuman ang inyong magagawang kamtin sa hinaharap, lahat ng inyong nakikita sa gawain ng Diyos sa inyo sa ngayon ay pag-ibig. Kung ’di nararanasan ang pagpipino’t paghatol Niya, ang mga kilos ng tao’y mananatiling paimbabaw, at ang disposisyon niya’y ’di magbabago. Maibibilang ba ito na nakamit ka na ng Diyos?” (“Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nakakapukaw sa’kin ang mga salita ng Diyos. Ramdam ko na ang gawain ng paghatol ng Diyos at pagkastigo ay para iligtas ang sangkatauhan. Ibabahagi ko ang pagsubok na dinanas ko nang tanggapin ko ang gawain ng paghatol ng Diyos, at ’yon ay ang pagsubok sa mga tagapagsilbi.
Isang araw nung Pebrero 1991, dumalo ako sa isang pagtitipon nang masayang sinabi sa’min ng isang kapatid na, “Nagsalita ang Banal na Espiritu!” Pagkatapos no’n, nagsimulang magbasa ang mga kapatid: “Nakarating na ang papuri sa Sion at lumitaw na ang tirahan ng Diyos. Ang maluwalhating banal na pangalan, na pinupuri ng lahat ng bayan, ay lumalaganap. Ah, Makapangyarihang Diyos! Ang Pinuno ng sansinukob, ang Cristo ng mga huling araw—Siya ang sumisikat na Araw na bumangon sa Bundok ng Sion na nangingibabaw sa kamahalan at karangyaan sa buong sansinukob …” “Nakagawa Ka na ng isang pangkat ng mga mananagumpay, at natupad ang plano ng pamamahala ng Diyos. Magsisiparoon sa bundok na ito ang lahat ng bayan. Luluhod ang lahat ng bayan sa harapan ng luklukan! Ikaw ang nag-iisang tunay na Diyos at karapat-dapat Ka sa kaluwalhatian at karangalan. Buong kaluwalhatian, papuri, at awtoridad ang mapasa-luklukan!” (“Kabanata 1” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nang marinig ko ’yon, kahit ’di ko pa ’yon naiintindihang lahat, naramdaman ko na espesyal ’yon, walang taong makapagsasalita ng ganoon. Siguradong nagmula sa Diyos ang mga salitang ’yon, na mga pagbigkas ’yon ng Banal na Espiritu. Matapos ’yon, laging pinadadala sa iglesia namin ang mga kabanata ng mga salita ng Banal na Espiritu, mga salitang naghayag ng katotohanan ng pananalig at hiwaga ng Biblia, at nagbukas din sa’tin ng landas ng pagsasagawa ng katotohanan. Nung panahong ’yon, araw-araw kaming nagbabasa ng salita ng Banal na Espiritu. Talagang nakakapagpalusog ’yon sa puso ko. Lahat ng tao babad sa labis na kagalakan at ramdam na pinagpala sila. Naisip naming kami ang mga unang inangat sa harap ng Diyos, mga mananagumpay na gagawin Niya, may bahagi sa kaharian ng langit, at angkop kaming tumanggap ng mga pangako’t biyaya ng Diyos. Ginugol namin ang mga sarili namin para sa Kanya. Yung ilan sa’min, kinokopya’ng salita ng Banal na Espiritu, yung ilan, nilalapatan ’yon ng musika para gawing mga himno. Nung panahong ’yon, mahirap din ang lagay namin, ilan sa mga kapatid namin ang inaaresto habang nagtitipon. Hindi ako takot o kimi, kundi masigla akong gumugol para sa Diyos.
Nang puno na ’ko ng pag-asang makakarating sa kaharian ng langit, nagsalita ng panibago ang Diyos at binigay ang pagsubok sa mga tagapagsilbi. Oktubre noon, sinabihan ako na pumunta sa pagtitipon na dalawampu’t limang milya ang layo para kunin ang mga bagong salita ng Banal na Espiritu. Naisip ko, tiyak na may magandang balita, kaya sabik akong nagbisikleta papunta sa lugar, puno ’ko ng enerhiya at kumakanta-kanta pa. Pagdating ko, nagulat ako, nakita ko ang mga kapatid ko na mukhang namomroblema. Sabi sa’kin ng isang kapatid, “Nagsalita ang Banal na Espiritu. Mga tagapagsilbi raw tayong lahat.” Isang lumuluhang sister ang nagsabing, “Taga-serbisyo tayong lahat. Tagabigay ng serbisyo’ng mga Tsino at ’di tayo pagpapalain.” Hindi ako makapaniwala na totoo ’yon. Nagmadali akong basahin ang mga salita ng Banal na Espiritu: “Sa Tsina, bukod sa mga panganay Kong anak at bayan, lahat ng iba ay supling ng malaking pulang dragon at dapat isantabi. Dapat maunawaan niyong lahat, ang Tsina matapos ang lahat, ay sinumpa Ko, at ang ilang tao Ko roon ay naglilingkod lamang para sa ’King gawain sa hinaharap. Sa ibang salita, bukod sa mga panganay Kong anak, wala nang sinuman pa— mapapahamak silang lahat. Huwag isiping napakalabis Ko sa ’King mga gawa—ito ang Aking atas administratibo. Ang mga nagdurusa ng mga sumpa Ko’ng mga pakay ng Aking pagkamuhi, at tiyak ito” (“Kabanata 95” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nagulat ako nang mabasa ko ’to. Maraming beses na binanggit ang mga tagapagsilbi sa salita Niya, at ang akala ko, nangangahulugan ’yon ng mga ’di mananampalataya. Pero nalaman kong tungkol pala ’yon sa’tin. Tagapagsilbi raw ang mga Tsino na susumpain ng Diyos, at ’pag tapos na’ng serbisyo nila, itatapon na sila sa hukay. Nanghina ang buong katawan ko. ’Di ko inakalang isa ’kong tagapagsilbi. Wala bang saysay ang naging pananalig ko? Bukod sa hindi ako pagpapalain, itatapon ako sa walang katapusang hukay! Pakiramdam ko itinapon ako sa kailaliman. Naging miserable ako, at nagsimulang magreklamo. Iniwan ko’ng pag-aaral ko para sa Panginoon, naisip ko kung pa’no ’ko kinutya ng iba, nang ’di ’yon maunawaan ng pamilya ko, at ang pang-uusig ng CCP, at kung pa’nong halos maaresto na ’ko. Pero hindi ako umurong, tinuloy ko’ng paggugol ng sarili. Masyado akong nagdusa, akala ko makakapasok ako sa kaharian ng langit, pero ngayon isa ’kong mababang tagapagsilbi. Hindi ko maintindihan ’yon. Matagal akong naupo ro’n at bumuntong-hininga. Yung ibang mga kapatid, mga nakayuko na lang, yung iba umiyak, yung iba nagtakip ng mukha at umiyak nang malakas, at yung ibang kapatid, malakas na humagulgol.
Nung pauwi ako matapos ang pagtitipon, halos wala akong lakas na magbisikleta. Ang naiisip ko sa daan, “Pa’no ’ko naging tagapagsilbi?” Habang lalo kong iniisip ’yon, lalong sumasama’ng loob ko, walang tigil ang pagluha ko. Pag-uwi ko, wala ’kong interes gumawa ng anuman, nakayuko lang ako habang naglalakad, at ayokong makipag-usap. Kahit ang simpleng paghinga nakakapagod. Hindi ko matanggap sa sarili ko na isa lang akong tagapagsilbi na ’di pagpapalain sa huli.
Nilabas ang maraming kabanata ng salita ng Diyos, binasa ko’ng bawat isa no’n, naghahangad ng katiting na pag-asa sa mga salita Niya, na pwedeng mabago ang kalalabasan ko. Pero walang tungkol sa pagpapalang hinahangad ko, puro lang malupit na paghatol. May ilang mga salita ng Diyos ang nagsabing: “Yaong mga naglilingkod at yaong nabibilang sa diyablo ay ang mga walang-espiritung patay, at sila ay dapat na mawasak sa kawalan. Ito ay isang hiwaga ng Aking plano ng pamamahala, at ’di kayang arukin ng sangkatauhan sa ’King plano ng pamamahala, nguni’t ito’y nailantad Ko na rin sa bawat isa. Yaong mga hindi kabilang sa Akin ay laban sa Akin; yaong mga kabilang sa Akin ay yaong mga kaayon sa Akin. Ito ay ganap na walang alinlangan, at ito ay ang prinsipyo ng Aking paghatol kay Satanas. Ang prinsipyong ito ay dapat na malaman ng lahat upang makita nila ang Aking pagkamakatuwiran. Lahat ng mga nagmumula kay Satanas ay hahatulan at susunugin at gagawing abo. Ito rin ay Aking poot, at makikita pa lalo ang Aking disposisyon dahil dito” (“Kabanata 108” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Matapos gumawa ng serbisyo para sa ’Kin ngayon, dapat umalis na silang lahat! Huwag manatili sa Aking bahay, huwag maging walang-kahihiyan at maghuthot lamang. Yaong mga kay Satanas ay mga anak ng diyablo lahat, at mapapahamak magpakailanman” (“Kabanata 109” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nang makita kong sinusumpa ng Diyos ang mga tagapagsilbi, nawalan ako ng pag-asa, pakiramdam ko, nahulog ako sa walang-katapusang hukay. Hindi ko mailarawan ang pakiramdam ng kalungkutang ’yon. Naisip ko kung pa’nong nung nakaraan lang, yakap pa ako ng Diyos, pero ngayon itinapon na ako, hinatulan at sinumpa ng Diyos, itinapon sa hukay. Lumubog ako sa pagpipino ng kalungkutan at naging napakanegatibo. Wala akong lakas para magdasal, o magbasa ng mga salita Niya. Nagsimula ’kong pagsisihan ang lahat ng isinaksipisyo ko dati. Kung alam ko lang, nagtabi sana ’ko para sa sarili ko, pero ngayon walang natira sa’kin. Kung alam ng pamilya ko na ’di mananampalataya na magiging tagapagsilbi pala ako, at wala palang mapapala, hindi ba kukutyain nila ’ko? Pa’no ko sila haharapin? Ano’ng magagawa ko? Nang maisip ko ’yon, nakaramdam ako ng pagsisisi. Kung iisipin ang pananalig ko, kahit na naghirap ako, marami rin akong tinamasang pagpapala ng Diyos. Ngayon, inangat ako ng Diyos para marinig ang bago Niyang mga salita, at marami akong natutuhang katotohanan. Anuma’ng mangyari, hindi ako makakalayo sa Diyos.
Binasa namin ang mga salitang ito ng Diyos sa isang pulong: “Nais Ko lang na ialay niyo sa ’Kin ang lakas niyo buong puso’t isip, at sa pinakamagaling niyong kakayahan. Ngayon man o bukas, kung ikaw man ay isang taong naglilingkod sa Akin o nagtatamo ng pagpapala, dapat ibuhos niyo’ng bahagi ng kalakasan niyo para sa kaharian ko. Isang obligasyon ito na dapat ganapin ng lahat ng taong nilalang, at dapat maipatupad ito sa ganitong paraan. Pakikilusin Ko’ng lahat ng bagay upang maglingkod para maging laging bago’ng kagandahan ng kaharian Ko, at para ang bahay Ko’y maging nagkakasundo’t nagkakaisa. Walang hinahayaang lumaban sa ’Kin, at dapat silang magdusa ng paghatol at masumpa” (“Kabanata 100” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nung oras na ’yon, nagbahagi rin ang lider ng iglesia mula sa mga salitang ’yon. “Maraming tao ang nakakaramdam ng hiya sa pagiging tagapagsilbi, ngunit ’yon ay lubos na mali. Kung nakaka-serbisyo tayo ngayon sa Diyos, isang bagay ’yon na itinadhana Niya, pinili Niya tayo na gawin ’yon. Sa katunayan, ang pagsisilbi sa makapangyarihang Diyos ay isang maluwalhating bagay! Mga tao tayo na labis na ginawang tiwali ni Satanas, at kaharap ang Diyos, maliliit na nilalang lang tayo. Sino’ng angkop na magsilbi sa Diyos? Sa buong sangkatauhan, tayo ang pinili ng Diyos na maglingkod sa Kanya. Marami tayong naging pakinabang, at talagang isa ’tong malaking pag-aangat mula sa Diyos. Ito ang pinakapatas na pahayag, at kung ’di niyo maunawaan ito, kung gayon kayo ay napakamapagmataas. Hayaan niyong tapat kong sabihin: Tinulutan Niya tayo—tayong walang kabaitan—na maglingkod sa Kanya. Gayunman, alam niyo ba ang kahihiyan na tiniis Niya? Araw-araw Siyang hinaharap ng mga tiwaling gaya natin, pero sino sa’tin ang nakaisip sa kahihiyang tiniis ng Diyos? Lagi tayong nagrerebelde at lumalaban sa Kanya, hinahatulan Siya gamit ang sariling pagkaunawa, at sinaktan ang puso Niya. Ga’no karaming hirap ang tiniis ng Diyos? Puno tayo ng mga tiwaling disposisyon, at ’pag naglilingkod sa Kanya, kulang tayo sa mga kailangan Niya. Matapos ang gano’ng asal, ni hindi tayo angkop na magbigay-serbisyo sa Diyos. Pa’no tayo magiging angkop na maging bayan Niya?” Nang marinig ko ’yon, do’n ako nagising. Ang Diyos ang Lumkha, Siya’ng pinakamataas. Maliit at mababa ako, kaya ang paglilingkod sa Kanya’y kabutihan at pag-aangat ng Diyos. Pero hindi ko alam ang sarili kong pagkakakilanlan, mababa ang pagiging tagapagslbi, at ayoko ’yong gawin para sa Diyos. Napakayabang ko at walang katwiran. Pag inaalala ko, kahit masigasig akong naghanap, at nagsakripisyo, para ’yon magkamit ng biyaya, para tamasahin ang kaharian ng langit. Nang mabasa ko’ng mga pangako ng Diyos sa tao, talagang nakaramdam ako no’n ng gana, nagpatuloy ako sa kabila ng pang-uusig ng CCP. Pero nang mabasa kong mga tagapagsilbi tayo, na tayo ay itatapon sa hukay, nagsimula akong magreklamo’t sisihin ang Diyos, at naisip ko pa ngang traydurin ang Diyos. Pa’no ’ko naging tunay na mananampalataya? Ang binigay ko, sinakripisyo’t ginugol namantsahan ng mga motibo ko’t karumihan. Para sa biyaya ’yon, sinusubukan kong makipagtawaran sa Diyos. Napakamakasarili ko at kasuklam-suklam. Marami akong tinamasang biyaya ng Diyos, ang pagkai’t pagdidilig ng salita Niya, pero ginusto ko siyang traydurin nang wala nang biyaya. Talagang wala akong konsensya o katwiran. Napuno ako ng pagsisisi at panghihinayang dahil sa bagay na ’yon. Anak ako ng malaking pulang dragon, kay Satanas ako at ’di sa tahanan ng Diyos, kahit ang pananalig ko, pinagana ng pagpapala. Banal at matuwid ang Diyos, at hindi nagpaparaya sa kasalanan ang disposisyon Niya. Sa ugali at saloobin ko sa Diyos, ’di ako karapat-dapat maging isang tagapagsilbi. Dapat matagal na ’kong sinumpa ng Diyos. Hindi ako pinarurusahan ng Diyos, hinahayaan Niya akong mabuhay para magkaro’n ako ng pagkakataong marinig ang mga pagbigkas Niya, tanggapin ang sustento niya sa buhay, at saka maglingkod sa Diyos. Isa ’tong ’di pangkaraniwang pagpaparangal, at dapat akong magpasalamat. Ano’ng karapatan ko para magreklamo? Kailangan kong maglingkod sa Diyos!
Nung Nobyembre, tumanggap kami ng maraming bagong salita Niya. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Matapos Akong bumalik sa Sion, patuloy Akong pupurihin ng mga nasa lupa. Ang mga tapat na taga-serbisyo’y maghihintay para magbigay-serbisyo sa ’Kin, pero magwawakas na ang kanilang tungkulin. Ang magagawa nila’y pag-isipan ang presensya Ko sa lupa. Sa panahong ’yon, padadalhan ko ng sakuna ang mga magdurusa ng kalamidad; pero naniniwala ang lahat na matuwid Akong Diyos. Tiyak na hindi Ko parurusahan ang mga tapat na taga-serbisyo, at tatanggap lang sila ng Aking biyaya. Dahil nasabi Ko na parurusahan Ko ang lahat ng masasamang tao, at ang gumagawa ng mabuti ay tatanggap ng materyal na kasiyahang ipinagkakaloob Ko, ipinapakita na Ako Mismo ang Diyos ng katuwiran at katapatan” (“Kabanata 120” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nakita kong hindi tayo tinalikuran ng Diyos, at ’di Niya tayo pinarurusahan dahil anak tayo ng pulang dragon. Tinutulutan pa rin tayo ng Diyos na maging tagapaglingkod Niya at magpuri sa Kanya sa lupa. Sumaya ako nang dahil do’n, at lumakas ako. Naramdaman kong ang pagsisilbi sa Diyos ay isang pagpapala mula sa Kanya. Nung mga panahong ’yon, kinanta namin sa bawat pulong ang himnong “Magandang Kapalaran Natin ang Magbigay-serbisyo sa Diyos”: “Sa pamamagitan ng pahayag at paghatol ng mga salita ng Diyos natin nakikita kung gaano kalalim tayo ginawang tiwali. Puno ng hangarin at pagnanais na mapagpala, paano tayo magiging karapat-dapat na mabuhay sa harap ng Diyos? Hindi tayo angkop na pumasok sa kaharian ng langit; ang magbigay ng serbisyo sa Diyos ay isa Niya nang pagpaparangal. O! Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos tayo nagbibigay ng serbisyo, at mabuting kapalaran natin ang pagbibigay ng serbisyo. Tumatanggap man ako ng mga biyaya o nagtitiis ng kasawian, payag akong magbigay ng serbisyo hanggang sa huli” (Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin).
Nang masaya na kaming maging tagapagsilbi at payag nang maglingkod sa Diyos, nung February 20, 1992, nagsalita ng bago ang Makapangyarihang Diyos. Inangat Niya kami para tapusin ang pagsubok sa mga tagapagsilbi. Sabay-sabay natin ’tong basahin. “Ang sitwasyon ngayon ay ’di tulad ng dati, at ang Aking gawain ay pumasok na sa isang bagong panimula. Yamang gano’n nga, magkakaroon ng isang bagong pamamaraan: Yaong mga nagbabasa ng Aking salita’t tinatanggap ito bilang buhay nila ay ang mga tao ng Aking kaharian, yamang sila’y nasa kaharian Ko, sila ay ang Aking bayan sa kaharian. Dahil ginagabayan sila ng Aking mga salita, kahit tinatawag silang Aking bayan, ang titulong ito’y hindi pangalawa sa matawag na ’mga anak’ Ko” (“Kabanata 1” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Dahil ang mga tagapagsilbi ang bayan Niya sa Kapanahunan ng Kaharian, nakaramdam ako ng kaligayahan na may halong pagsisisi. Nagsisi akong naging negatibo ako, at walang pag-asa nung panahon ng pagsubok, nagreklamo pa ’ko, at sinisi ko ang Diyos. Hindi ako pumayag na maging tagapagsilbi Niya. Wala akong debosyon at pagiging masunurin sa Diyos. Pakiramdam ko may utang ako sa Kanya. Masaya ako dahil bilang anak ng pulang dragon, na mapanghimagsik at tiwali, dahil lang sa ’di kami sumuko sa pagsubok, inangat Niya kami bilang bayan ng kaharian, mga miyembro ng tahanan Niya. Ramdam ko ang malaking pagmamahal Niya para sa’tin, at nag-umapaw ang papuri’t pasasalamat ko sa Kanya.
Matapos kong pagdaanan ang pagsubok, nakita ko’ng karunungan sa gawain Niya. Humahatol, kumakastigo’t sumusumpa Siya gamit ang salita Niya, at kahit malupit ’yon, at iniiwan tayong nasasaktan at balisa, para ’yon sa pagdadalisay at pagbabago natin. Oo, totoo ’yan. Kahit pinino ako gamit ang mga salita ng Diyos, nakita ko’ng matuwid Niyang disposisyon. Naiinis Siya sa mga karumihan natin, at sa pananalig na inudyukan ng biyaya. Matapos ang karanasang ito, nagbago ang pananaw ko sa pananalig. ’Di ko na hinangad ang biyaya at pagpasok sa kaharian ng langit, ang pagiging tagapagsilbi na naglilingkod sa Lumikha ay pagpaparangal ng Diyos, at isang pag papala.Pinagmamalaki ko ’yon, isang karangalan!
________________________________
Disasters are now more and more and the signs of the Lord's return have appeared. Many believers have a premonition that the Lord is likely to be back already. So, how should we welcome the Lord's return and gain the Lord's salvation of the last days? Please click the Tagalog Sermons.
Write a comment